Chapter 6: Pauline’s Life
Pauline’s POV
Hindi ko alam kung bakit, pero malungkot ako ngayon.
Kaya ko namang tumawa, pero hindi ganun katotoo. Alam nyo yung pakiramdam na nagagawa mo ngang ngumit pero alam mo sa sarili mo na hindi ka ganun kasaya.
Masayang ngumiti kapag may problema dahil sa konting sandali ay naipapakita mong matatag ka.
Pero bakit ganito ang nararamdaman, ramdam kong hindi ako buo. Ramdam kong may kulang sa akin kahit kasama ko si Jared na nagpapasaya sa akin.
Pauwi na ako sa bahay naming ng may nakita akong isang masayang pamilya sa may tapat ng bahay nila.
Andun yung mama nila, papa, at dalawang magkapatid na lalaki at babae.
Bata pa yung dalawang bata. Malamang. HAhhaha
I mean, yung lalaki ang panganay. About 14 years old siguro sya tapos yung babae ay 8 years old pa lang.
“Mama, let’s make pasyal after the holiday ha.” Yung batang babae
“Sure anak. Pero punta muna tayo sa sementeryo bukas. We’ll visit your grandpa and grandma. Okay?” Mama nila
“Papa, punta lang kami sa playground. Sasamahan ko lang maglaro si Gail. Babalik kami agad bago magdilim.” Yung batang lalaki na hinihigit na sa kamay ang kapatid nya.
“Sige anak. You’re big enough. Ikaw ng bahala sa kapatid mo ha. I trust you anak.” Papa nila.
Then umalis na yung magkapatid. Nagdaredaretso na ko sa pag uwi.
Now I know kung bakit ako malungkot.
I miss my brother. Mas matanda sya sa akin pero nawala na sya. Kinuha sya sa amin ni Lord. Paano nangyari? Eto ang flashback :)
*Flashback*
8 years old lang din ako nun at 14 years old ang kuya ko. Siya si Kuya Paulo Miguel ko. Sobrang close kami na halos sya ang kasama ko pag naglalaro ako. Kaya di ko rin naexperience yung maglaro ng barbies.
Kasangga ko sa lahat ng bagay si kuya. Siya ang nagtatanggol sa akin pag may umaaway sa akin. Sya ang naghahatid sa akin pag gusto kong maglaro sa park.
“Kuya, samahan mo ko sa park. I want to play with my friends.”
“Do you have some?” Nagtataka nyang tanong.
“Wala pa. Pero I’m sure I’m going to have one. Kaya please kuya. Kahit ihatid mo lang ako, tapos sunduin mo na ko mamaya.”
Pumayag din naman sya. Love na love ko yun eh. Dalawa lang kasi kaming magkapatid. Sina mama at papa kasi ay busy sa trabaho nila before.
Kaya kami lang talaga ni kuya ang palaging magkasama. Well, except for our yaya. Hahaha
Hinatid na ako ni kuya sa park ng subdivision namin. Umuwi na rin sya at babalikan na lang daw nya ako mamaya.
“Hello. Ako si Pauline. Gusto mo laro tayo?” Aya ko dun sa isang batang lalaki sa may park.
Mag isa lang kasi sya at parang malungkot.
“Hah? Eh may kalaro na kasi ako eh. Papunta na rin sya dito.”
“Okay lang ba kung sumama ako sa inyo? Para tatlo tayo. Di ba mas Masaya yun?” Sabi ko dun sa batang lalaki. Gwapo sya paglaki, alam ko. Hahaha.
“O sige. Tara dun sa slide.”
Nagpunta kami sa slide. Ang saya kasi nakita ko na syang tumawa. Ang gwapo nya talaga.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionWhat if yung taong minahal mo na akala mo ay makakasama mo habambuhay ay nawala sayo. Are you ready to move on from the heartache of the past? Or are you ready to love the woman in your present? Kung mawawala ulit yung present mo because you don't...