3. Walang Iba

22 4 1
                                    

February 14, araw ng mga puso. Naalala ko juniors kami nun, kami din yung nagasikaso para sa wedding booth nun sa campus. Yes, I'm a college student and a former president sa organization sa major course namin nung mga panahong yun. Grabe ang pagod ko at sobrang haggard na rin ang feslak ko nun. Sabayan pa nung tirik na tirik na araw sa quadrangle ng aming campus. Mabuti nga at nandyan ang mga tropa kong inaalalayan ako. Siyempre, sila din kasi ang mga officers nun, kagaya ko.

"Mag-aalas dose na! Anu ba yan! Wala pa si Richard!" nag-iinit na ang ulo ko dahil sa lalaking iyon. Pano, siya dapat ang naka-assign para sa technicals nun.

"Hala!Nagtext siya sakin, beshy! Di daw siya makakarating ngayon kase nga may pinapagawa si sir sa kanya, diba?" sabi ni Kat.

So ayun, kami kami na lang nila Kat, Ella, Harry at ibang sophies ang nag-asikaso para sa booth namin. May kantiyawan, hiyawan at aminan sa mga nag-papakasal na couple. Parang high school lang, eh no?

"Ella! Yung crush mo, ayan na lumabas na siya!"

"Pakyu ka! Wag ako. Nakakahiya."

Pakipot talaga tong si Ella. Two years na niya yang crush eh. At ang loyal loyal niya dun kay Rodel. Kung sabagay, si Rodel kasi ang isa sa pinaka-heartthrob sa campus namin.

Hay, buti pa sila ang saya saya. Ako, eto haggard na naman. Ang hirap talaga maging dyosa sa org namin, charot!


"Oh, di pa ba tayo magliligpit? Wala nang nagpapakasal oh, may klase pa ata yung iba." naiinip na talaga ako at nakakairitang magsuot ng pulang T-shirt lalu't mainit ang panahon.

"Teka lang nga! Relax ka lang diyan. Andito pa naman kame! CR muna tayo!" sabi ni Ella.

"Oh siya siya! Sige, at nang makapag-retouch naman ako. Nakakaloka talaga yung inet! Tinalkshit na naman tayo ni Richard. Sabe nang gagala tayo diba after nito?"

"Oo nga pero hindi pa tapos yung pinapagawa sa kanya eh."

So ayun na nga. Nagpunta na kami sa CR. Nakapag-ayos na ako't lahat lahat eh antagal naman ata sa cubicle ni Ella. Buti na lang at dumating si Shiela, yung isa naming tropa at kaklase din.

"Uy, andiyan ka pala! Si Ella nandyan?"

"Oo antagal, tumatae ata! Hayop na yan!"

"Elle! Tara may sasabihin ako!"

"Sige ganyan kayo! Sarilihin niyo na yan!" nakakainis talaga tong dalawang to. Di man lang nagsshare ng chika nila. Eto namang si Shiela, kung makangiti kay Ella, wagas.

Hay, salamat at nakaraos na din tong babaitang to. At nagchichikahan pa rin ang dalawa sa likod ko. Edi inunahan ko na silang lumabas.

Lalabas na sana ako ng cubicle nang biglang may humablot sakin at piniringan ang aking mga mata. What the f--!!!!?

"Mga letse kayo, wag kayong ganyan! Kanina pa ko binibiro ni Harry ng ganyan!"

"Relax, may nangontrata samin! Yung crush mo, si JR! Pagkakataon mo na!"

"Oo nga, friendship! Gora na ituu! Oh ayan kami na gumagawa ng paraan ah!"

Bwiset talaga tong dalawang ito at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ni hindi ako makapiglas sa kanila dahil napakahigpit ng pagkakahawak nila sakin.

Habang papalapit kami sa wedding booth, tumugtog yung kantang, "Walang Iba."

Pero teka, sino kaya yun? Sino yun bakit may sumasabay ata sa kanta?

Hala si---

"1, 2, 3! Surprise Leeny!" pambungad ng tropa sakin.

"Woah! Shet! Kaya pala!"

"Kaya ano?"

"Kaya wala ka dito, ayan ba yung pinapagawa ni sir sayo?"

"Oo. Surprise diba?"

"May heart pang box? Project ni sir sayo?"

"Oo. Teka."

Kinabahan ako bigla! Natutuliro na ako at hindi ko na talaga alam ang gagawin sa mga oras na iyon.

Ilang saglit pa ay dumami na ang estudyante na nakadungaw sa corridor mula second floor hanggang sa fourth floor. Naghihiyawan pa yung iba.

Laking gulat ko na lang nang may dinukot na maliit na red na box si Richard sa bulsa niya at lumuhod at kinuha muli ang mic.

"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano ikaw pa rin ang gusto ko...Ikaw pa rin, walang iba. Ang gusto kong makasama... Walang iba~~

Hi, Leeny! Ilang months na rin ang nakalipas simula nung umamin akong may gusto ako sayo. Sorry kung palagi tayong nag-aaway kahit na alam ko namang hindi pa tayo. Kahit maliit na bagay, para tayong isip bata. Pero Leeny, diyan sa box na heart na yan, nakasulat at nakalagay ang mga memories natin, masaya man o hindi. And I think, it's time for me now to move on to the next level.  Kung okay lang sayo?"

Nagsisigawan na sila, hindi ko alam kung anu na ang sinasabi ng lalaking ito. Hawak hawak niya yung singsing na mas makislap pa kesa sa mga singsing na hawak ko dito sa aming booth. Pero isa lang ang nasisisguro ko, na mahal niya talaga ako. Hindi ko lubos akalaing gagawin niya iyon sa akin, lalu't hindi siya yung tipo ng lalaking malakas ang loob pagdating sa ganyan. Shy type at medyo pabebe tong si Richard eh.

Wala na kong ibang narinig kundi sigawan at kantiyawan ng mga hinayupak natong tropa ko at ng mga estudyante sa aming campus. Nandun na din sila Sir at Dean na naghihintay sa mga susunod na mangyayari.

Ang huling salitang pinakahihintay ng lahat na nagtapos sa aming wedding booth noong panahaong yun ang matamis na linya niyang,

"Can you be my girlfriend?"


-Leeny (18 years old)



P.S. Para to sa bestfriend kong si Leeny. Sa lahat kasi ng mga love story na natunghayan ko sa totoong buhay, sa kanila yung pinaka-cheezy. Ako ang saksi noon sa pagppropose sa kanya ng bf niya. May ibang part lang diyan na binago ko, pati na rin yung names ng characters. Sana mabasa mo to bestfriend soon. Lab lab yu <3 - Six Strings












Ang Playlist Ni Kupido (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon