Hindi ako yung tipo ng lalaking pa-impress at papogi. At mas lalung hindi ako yung lalaking lapitin ng mga babae dahil torpe ako. Oo, inaamin ko. Lalo na nung makilala ko si Sheng. Sheng ang tawag ko sa kanya simula pa noong mga bata pa kami. Ang tunay na pangalan niya ay Shane. Madalas nung nabubully ako dahil sa patpatin kong pangangatawan, si Sheng na ang nagtatanggol sakin.
Nakakahiyang isipin dahil babae pa ang nagtatanggol sakin. Nakakatuwa dahil sampung taon na kaming magkakilala. At hanggang ngayon, magbestfriend pa rin kami ni Sheng. Hindi niya alam na siya lang ang babaeng minahal ko noon pa man. Ayoko namang makisingit sa mga manliligaw niyang mas macho at mas gwapo pa kesa sakin.
Merong isang beses, hinamon ako ni Meynard na makipagsuntukan. Siya yung nobyo ni Sheng noon. Halos magiisang taon na sila. Di ko nga maintindihan pero sa lahat ng naging siyota niya, si Meynard ang pinaka nagselos sa akin.
"Brad, are you trying to steal my girlfriend? Sa mga titig at akbay mo pa lang sa kanya eh, parang gustung gusto mo na siyang angkinin. Alam kong ikaw ang bestfriend niya, pero tandaan mo, bestfriend ka lang at ako ang boyfriend, alright, brad? Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Hey hey, baby stop it! Binubully mo na naman yang si bestfriend. Ako makakaharap mo kapag inaway mo yan! Subukan mo lang." sabi ni Sheng.
Sa isip isip siguro ng marami ay para akong isang asong sunud sunuran sa kanya. Na hinahayaan lang kung ano ang gusto niya sa buhay. Na parang siya ang amo ko dahil lahat ng sasabihin niya, gagawin ko. Sabi na nga nila, tanga na kung tanga. Ganun ko lang talaga kamahal si Sheng.
Pagkaraan ng ilang buwan, nagbreak sila ni Meynard. Halos umagos ang luha ng babaeng mahal ko noong malaman niyang nakabuntis si Meynard. Ramdam ko ang pagkasawing puso niya. Dahil sa lahat ng lalaking naging boyfriend niya, si Meynard ang minahal niya ng sobra.
Niyakap niya ako at iniyakan. Isang beses ko pa lang siyang makitang umiyak nang ganun katinde.
"Mabuti pa ang bestfriend, hindi nang-iiwan. Tayo na lang kaya?"
Alam kong nagbibiro lang si Sheng sa sinabi niyang iyon. Alam ko namang hindi ako yung tipo niyang lalaki. Hindi ko na lamang siya pinansin. Bagkus, mas niyakap ko siya ng mahigpit para patahanin.
"Tara" sabi ko.
"Saan mo ko dadalhin?" tanong niya.
"Basta. Lilipad tayo! Joke lang."
"Superman, ikaw ba yan?"
"Pwede na rin. Tahan na, tara!"
"Osige."
Dinala ko siya sa isang lugar na maraming bituin. Ang hindi niya alam, doon ako namamalagi sa tuwing ako'y nagmumuni muni. Malawak ang kapaligiran at matatanaw nang husto ang siyudad kung saan kami naroon.
"Ang daming stars!"
Nabighani nang husto si Sheng sa nakita niya habang kinukuha ko sa sasakyan ang aking gitara.
"Paano mo nadiskubre to Jay? Palagi ka bang nandito?"
"Ito yung tinutukoy kong paborito kong lugar, Sheng. Naalala mo pa?"
"Ah oo nga. So ibig sabihin, matagal ka nang namamalagi dito?"
"Medyo."
"At diba sabi mo, sa babaeng mahal mo lang ipapakita tong lugar na to. Sinasabi ko na nga ba! Ay nako Jay......"
Tinitigan ko siya, lumapit ako habang sinisimulan ang pagkalabit sa kwerdas ng gitara. Ipinahatid ko ang aking nararamdaman sa kanya sa pamamagitan ng isang kanta.
"~~Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sayo."
Natapos ko ang first stanza at chorus sa pagkanta. Nanginginig at nanlalambot ang tuhod ko habang kaharap ko si Sheng, ang babaeng pinangako ko sa sarili kong una't huling mamahalin ko.
"Ligawan mo na lang kaya ako! Ang pogi ng boses mo eh."
"Pwede ba?"
Biglang namula ang kanyang mga pisngi at sinundan niya ito ng bungisngis.
"Siyempre hinde! Ano ka ba bestfriend kita diba! Bawal yun noh!"
"Uupo na lang at aawit. Maghihintay ng pagkakataon~~"
"Teka nga, Jay! Jusko po. Seryoso ka ba? Di ako sanay."
"Siyempre hinde! Wag ka ngang assuming."
Hindi ko inamin kay Sheng ang nararamdaman ko. Alam kong wasak pa ang puso niya para magmahal muli. Naniniwala naman ako sa tamang panahon. Basta, ang gusto ko lang ay ang makita siyang masaya muli.
- Jay (20 years old)
BINABASA MO ANG
Ang Playlist Ni Kupido (One Shot Stories)
Roman d'amourNarito ang Top 10 Playlist mula sa koleksyon ni Kupido. Sa bawat pamagat ng awitin ay makikita ang iba't ibang uri ng pag-ibig mula sa iba't ibang karanasan ng mga taong nagmahal, nagmamahal at patuloy na magmamahal. Sa pamamagitan ng kanyang pana a...