Chapter 7: Unexpected meeting
Jared’s POV
November 1 na. Lahat ng tao pupunta ngayon sa sementeryo to visit their loved ones who passed already.
Bibisitahin ko na naman ang aking mahal na si Sab. Kya eto, bihis na kami ni mama. Wala akong kapatid. Kaya kami lang ni mama ang magkasama ngayon.
Nasa sasakyan naming kami ngayon. Si mama ang nagddrive tapos nasa tabi ako ng driver’s seat.
“Anak, you ready to visit Sab?” Alam kasi ni mama ang pinagdadaanan kong hirap na kalimutan sya.
“Yes Ma. Hopefully.” Sabi ko with pain at lungkot sa boses.
Ang daming tao. Yung iba naglalakad na lang kasi traffic. Nagpark kami ni mama sa may Jollibee na malapit dito. Tapos lalakarin na lang din naming papunta sa sementeryo.
Delikado kasi kung dun pa naming iiwan. Haha.
So eto na, naglalakad na kami ni mama. Ang daming tao. Siksikan. Hawak ko kamay ni mama para di kami magkawalaan. O diba? Ang sweet ko. Hahaha.
Nandito na kami sa sementeryo. Natanaw ko na ang puntod ni Sab. Mayaman kasi sila kaya ibang iba yung style ng puntod nya sa karaniwan.
May mga bulaklak na din sa puntod nya. Ibigsabihin may dumalaw na skanya.
“Anak, pupunta ka na ba sa kanya?”
“Later na lang ma. Dito muna tayo kina Lolo. Baka bumisita pa dun si tita e.”
Galit kasi sa akin ang pamilya ni Sab. Sinisisi nila ako sa nangyari sa anak nila. Kaya sa tuwing pumupunta ako doon, lagi lang palihim.
Nasa puntod lang kami ni Lolo ngayon. Nagtirik ako ng kandila tapos umupo sa damuhan. Maganda naman yung damo. Yung pwede talagang higaan.
Hayy, buti hindi gaanong mainit ngayon.
Pauline’s POV
Nagbyahe lang kami ni mama at papa ngayon. Marami kasing tao panigurado at mahirap kung may dadalhin pa kaming sasakyan.
Siksikan nga at ang daming tao. Hahaha. Naglalakad lang kami ngayon ni mama at papa. Pumunta kami sa puntod ni kuya.
“Kuya! Kamusta ka na? Ako? Okay lang. Kasama ko na si mama at papa. May time na sila para sa akin. Sana happy ka na rin jan kuya. Miss na miss na kita” Bungad ko kay kuya sabay lagay ng bulaklak sa tabi ng puntod nya.
“Kuya, alam mo ba, successful na ang business natin. Sina mama at papa hindi na nag aaway. Mas may bonding time na kami ngayon. Sayang. Pero alam mo kuya, thank you sa lahat ng pangaral mo ha.”
“Anak, tama na yan. Masyado mong namiss ang kuya mo. Mamaya mo na sya kwentuhan. Magtirik ka muna ng kandila.
Nagtirik na nga ako ng kandila. Puro white lang ang dala nina mama. Yung ordinary.
“ma, mas gusto ni kuya kung kulay green yan. Favorite nya yung green eh.” Sabi ko kay mama na naglalagay ng kandila.
“Pero anak, wala tayong dalang green candle.”
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong nagtitinda ng kandila na iba’t ibang kulay. May pink, red, yellow, green at violet.
Medyo malayo yun dito pero kaya namang lakarin. Tsaka natatanaw ko pa naman kaya malapit na lang yun. Hahaha.
“Ma, meron dun.” Sabay turo dun sa nagtitinda. “Bibili muna ako ha. May pera po ako.”
“Sige. Ingat ka anak.”
BINABASA MO ANG
Still You
Teen FictionWhat if yung taong minahal mo na akala mo ay makakasama mo habambuhay ay nawala sayo. Are you ready to move on from the heartache of the past? Or are you ready to love the woman in your present? Kung mawawala ulit yung present mo because you don't...