That was mid-August, taong 2013, bumabagyo noon nung magpunta kami sa Pangasinan. Nahirapan talagang umusad yung sasakyan namin dahil sa mabigat na trapik. At isa pa, may mga part sa daan na binabaha noon. Kasama ko si Elle at Rosy nang tumuloy muna kami sa isang inn sa lugar na iyon. Napilitan tuloy kaming tumuloy muna doon dahil magaalas onse na rin ng gabi. Medyo malayo-layo pa yung pinaka destinasyon namin. Pupunta kasi kami sa kasal ni Rikki, former classmate din namin nila Elle at Rosy noong college pa kami. Sa sobrang pagod nung dalawa, nakatulog agad sila. Ako, eto't lumabas muna at nagtungo sa isang malapit na restobar sa may inn.
"Miss, miss, dito ka na maupo oh." Nagulat na lang ako nang may mag-alok sakin bigla na umupo kasama siya. Siyempre, kinabahan ako bigla. Malay ko ba, baka mamaya may masamang intensyon sakin to.
"Sorry, ahmm. Dun na lang ako sa kabila. Mas okay nang mapag-isa." yan ang sagot ko sa kanya.
"Mukha ba kong rapist?"
"Hala, hindi naman. Eh i just don't talk to strangers."
"Anong favorite song mo?"
"What?! Eh Why?"
"Wala lang miss, natanong ko lang. Sige na, ano nga?"
"Forevermore. Teka nga sige, mukha ka namang mabait. Makaupo na nga diyan." Nginitian ko siya at ako'y napaupo na rin sa wakas. Pero pag upo ko naman, bigla na lang siyang tumayo. Hays. Ang gulo netong lalaking to ah.
"At ito na ang pinakahihintay natin sa gabing ito. Let's call on stage ang ating guess solo singer. Let's all welcome, Mr. Vladimir Alcazar!"
Na-excite ako nung malaman kong may ganito pa lang pakulo sa restobar na ito. Ngunit mas laking gulat ko nang malaman kong ang guess singer pala eh yung lalaking kausap ko kani-kanina lang! Ni hindi ko mawari ang reaksyon ko dahil habang patungo siya sa stage eh, nakatitig siya sa akin na para bang gusto na niya kong tunawin sa mapang-akit na mata niyang iyon.
"Ahm. Salamat sa pag-guess sakin dito, Sir Mark at Ma'am Terry. At ngayong gabi nga po ay I'll sing a song for you. I composed this song at sana po magustuhan niyo."
Kinanta niya yung song na, "Baby, I'll Be Your Destiny" na sinulat niya daw at sa sobrang ganda ng boses niya, di ko namalayan na lumalakas ang pintig ng puso ko. Pano ba naman kasi, sa akin lang siya nakatitig habang kinakanta niya ang komposisyon niyang iyon. Sa akin nga lang ba? O nag-iilusyon lamang ako?
Marami ang pumalakpak sa galing ng pagkanta niya. Ang ibang customers pa nga ay sumisigaw ng, "More" Nahihiya talaga ako sa kanya at nasungitan ko pa siya.
Laking gulat ko na lang sa mga sumunod na minuto, narinig ko mula sa kanyang magandang tinig ang unang linya ng aking paboritong awitin.
"There are times when I just want to look at your face~~"
Wala na kong mukhang maihaharap sa kanya sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Ang tamis ng kanyang ngiti. Mas lalo akong nabigla nung bumaba siya sa stage at ako'y nilapitan.
"You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you~."
"Pwede ko bang malaman ang name mo?" tanong niya sakin habang patuloy pa ring tumutugtog ang banda.
"Uhhhmm. Jane"
"You're all I need, Jane to be with forevermore~"
Matapos niyang banggitin ang pangalan ko, nawalan na lang ako ng malay bigla at nahimatay. Ganun pala kalakas ang dating sakin ng lalaking iyon.
Nung magkamalay ako, laking gulat ko na lang dahil nakahiga na ako sa malambot na kama sa inn na pinagtuluyan namin. Mag-aalas sais na rin ng umaga at nakita ko sila Elle na pinagtatawan ako.
"Anong problema? Teka teka. Pano ako nakapunta dito?"
"Hinatid ka ng Forevermore mo. Hihi ayieh." pang-asar ni Rosy.
"Shet hindi nga? Nakakahiya. Hinimatay ako bigla kagabi. Hindi ko alam. Siguro sa sobrang pagod."
"Sa sobrang pagod o sobrang kilig?" tanong ni Elle.
"Hay nako, tigil tigilan niyo na nga ako. Tara na nga at mag-ayos na tayo. Baka ma-late pa tayo niyan kila Riks oh."
Hindi ko na lang pinakita ang nararamdaman kong saya sa mga kaibigan ko dahil alam kong aasarin lang nila ako.
Halos isang oras na rin nang kami'y makarating sa may resort na inupahan nila Rikki. Beach wedding kasi ang motif dahil mahilig naman si Rikks sa mga outings na gaya niyo. Naka ayos na ang lahat. Blue and white ang motif para sa color coding. Puti ang para sa mga babae at blue naman ang sa lalaki. Napaka elegante ng pagkaka set-up sa venue at nagrereflect iyon sa pagiging sopistikada ng aming kaibigang si Rikki.
"You may now kiss the bride!" Iyan ang linyang pinakahihintay ng lahat. At lahat sila ay tuwang tuwa nga sa pag-iisang dibdib nila Rikki at Jake. Habang sa mga oras na iyon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang lalaking nagpabilis ng tibok sa puso ko noong gabing iyon.
"Hoy, Jane! Sumali ka dito! Malay mo ikaw na yung susunod na ikakasal!" sabi ni Elle.
"Papaano naman ako ikakasal, eh wala naman akong boyfriend no. Loko ka talaga Elle."
"Eh malay mo naman! Si Forevermore mo. Dali na!!"
"Osige na nga."
For the sake of tradition, nakisali na rin ako. Lahat ng babaeng wala pang asawa ay kinakailangang makisalo sa bulaklak na ihahagis patalikod ng bride.
At ayun, hinagis na nga ni Rikk ang bulaklak. Iniiwasan ko talagang mapadpad sakin iyon ngunit sa gulat ko ay nasalo ko ito! Nagtinginan silang lahat sakin. Si Elle at Rosy nama'y pinagtawanan na naman ako.
"Jane! Congrats! You're next!" Binati ako ni Rikki at niyakap. Hindi ko alam kung papuri ba talaga iyon o insulto sa akin.
"Uhmm by the way, may papakilala pala ako sayo. Tara dito."
May papakilala? Sino naman kaya?
"Meet my cousin, Vlad! Alam mo bang kapag kinikwento kita dito kapag nagi-Skype kami, palagi siyang nagwoworry kung may boyfriend ka na daw ba. Sa U.S kasi siya nag-aaral noon....."
"Ate, stop it. Nakakahiya kay Jane. Hi Jane, you remember me, last night? Tinext ako ni ate na na-stuck kayo sa may inn malapit sa restobar. Sinundan ko kayo nun. It's my first time to be here in the Philippines din. For ate Rikki's wedding and for you, Jane. And so I took the opportunity na rin na humiling sa may ari ng restobar ng request na makapag perform dun. "
And that's how our story started. Ngayon, 2015 na, finally he proposed to me. At yung song pala na ginawa niya sakin, yung "Baby I'll Be Your Destiny" kinompose niya para sa akin. I never thought that he would actually be my destiny. He was really just a dream that I once knew. And he's all that I ever need to be with now and until forevermore.
- Jane (25 years old)
BINABASA MO ANG
Ang Playlist Ni Kupido (One Shot Stories)
RomanceNarito ang Top 10 Playlist mula sa koleksyon ni Kupido. Sa bawat pamagat ng awitin ay makikita ang iba't ibang uri ng pag-ibig mula sa iba't ibang karanasan ng mga taong nagmahal, nagmamahal at patuloy na magmamahal. Sa pamamagitan ng kanyang pana a...