Chapter 3: Sab and Dylan's flashback

20 1 0
                                    

(a/n: yun pong nasa chapter 1 na sa car daw sinagot ni Sab si jared ay totoong nangyari. Pero lasing si Sab noon kaya hindi official ang nangyaring pagsagot. Yung official po ay yung sa bridge)

*Flashback*

Lasing na si Sab. Sinabi na kasing tama na pero sige pa rin, hayy nkohh.

Nasa kotse ko na sya para ihahatid ko na, Yup, may kotse ako ngayon. Ako kasi minsan ang gumagamit ng kotse ni mama kapag may date kami ni Sab.

May party kasi yung kaibigan namin ni Sab ngayon kaya nakaformal kami. Panget nman kung commute tapos nakaformal. hahaha

Pagkasandal ko sa kanya sa upuan, nagsalita sya.

"Thank you Red. Sinasagot na kita. Alam mo nmang mahal na mahal kita"

"Lasing ka na. Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?"

Naghihintay ako ng sagot pero tulog na pla sya.

Tunay kaya yun? o nananaginip lang sya?

The next day:

Ngtxt ako sknya

Ako: Good morning sa magnda kong girlfriend :)

Sya: Ha? Gf? Sinagot n b kita?!

Ako: Oo, kagabi. Do you mean it? Lasing ka kasi e,

Sya: No. I want to make it formal kung ssagutin man kita.

*End of flashback*

Now playing: Kiss the Rain

(a/n: paki-play po ng music sa right :) para mas ma-feel nyo. Enjoy!)

Jared’s POV

Sa halip na si Sab ang makita ko. Si Pauline ang yumakap sa akin.

Naguguluhan ako kung bakit sya ang nakita ko? Pero hindi ako pwedng magkamali, ramdam na ramdam ko na si Sab ang yumakap sa akin.

Nang makawala na siya sa pagkakayakap sa akin, tumingin sya sa mga mata ko. Ang mga mata kong umiiyak at punong puno ng lungkot at sakit sa pagkwala ng taong mahal ko.

“Okay ka na ba? Gusto mo ba ng kausap?”- Siya

Tumungo lang ako at sumunod sa kanya. Umupo kami sa may mga damuhan kung saan madalas nagpipicnic ang mga tao. Pero wala masyadong tao ngayon.

Makulimlim kasi ang panahon at weekdays ngayon. Hinihintay nya ang sasabihin ko. Sasabihin ko na ba sa kanya ang lahat ng pinagdaanan ko? Kaya ko na ba?

“Pauline, salamat ha. Salamat sa pagdating dito. Akala ko mag-iisa na naman ako. Alam mo ba, sobra akong nasasaktan ngayon. Lalo na kapag nakikita ko kayong Masaya. Silang Masaya kasama yung mga mahal nila. Nalulungkot ako. Bakit hindi ko naramdaman yun? Naramdaman ko nga pero saglit lang. Ang saklap noh?”

Ngumiti ako pero weak lang. Nkatingin lang kaming dalawa sa may ilog. Malamig ang hangin at mukhang uulan pa.

Nakikinig lang sa akin si Pauline. Siguro naguguluhan sya sa mga sinasabi ko. Siguro kayo din. Kaya heto. Namnamin nyo ang flashback naming ni Sab.

(Music stops here)

“Si Sab ang aking one and only love. Ang corny noh? Pero sa kanya lng kasi tumibok ang puso ko. Siya lang ang nakapagpatino sa akin at sa mga panahong malungkot ako, siya ang nagpapangiti sa akin. Matalino, maganda, mabait. Sino bang hindi maiinlove sa kanya?”

Bumato ako ng bato sa ilog. This time, okay n ako. Matatag na akong nagkukwento kay Pauline. Ayoko ng maging weak. At habang inaalala ko ang mga memories naming ni Sab, hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon