Author'sNote:
Hahaha. Yung storya pong ito ay gawa ng malikhain nga ba? Na pag iisip ko. Medyo lame?? Di ko alam sabi nila maganda naman daw. Sa yellow pad ko muna ito isinulat at pinabasa sa iba. Maganda naman daw kaya ilagay ko daw sa wattpad. =) Dedicated kay ate YanaJin kasi kayo po inspirasyon ko sa story na to. LOvelots po. :*
Buong story POV lang ng lalaki. Sana maenjoy niyo.
-- sam_dey"Last kick.Beng!" Haha. Nanalo nanaman ako! Nandito ako ngayon sa Sm sa timezone nagtetekken pang 5 na panalo ko na to! Ako nga pala si Zero Youmoshita, Half Japanese, 20 years old at Gwapo.Hahaha. Ako pa! Nandito ako sa sm dahil hinihintay ko ang mga kabandmates ko, Yeah I'm a rocker too!!Vocalist ako nang banda namin. Sa Pilipinas na ako lumaki kaya gamay ko na ang tagalog.
"Kanina pa yan dyan, walang makatalo." rinig kong sabi sa likod ko.Wala talagang makatalo sakin e.
"Excuse me, Maglalaro po ako" tumabi ang mga tao at iniluwa ang isang anghel na nakacap. Wait!! Siya lalaban sakin!!Babae siya, tapos ang ganda pa niya.
"Miss sure ka bang ikaw ang lalaban?" tanong nung isang lalaki. Oo nga sure nga ba siya?!
"Pupunta po ba ako dito kung hindi ako sigurado?"Balik niyang tanong sa lalaki. Haha Boom!!Basag si kuya!!! Umupo na siya sa tabi ko at pumili ng character. Si Bob ang pinili niya sakin si Law.
"Miss hayaan mo, pagbibigyan kita, maganda ka naman lalo na pag tatanggalin mo yan cap mo. " sabi ko sabay kindat sakanya.
"Hindi ako interesado sayo. " Walang ganang sagot niya sa akin. Aray ko be! Yung kagwapuhan ko.hahaha.
Nagstart na yung game, magaling naman siya pero MAS ako. Round 1&2 panalo ako.
"Oh, ano miss? Pagbibigyan na kita. " Sabi ko. Halatang nainis siya. Pinagbigyan ko siya nung round 3, tapos tinignan niya ako ng masama.
"Hindi ko kailangan ng awa mo. " Poker face -.- nyang sabi.
Nagstart yung round 4, ang galing niya haneps. Mali atang pinagbigyan ko nga siya. Final round na, konti nalang matatalo na niya ako..
"Sumimasen (Excuse Me) hoy Nami!! Tara na, itigil mo na yan at hinahanap na tayo ni Onee-chan! " kalabit sa kanya nung babae, teka Japanese din sila?! Natapos na ang laro at natalo ko siya, pero mukhang nagpatalo siya. Tumayo na siya at tinignan ako.
"Nakakahiya naman kase pag ako pa yung nanalo hindi ba? " Sabi niya habang nakangisi tapos inayos yung cap niya at lumakad na palayo. Putsa! Ang astig niya. Nganga yung kagwapuhan ko.
Hindi nag tagal dumating na din yung mga kaband mates ko.