Tres- The Rematch & The DealNaiwan kami ni Nami sa table. Sila ken, kirko at kerry ay nagsasayaw. Bakit ang ganda ng babae nato? Kahit nakapoker face ang ganda padin. Kanina ko pa siya tinititigan pero sa iba siya nakatingin.
"Kabisado mo na ba yung mukha ko Mr. Youmoshita? " walang lingon na tanong ni Nami. Lechugas! Nakakahiya, nakita niya pa yun?!
"Ahmm. Zero nalang masyado ka naman pormal. Hehehe. Ngumiti ka naman Nami. " sabi ko sakanya. At bigla siyang tumingin sa akin nagulat pa ako sa pag harap niya
"Are we that close Mr. Youmoshita to call me NAMI?!" mataray niyang tanong sakin. Ano ba yan! Bakit naduduwag ako?! Inalis na niya ang tingin niya sakin.
"He-he. Sorry naman. Ang galing ko mag tekken no? " Pagmamayabang ko sakanya.
"Sa tingin mo? " walang ganang tanong niya, tumango naman ako sakanya. Tapos humarap ulit siya sakin.
"Hindi ka ganun kagaling. " dugtong niya. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nung marinig ko yun.
"Natalo nga kita e! " bawi ko sa kanya
"Kasi tinawag ako ni kerry. " sagot naman niya
"kahit di ka niya tinawag, talo ka pa din. " sabi ko naman. Umiling-iling lang siya. "Rematch gusto mo! " Hamon ko sakanya.
"Sure basta galingan mo. " nakangising sabi niya. Bakit ang ganda pa din niya kahit nakangisi siya.
"Osige ba! Pero this time may pustahan! " sabi ko naman
"Anong ipupusta mo? " pokerface na tanong nya.
"Ahmm. Ikaw ano ba gusto mo mapanalunan? " tanong ko.
"Your car. " nung binanggit niya yun nagningning mata niya, pero teka whutt!! Yung kotse ko?! No, no, no!
"Ah yung ano wag yung ko---
"Natatakot ka bang matalo Mr. Youmoshita? " tanong niya.
"No! Osige yung kotse ko! Pero pag ako ang nanalo, Let's have a date. 3dates." Hahaha. henyo ako no! Ang gwapo pa!
"What the he---
"Natatakot ka bang matalo Nanami? " Ginaya ko ang sinabi niya sakin.
"No.sige okay lang. Kailan ang rematch? " tanong niya. Hahaha. Takte! Eksayted ako sa date namin. Kelangan ko manalo!
"Sige sa saturday 11:00 am, same place. I'll wait you there. " Tumayo na ako at nag paalam na uuwi na. Lechugas! Kelangan ko magpraktis! Magdadate tayo. Sure yan, NANAMI KUROKI SAMONTE.--
1 araw na akong nag ppraktis buti nalang walang gig ngaun. Mapaghahandaan ko ang laban namin. Biglang dumating si Ken sa condo ko.
"Uy Zero! " bati niya sabay hablot ng controller sakin.
"Tena! Nagppraktis ako e. " agaw ko nang controller sa kanya.
"Haha. tado ka bro! Kinuwento sakin ni Kerry na may pustahan daw kayo ni Nana! Huy Zero ano yan ha! May date date ka pa nalalaman, Tinamaan ka na tol! " Asar niya. Tena tinamaan nga ata ako?! Totoo pala yung Lechugas na Love at first sight!
"Hayy. Di ko alam bro, pero may something talaga kay Nami eh. " sagot ko
"Woaah. Maka NAMI ka bro! Relatives kaba? Hahaha. Ako nga Nana yung tawag ko. " asar niya sakin. Kaya pala nagtaray nung binanggit ko yung NAMI, Relatives lang pala tumatawag sa kanya nun. Pero soon-to-be Ehem. Hahaha. Putsa Zero, tinamaan ka a nga!
"Alam mo bro, mabait naman si Nana sadyang mataray at suplada lang sa iba. " sabi ni Ken
"Bro bakit ngaun mo lang pinakilala si Kerry sakin!Dapat noon pa! " Ede sana noon ko pa nakilala si Nami.
"Tado! Bro Inlove kana! Congrats! Hahaha. " sabi ni Ken. Hindi ko na siya pinansin at nag praktis ulit mag tekken.
"Alam mo bro, ang GWAPO mo" sabi ni Ken sakin. Tantado! Nababakla nanaman to!
"Tigilan mo ko Kennedy ha! " sabi ko
"Ang ganda ng mata mo parang nangungusap, ang tangos ng ilong mo, pink na lips at makinis na skin. " Totoo naman yung sinabi niya kaso putsa tlaga, si Ken kasi nagsasabi kaya nakakakilabot.
"Hoy Kennedy!! Umayos ka ha!" sabi ko. Tumawa naman siya ng malakas.
"Hahaha. Bro namutla ka! Asa ka naman patulan kita! Mas gwapo ako sayo uyy! " Asar nanaman niya sakin. Nakukunsumi na ang kagwapuhan ko dito.
"Mukha mo ayusin mo Zero, niloloko lang kita e. Nga pala eto oh." abot niya ng Cp niya sakin.nagtataka ko siyang tinignan.
"Hahaha. Anong klaseng tingin yan Bokya! Yung number ni Nana nandiyan baka gusto mong kunin." Sabi nanaman niya. Bakit ang daldal ng lalaki na to?!
"Bokya mo Ulul! bakit ko kukunin?" nagtatakang tanong ko.
"Ayy Bobo,Alam mo bro hanggang gwapo ka lang, hindi ka matalino.Baka kasi gusto mo kunin yung number ni nana para mag offer na sabay kayo sa sabado. Alam mo yun?!" Asar nanaman niya.
"Hahaha. May utak ka naman pala no Kennedy? Bakit di ko alam yan?" Ganti kong asar, kinuha ko yung Cp niya at kinuha number ni Nanami, Matawagan nga.
Calling Nanami....
-Tss ang tagal naman sagutin.
Kringg.Kring---
Ayan sinagot na.
"Hello"walang ganang sabi ni Nanami. Lechugas ang ganda ng boses niya.
"Ah--Hi-Si--" Putsa! Bakit ba nauutal ako! Tinignan ko si Ken, ang tantado tumatawa ng walang tunog. Talagang nang aasar pa to!
"Anata no namae wa nanto iimasu ka? (What is your name? ) " Tanong ni Nanami.
"Ah--Hehehe. Si Zero to Nanami, Konichiwa." Hahaha. Langya, kinikilig ata ako!
"Oh bakit ka tumawag?" walang ganang tanonh niya. Nakapokerface nanaman siguro to.
"Ah-ano-ka-si--Na---toot toot toot
Putsa! Pinatay niya yung tawag, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. T.T
Humalagapak ng tawa si Ken. Etong baklang to nang aano e!! "Tantado ka bro, hanggang gwapo ka lang talaga.Hahaha, sa tawag palang nauutal kana pag sa personal kaya bulol kana?!HAHAHAHA." >.<
"Ulul!" sabi ko nalang sa kanya
--Bzzzt. Bzzzt (New Message fr. Nanami) Nagtext si Nami!!! -Saturday 11am.Same place, Ready your car. Practice well. "Hahaha. Bro nagtext si Nanami sakin, langya Excited siya!" tuwang tuwang sabi ko sabay pakita ng Cp kay Ken.
"Hahaha. Ulul! Sa kotse mo siya excited!" Asar niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpraktis mag tekken, makakadate kita Nanami,Sure yan! =DA/N:
Wooo. Salamat sa mga nag titiyagang magbasa ng story ko. Pag nagustuhan niyo, comment or vote kayo at pakilaganap na din. :D Imessage niyo din ako.Mabait ako Plamis! =)))