Syete- BestFriend

4 1 0
                                    

A/N: Maikli lang po ito :)
Salamat sa mga nagbabasa, Vote niyo na rin.


Syete- BestFriend


1 week passed...

Nandito lang ako sa condo ko nanunuod lang. Biglang dumating si Ken.

"Uy bro! Ano yang ginagawa mo?" Tss. Parang hindi naman niya nakikita.
"Hindi ka na nga Pogi, bulag ka pa.Nanunuod ako. Nanunuod ken! Dragonball yang pinanunuod ko baka hindi mo pa alam kasi." Sabi ko.

"Hahaha. Nireregla ka--- awww ang sakit nun ha!" Sabay hawak sa ulo noo niya. Hahahah. Binato ko ng nilamukos na papel e.
"Bakit ka pa kasi pumunta dito, wala naman gig ha." Sabi ko. Bigla naman siyang umupo sa tabi ko. Di ko na naiintindihan yung pinanunuod ko ang gulo kasi.

"Bro, kahawig mo pala si.... Piccolo no?" Seryosong sabi niya.
"Ulul! Masyado akong gwapo. Wengya ka! Ikaw kamukha mo si Freeza!" Sabi ko. Tapos bigla siyang tumawa.
"Haha. Ayan ganyan, wag kana ulit mag seryoso hindi bagay e." Sabi niya, napatahimik naman ako.

Mula kasi nung umamin ako kay Nanami hindi na ulit ako makausap ng matino. Nalulungkot ako lagi pag naalala ko na umalis siya pagkatapos ko mag tapat sakanya, tinetext ko siya araw-araw wala pading reply baka ayaw niya talaga sakin. Ang sakit pala mabrokenheart. huhu.

"Si nanami nanaman yang iniisip mo no?" Tanong niya. Totoo naman e. Walang araw na hindi ko naiisip si Nanami.
"Bro, sana pala hindi na ako nag tapat sa kanya no?" Sabi ko. Nakakalungkot talagang isipin.

"Okay lang yun bro. Buti nga sinabi mo e. Hindi ka torpe bro!" Tumatawang sabi niya. Saka ako inakbayan. Alam kong pinalalakas niya yung loob ko.

"Kamusta na nga pala si Nanami? May nakkwento ba sayo si kerry?" Tanong ko. Sobrang miss ko na kasi si Nanami.

"Okay naman siya. Sabi ni Kerry marami daw nagbago kay Nana." Sagot naman niya.
"Ha? Ano nag bago?"

"Lagi daw naka smile at nakalugay ang buhok hindi na nga daw masiyadong nag cacap. Ngayon daw madalas na mag tekken kaysa daw mag dota atmag counterstrike." Sabi ni ken

"Hayyy. Siguro kaya ganun kase okay sila nang taong gusto niya. Putsa bro. Ang sakit sakit oh!" Sabi ko sabay turo sa dibdib ko kung nasaan ang puso kong durog.

"Teka?! May gusto si Nana?!" Gulat niyang tanong sakin.
"Oo. Yun daw yung dahilan kung bakit siya nag aral mag tekken." Sabi ko.

"Aray ko bro! Masakit yun ha.! Pero teka, di ba may last date pa kayo?" Sabi niya.
"Tsss." Tanging sagot ko.

"Bro wag ka mag pakatorpe ngayon. Last chance mo na idate mo habang single pa." Sabi niya habang tumatawa.
"Tss. Ulul! Sa tingin mo sisipot yun?" Tanong ko. Syempre gusto ko pang makasama si Nanami ah.

"Alam mo bro lakasan mo yung loob mo. Walang mangyayari kung di mo susubukan, hanggang ganyan ka nalang ba? Wala ka bang gagawin? Pag gusto mo yung isang tao itatake mo lahat ng risks. The minute you think of giving up, think of the reason why you held on so long..." nagulat ako sa mga sinasabi niya. First time to na nag advice e. Siguro yung english sa google niya sinearch. Nagsalita ulit siya.
"Hindi ko sa google kinuha yun, nabasa ko sa Gm ni Kirko yun." Sabi niya. Aba mind reader pa. Hahaha.
Napaisip ako sa sinabi niya. Wala nga akong ginawa no? Nag tapat lang ako. Minsan tama talaga tong si Ken e.

"Salamat bro sa advice ha. Sige gagawin ko ang lahat para ipaglaban pa si Nanami." Sabi ko habang nakasmile. ∩__∩

"Yan ganyan si Zero, yung bestfriend ko! Fighting.!!" Sabi niya. Nanuod na kami at hindi na gaano nag daldalan. Nag uusap lang kami pag nag aasaran kamukha niya kasi talaga si Freeza minsan si Cell. Hahaha.

3 days simula nung nag usap kami ni Ken. Naisipan kong tawagan si Nanami. Kahit dinadaga yung dibdib ko sa kaba baka di kasi siya pumayag. Pero sabi nga ni Bro FIGHTING! Y(^_^)Y

Calling Nanami....
Tsss. Ang tagal niyang sagutin waaaa. Baka may boyfriend na siya tapos nasa boyfriend niya yung CP niya. Natigil yung pag iisip ko nag kung ano ano nang sinagot ni Nanami.
------

A/N: Ayan. Sinagot na ni Nanami.. abangan ang susunod na update.
Sorry medyo lame po. Babawi ako sa susunod.

----sam_dey

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lover of a GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon