"Loving can hurt, loving cant hurt sometimes. But it's the only thing that I know."
Bakit ganun? Ikaw na nga yung palaging nandiyan para sa kanya, pero sa bandang huli, siya pa yung mangiiwan. Alam kong mali, maling-mali yung ginawa namin pero pinagsisisihan ko yun.
Itinakwil ako ng parents ko dahil sa nagawa naming kasalanan. I've had an affair with a married man. Hindi ko namang ginusto yun. Nagmahal lang ako. Sa paningin ng marami, mali nga talaga. Maling mali! Ang tanga tanga ko. Sirang sira na ang pagkatao ko dahil sa mas pinili ko siya kaysa sa sarili kong buhay at pamilya.
"I don't need your explanations! I need you, James!"
"Tigilan mo na ko, Mae! Please, let's stop this! Alam ko namang na-tempt lang tayo sa isa't isa! At lahat ng nangyare dito sa U.S., our memories will just stay here! May kanya kanya tayong buhay sa Pinas! It would be much better if we stop this, Mae! Ayoko nang masira sa pamilya ko. Dara knew about us already. And you know what? Hindi ko makakaya kapag nawala siya sakin. I'm sorry, Mae. Let's just forget about each other and move on."
Parang isang malakas na sampal sa mukha ang mga sinabi niyang iyon sa akin. Ngunit mas masakit iyon nung madama ng puso ko ang bawat masasakit na salitang nasabi niya sa akin. For six months, we've been so close to each other. Anim na buwan ding magkasama kami sa apartment noon sa U.S. Nagkakilala lang kami ni James dahil kay Freddie, pinsan kong nagrecruit sakin dito to work as a nurse sa isang ospital dito sa New York.
"Mahal kita, James! Mahal na mahal! Kaya ko namang tiisin ang lahat para sayo. Please, stay with me. I'm begging you. Siguro naman, hindi ka na magkakaroon ng rason para iwan mo ko?"
Umagos na lang ang luha ko habang binabanggit ko ang mga salitang iyan kay James. Sa totoo lang, siya lang ang minahal ko nang ganito. Sa kanya ko naramdaman na masarap umibig. Pinupuntahan niya pa ako nun habang may dalang mainit na kape at bulaklak na rose kahit na nasa duty pa ko sa trabaho. Madalas din, tuwing Sunday noon, magkahawak-kamay kaming lalakarin ng marahan ang kagandahan ng view sa Hudson River Park habang hinihintay naming lumubog ang araw at pagmasdan ang magandang scenery na ito.
Pero lahat ng masasayang alaala na ito, nawala na lang bigla lahat nang sinabi niya nga saking,
"Minahal kita, Mae! Oo. Lahat ng pinakita ko sayo ay bunga ng pagmamahal na naramdaman ko sayo. But then I realized that it's not how my life should work here in the U.S. I don't want to make your life miserable. I know someone will make you even more special than what I did. Patawarin mo ko, Mae but I have my own family who needs me. "
Last week, I decided na hindi na magpakita sa kanya. Nag-resign na rin ako sa pinagtatrabahuhan ko nun. And now I'm starting to live a new life here in the Philippines. Kinausap ko ang parents ko. Umiyak and I also begged for them to forgive me.
"Siyempre, sino ba namang magulang ang matitiis ang anak nila? Halika nga dito, my princess! I really miss you."
I'm glad that my dad accepted me. Si mom na noo'y hindi pa lubos na matanggap ay napatawad na rin ako. Yesterday, we had a sincere talk about this.
By this, marami akong narealize sa buhay. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, Mae! Yan nga ang sinasabi ko sa sarili ko. Just this morning, I sent an email to Dara, saying sorry for so much hurt that I made for her and her family as well.
Now, I'm keeping the broken pieces back again.
"Anak, ang pogi ko diyan sa photo album na yan ah!"
"Of course, dad, kahit nasa U.S. pa ko nun, I never skip to look at our pictures. Because these pictures remind me of the best memories we had! Isang selfie naman diyan oh!"
"Sure, my princess!"
- Mae (28 years old)
BINABASA MO ANG
Ang Playlist Ni Kupido (One Shot Stories)
RomanceNarito ang Top 10 Playlist mula sa koleksyon ni Kupido. Sa bawat pamagat ng awitin ay makikita ang iba't ibang uri ng pag-ibig mula sa iba't ibang karanasan ng mga taong nagmahal, nagmamahal at patuloy na magmamahal. Sa pamamagitan ng kanyang pana a...