Sabayan sa sakayan.
Hindi na ako magtatago. Hindi na ako magkukunwari. Wala na akong pakialam kung magalit man sa akin si tita, basta eto na 'to. This is it. This is the part when I break free, 'cause I can't resist it no more. Hay, I know right, kanta na naman.
Nakasuot ako ng plain shirt, jeans at flat shoes. Hindi ako naglagay ng kahit anong make-up at ang buhok ko naka-messy bun. Ang pagiging natural ay sadyang effortless.
Kung ano ang idinali ng preparation, siya namang ihinirap ng timing. Well, di na ito bago sa akin. Dami ko na pinagdaanang paghihintay noon noh, ngayon pa ba ako susuko? Isang linggo palang naman ako nag-aabang dito sa sakayan.Lagi ko nakikita si Robbie, pero ang hirap saktohin kung kelan ko dapat guluhin ang nananahimik nyang buhay. Balak ko kasi yung pwesto sa harap ng van para talagang wala siyang kawala sa akin. Yung tipong talagang magbobonding kami, kasi wala siyang choice. Ganun.
May isang araw na si Robbie ang huling pasahero na naupo, siyempre ekis na yun. Antay na naman ako kinabukasan. Madalas sa gitna siya napapaupo e. O kaya naman sa pinakagilid, taga-bukas at taga-sara ng pintuan ng van sa gitna.
Kailan ba siya mauuna sa pila? Yun ang target ko. Nakakainip naman mag-antay ng tamang panahon. Hay, kaya yan, tiwala lang sa mga lola ng Kalyeserye. Oh-po.Naka-abang padin ako hindi kalayuan mula sa pila ng mga pasahero ng van. Mauuna na sana si Robbie sa pila kaso may babaeng naka-uniporme pang-nurse ang nagmamadaling umabante. Hay. Ok na e, naudlot lang. Kainis.
Maya-maya lang, nagkaroon ako ng pag-asa. May sumundong sasakyan kay ateng nurse. Wahahaha! Ito na ba talaga 'to? Una na talaga si Robbie sa pila. Kinakabahan ako at naeexcite. Yes! Hahahaha! Woooh! Ok, Angel. Attack!
Itinago ko ang maliit kong payong sa bag. Nagpabasa muna ako ng saglit sa ulan. Ang messy hair bun, ginulo ko pa ng kaunti. Inhale. Exhale. Hooh hooh. You go girl, Angel. Get him.
Marahan akong naglakad papunta kay Robbie. Lumapit ako sa kanya at tinignan siya sa mata, pero hindi ko rin kaya tagalan, bigla ako nakaramdam ng hiya.
"Uhm..ah..Ro--- "
----------0000o---------
Nagkakilala kami sa isang Elderly Home.
Special ang taong na ito dahil napilitan ako mag-host ng Outreach.
Nagbunutan sa office, kung sino ang hindi mabubunot, ang matitirang pangalan sa fish bowl, ang siyang forced volunteer ng company para mag-emcee. Nagbubunyi ang mga ka-officemete ko tuwing nabubunot ang kani-kanilang mga pangalan.
Tatlong lalaki nalang kaming natirang hindi pa natatawag. Kinukutuban na ako na baka ako ang mabunot. Parang sira ang mga kasamahan ko sa opisina. Naghawak-hawak pa kami ng mga kamay akala mo nasa isang reality show, nag-aantay ng ma-eevict. Pero dito, ang ma-evict ang panalo, ang maiwan ang talo.
Nagtatatalon ang isa sa amin, siya ang unang natawag. Nagyakapan pa yung dalawa kong kasama sa harap, parang ewan talaga 'tong mga 'to. Pwede magkomedyante.
Bubunutin na ang huling maliligtas. Hanggang sa huling sandali, umasa parin ako na sana hindi ako.
Pero wala na e, nandyan na, di narin naman makakatanggi. Para matapos na rin ako at ma-exempt na sa bunutan sa mga susunod na taon, pumayag na din ako.
Kaya ayun andito ako sa harap ng stage, inaantay ang magiging partner ko galing naman sa sister company ng pinapasukan ko. Balita ko babae daw, sana maganda.
Dumating na ang shuttle ng sister company. Agad ipinakilala sa akin ang magiging co-host ko sa event na ito.
"Hello, I'm Angel," sabi niya sabay smile.
"I'm Robbie," sabi ko naman.
Matapos namin mag shake hands, binuklat niya ulit ang script para magreview. Mukhang seryoso talaga siya sa paghohost.
Uhm. Hindi naman siya yung tipong drop dead georgeous sa ganda. Sakto lang. Actually may kaliitan ang height, pero pwede na. Hindi na rin masama.
Maya-maya lang, bigla kaming pinatawag ng events coordinator.
"Angel and Robbie, may good news and bad news."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Angel, sabay kami humarap sa coordinator. Isa siyang malaking lalaki na may pagka silahis kumilos.
"Ano po yun?" tanong ni Angel.
"Sige, bad news muna," sabi ko naman.
"Bad news, hindi makakarating sa event na ito ang bagong love team na nagpledge ng attendance nila. Sobrang dismayado kaming lahat, mga organizers, kasi sila pa naman ang main event ng party na ito. Kulang ang party na ito kapag walang guests na magpapakilig sa mga lolo at lola."
Nilapitan ni Angel ang coordinator upang pakalmahin ito. Inabutan niya din ng panyo, naluluha na e.
"Yan kasi ang nagpapafeeling bata sa kanila. Yung young love yan ang hinahanap-hanap nila talaga para sumaya sila today," sabi ng maiyak-iyak nang bading na coordinator.
"Sige, narinig na namin yung bad news, good news naman tayo," dugtong ni Angel.
Pinagdikit nila ako at si Angel.
"Kayo. Kayong dalawa ang good news."
----------0000o---------
"Yun lang pala. Walang problema sa amin ni Robbie. Kayang-kaya namin yan."
Ayoko sanang pumayag, akala ko parehas kami ni Angel ng iniisip. Pero hinila niya ako at dinamay niya ako sa kalokohang ito.
Pumayag narin ako kasi mas maiksi naman ang exposure ko pag nagawa namin 'to. Ie-entertain lang namin ang mga lolo at lola tas pede na kami umuwi at di na sumali pa sa ligpitan ng mga kagamitan sa party.
"Uy, Robbie. Wag ka magte-take advantage ah. Ginagawa lang natin 'to para sa mga lolo at lola."
"Wag ka mag-alala. Baka ka nga ikaw pa ang magtake advantage sa akin," sagot ko naman habang inaayos ang kwelyo ng suot kong polo.
"Akbay, saka yakap-barkada pwede. No kiss. Virgin lips 'to noh. Reserved." Nakatingin siya sa salamin at nagpapahid ng pink lipstick sa labi.
"Wala naman akong balak halikan ka, feeling e kababaeng tao," bulong ko.
"Ano? Bulung-bulong ka pa dyan. Mabuti lang naman yung malinaw. Kawang-gawa lang ito," sabi niya habang nag-aayos ng buhok.
"Uu na kawang-gawa na. Dami pang satsat. Tara na."
----------0000o---------
Ipinakilala nila kami sa mga matatanda bilang bagong love team, Robbiel. Sandali lang naman 'to, konting tiis lang at pagpapanggap, makakauwi na rin ako.
Lipsynching with dancing and acting
"Kay tagal din na ito'y kinikimkim...Kung sasabihin ba ay diringgin.."
Inumpisahan ko. Kasi lalaki nauna kumanta sa YouTube video na pinanood nila sa amin.
"Aaminin ba'ng itinatagong lihim..Pag-ibig mo ang tangi kong hiling.."
BINABASA MO ANG
Katabi [Completed] #Wattys2015 #TNTPanalo
Historia CortaGusto kong maniwala na ang puso'y di marunong makalimot.