A/N: Nag update na ako kahit walang naghanap. Hahaha.
Selfie daw muna si Zero bago ang date, excited po siya. ^o^
----sam_deySingko- Cotton Candy
-wednesday 5:25 pm-
Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila Nanami.Tinext ko siya pababa na daw siya. Sinipat ko muna ang gwapo kong mukha sa side mirror ng gwapo kong kotse. Tsss. Gwapo ka talaga kahit kailan Zero! =D Lumabas na si Nami. Ow em spell Dyosa N-A-N-A-M-I, naka croptop white siya na may nakatatak ng 99 at naka black skiny jeans at naka vans na blue.Hindi nga siya nakakacap naka bonet naman pero nakalugay ang buhok (Imaginin niyo po ^_^)
"Koniichiwa (Hello) Nanami-chan" sabi ko sa kanya nag bow pa nga ako, tinanguan niya lang ako as usual poker face padin siya. Sumakay na kami sa kotse, putsa pinagpapawisan yung kamay ko sa kaba Lechugas na yan!Nababakla ako. 〒_〒
After madaming minutes nakarating na kami sa Amusement Park.
"Tara Nanami" excited kong sabi, wala sa sariling hinawakan ko yung kamay niya at hinatak papasok sa amusement park, hindi naman siya tumanggi. Waitttt!! Nagblush ba siya?! @_@ Kawaiii (Cute)!
"Dun tayo sa roller coaster!" biglang sabi ni Nanami. Nagspark yung mata niya nang makita ang roller coaster. Wengya, wag diyan madali akong mahilo. ≥﹏≤
"Hehe. Sa hunted house nalang tayo Nanami" sabi ko. Tinignan niya ako nang masama, kung nakakamatay lang yung tingin nakabulagta na ako dito.
"Hehehe sabi ko nga sa Roller coaster. Tara na Nanami dalian mo ╥﹏╥" Pumila na kami, excited siya halata e naka half smile. Buti nalang gusto ko siya hahaha. Ano daw? Sumakay na kami na pa dasal ako nang wala sa oras nang umandar yung ride.Nabakla ako, tumili ako nang tumili natatakot ako baka mahulog kami huhuhu. Si nanami naman ngumingiti lang dinaig ko pa ah. Nasan ang hustisya. Natapos na din ang ang nakakamatay na ride laking pasalamat ko. Naiwan ata yung kalukuwa ko sa itaas. o(╥﹏╥)o
"Are you okay Mr. Youmoshita? " tanong ni Nanami
"Yeah.Hehe. Alive and kicking woo! Tara naman dun sa hunted house!" hinatak ko ulit siya nang malapit na kami ay bigla siyang huminto sa paglalakad.
"Ayoko diyan" sabi niya. Wahahaha takot siya siguro sa mga multo, pag pumasok kami dyan mapapayakap siya sakin sa takot tapos sasabihin pa niya na 'Don't leave me Zero,Please'may puppy eyes pang kasama. Hahaha. Kelangan maipush ko to!
"Are you afraid Ms.Kuroki?" paghahamon ko sakanya.
"Samonte is my last name not Kuroki. I'm not afraid." sabi niya with poker face
"Mas gusto ko Kuroki, so tara na!" hila ko ulit sa kanya. Pumasok na kami sa hunted house, Yung ineexpect ko na magtatatalon siya at mapapayakap sakin, hanggang expectation nalang talaga. Naka pokerface padin siya, mukhang mas takot pa yung mga nag papanggap na multo sa kanya e. Ako naman kinuyog na dito ng mga multo na to! Waaa. Rape! Rape!. Paglabas namin gulo-gulo buhok ko tapos nakalaylay yung manggas nang tshirt ko. Biglang tumawa si Nanami hindi ako namamalikmata tumatawa talaga siya. ⊙_⊙ Nagiging magandang kanta yung pag tawa niya. Mukha siyang anghel,kahit limampung beses pa kami pumasok dun ayos lang makita lang si Nanami na tumatawa.
"You look hell, Zero!" sabi niya sa pagitan ng tawa niya. Anak nang! Aray naman!
"Tsss. Tara na lang bumili nang cotton candy dun!" tinuro ko ang store nang cotton candy hinila ko siya dun. Tapos inabot ko sa kanya yung isang cotton candy.
"Korewa nan desuka? (What is this?)" nagtataka niyang tinignan yung cotton candy.
"Pffft. Hahaha. Cotton Candy yan,di ka ba nakain nyan?" sabi ko.
"Eh? Bakit rainbow ang kulay, di ba pink yun?" sabi niya ulit. Kakaiba talaga kulay nang binili ko gusto ko kasi na malaman niya pag kasama ko siya nagiging makulay ang mundo ko, Putsa! Nahirit ko pa yun. XD
"Tikman mo nalang kasi Nanami. Favorite ko nga yan e." sabi ko at kinain ang cotton candy, Yum.yum.yum sarap talaga nato!! Feel na feel ko pa ang pagkain.
"Pfft. Cotton Candy boy" natatawang sabi ni Nanami. Hindi ko nalang pinansin at kumain lang ako nang kumain nang cotton candy. Hindi nagtagal nag aya nadin siyang umuwi, hinatid ko siya sa kanila. Nung pauwi na ako sa bahay at mag isa sa kotse di ko maitago ang saya ko. Kinikilig ako! Tinamaan na talaga ako sakanya.Nakakainlove yung ugali niya hibdi lang itsura, kahit pa misteryosa at nakapoker face lagi yun. I like her. Nakauwi na ako, bago matulog tinext ko na si Nanami.
To: Nanami
-Arigatou Gozaimasu (Thankyou very much) for this day. GoodNight Nanami =).
-send- Makatulog na bukas ko na iisipin yung next date namin, basta masaya ako ngaun! I like her!!------