Okay. NAsaulo ko na yung kanta. Na-download ko na rin kaya heto ako ngayon. Papunta na sa room. Ready na ako sa activity namin.
Nakalagay ang headset sa tenga ko habang naglalakad ako. Yung kanta lang ang naririnig ko. Hahaha. Ang tahimik ng mundo kapag ganito xD
Maya maya may humawak sa balikat ko. Si Pauline pala.
Anong problema nito? Bakit hinihingal? Ayy, pagod? Hahah
“Oh. Bakit pagod na pagod ka?”
“Hoy kanina pa kita tinatawag ah. Di ka nalingon. Halos mapaos na ko dun. Ano bang problema mo?”
“Sorry naman. Nakaheadset ako eh” –Ako. Sabay tanggal ng headset.
Naglalakad na lang kami. Haha. Asar na asar tong babaeng to oh. Haha. Putak ng putak. Ahaha. Pero maganda pa rin sya kahit pawisan. Asar. Ano ba yung sinabi ko? Erase!!
“Saulo mo na ba yung kanta?”-Sya
“Oo naman. Hahah. Okay lang ba kung mag intro tayo bago kumanta? Yung parang sa sessionistas sa Asap?”
“Oo ba. Tara na. Baka malate tayo.” Tapos hinila nya kamay ko. Ang kulit ng babaeng to.
As usual, tumingin lahat ng kaklase ko sa amin. Ano ba yan. Ayaw ko nga sabi ng attention eh. Simula nung mawala si Sab, ayoko ng napapansin ako ng mga tao.
Pauline’s POV
Hi. Ako si Pauline Stacy Gonzales. Sweet akong kapatid kaya gusto kong magkaron ng kuya.
Mabait naman ako. Kaya lang di ako ganun katalino. Average lang ako.
Mahaba ang buhok ko tapos maganda. :)
*Flashback*
Absent ako noong nakaraang araw. Nagpartnering daw pala. Wala tuloy akong kapartner. Pagpasok ko, nagulat na lang ako ng nagkakantahan silang lahat. Nilapitan ko sina Roy at Karen. Sila ang aking tropa sa school.
“Oi. Bakit kayo kumakanta? Lakas ng trip ah. Maawa nman kayo sa panahon. Please.”-Ako
“Hoy! Bakit ka absent kahapon? Oops. Wag ka ng magsalita. Alam kong tinamad ka lang. Hahaha”- Roy
“Si Jared ang partner mo. May activity tayo sa music. Bukas ang presentation.”-karen
“Ehe? Si Jared?”
Kinikilig ako. Haha.Crush ko kasi si Jared kaya lang masungit yun kaya hindi ko malapitan. Hindi ko alam ang reason nya kung bakit. Pero sabi naman nila, hindi daw ganun si Jared dati.
*End of Flashback*
Ayun, nakatingin lahat ng kaklase ko sa amin ni Jared. Eh kasi naman hawak ko yung kamay nya kasi nga hinila ko siya. Diba diba?
Yung ibang mga babae, kinikilig. Pero majority papatayin ako sa tingin. Sus. If I know. Inggit lang sila. Bwahahaha.
Umupo na ako sa upuan. Katabi ko si Jared. Nakaubob lang sya sa upuan. Nabadtrip ata. Napatingin ako sa direksyon ni Roy at Karen. Alam kasi nila na crush ko si Jared.
Si Karen nagthumbs up sa akin. Si Roy naman, nevermind. Ahaha. Joke
Ang sama ng tingin kay Jared eh. Bakit? Hmm. Tropa lang kami nun e. Pero si Roy kasi parang kuya ko nay an. Bka concerned lang sa akin. Hehe.
Umiwas na lang ako ng tingin. Dumating na rin naman ang prof naming. Mabait naman sya. Kaya lang mahirap magbigay ng exam. Di kami makapagkoyahan eh. Hahaha.
(a/n: Ah. Kaya pala. Hahaha. Tsk. Pasaway na bata)
Author, parang di mo yan pinagdaanan ah. -.-
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionWhat if yung taong minahal mo na akala mo ay makakasama mo habambuhay ay nawala sayo. Are you ready to move on from the heartache of the past? Or are you ready to love the woman in your present? Kung mawawala ulit yung present mo because you don't...