Dos- Nanami Kuroki Samonte

14 2 0
                                    

AN:
Meet Nami. Siya po yan.Ang ganda no? =))
---

Dos- Nanami Kuroki Samonte


Nandito na kami ngaun sa condo ko nag ppraktis nang kakantahin namin mamaya sa gig namin.
"Hoy Zero! Kukurap ka no! " tumatawang sabi ni Ken sakin. Kabandmate ko siya, bestfriend ko din.
"Tss. Ewan ko sayo ken.Nga pala bro, kanina Ang ganda ng babaeng nakalaban ko sa tekken. Maganda na ang astig pa, biruin mo muntik pa ako matalo. "
"Talaga?! Astig nga bro! Pakilala mo sa akin!!" sabi niya
"Sira ka ba! Nakita mong may Gf ka tapos gusto mo pa makilala siya---teka alam ko name nun e Nomu, nome, namu, nomo aysss!! Ayun nami! Narinig ko dun sa tumawag sa kanya kanina habang nag lalaro kami, mukhang japanese din siya, singkit, maputi, maganda yung ilong pati yung labi" sabi ko habang iniimagine ang mukha nung Nami.Ni hindi ngumiti yun naka poker face lagi e.
"Grabe ka bro!! Iba na yan, akalain mong minuto lang kayo nag katabi na kabisado mo na agad itsura niya! " Umiiling na natatawang sinasabi ni ken.
"NaLove at first sight ata ako bro? " Biro ko sa kanya.
Tinawag na kami nang ibang band mates namin para mag praktis ulit.
-9:30 pm @LovuBar-
"Tayo na sunod guys! Ready na tayo ha! Rock!! " Hiyaw ni Ken samin.
Pumunta na kami sa stage at kumanta.
(Insert When You look me in the Eyes-Rock Version)
~~If the heart is always searching can you ever find a home. I've been looking for that someone I can't make it on my own~~
Habang kumakanta ako pinagmamasdan ko yung mga tao, nakakatuwa at nakikisabay sila sa kanta ko. Pero sa totoo lang hindi mawala sa isip ko si Nami.
~When you look me in the eyes, I catch a glimpse of heaven. I find my paradise, When you look me in the eyes~
Teka! Si nami ba yun?!! Putsa bakit ang ganda niya! Hindi siya nakacap ngaun, nakalugay ang mahaba niyang buhok na medyo wavy at naka gray loose shirt at black jogger pants siya. Nasa bulsa ng pants niya ang kamay niya at naka pokerface nanaman ang mukha -.-" Pero kahit ganun ang ganda-ganda niya kahit wala siyang make up. Namali ako ng lyrics buri nalang at sinabayan ako ni Ken sa pagkanta. Natapos na yung kanta namin, gusto kong hanapin si Nami. Pero nahatak na ako ni Ken at ipapakilala daw niya sa akin yung Girlfriend niya.
Pumunta kami sa table nung sinasabi niya kaso lalaki nandito. Bakla ata talaga tong si Ken, delikado kagwapuhan ko dito.
"Bago ka mag isip ng kung ano dyan. Tss si Kirko yan Kakambal nang Gf ko! " sabi sakin ni ken. Hahaha. Nabasa ata yung nasa utak ko ah.
"Uy Ken. " Bati nung lalaki.
"Kirko, kamusta? Nga pala eto si Zero.Bestfriend ko. " Pakilala ni Ken, teka bakit kulang dapat e Gwapong bestfriend. Ayss
"Kirko Umeseda nga pala pare. " Pakilala nung lalaki. Japanese to sure ako!
"Zero Youmoshita" Pakilala ko at nakipag shake hands.
"Nasan nga pala sila Kerry at Nana? " Tanong ni ken kay kirko
"Nag Cr lang, o ayan na pala sila. " Napatingin ako sa sinasabi ni Kirko, PakingTape! Si Nami yun ah. Teka. Lechugas! Si nami ba yung Gf ni Ken?!Sino ba gf niya yung Nana o kerry? Nagulat ako at may lumitaw na babae sa likod ni Nami. At yung babae na ying ay biglang yumakap kay Ken. Dalawa lang sila. Nasan yung Nana?
"Hi babe. " Bati ni ken sa babae at kiniss sa cheeks. Pwew akala ko si Nami na Gf niya e mapapatay ko tong si Ken kung si nami nga.
"Nga pala babe. Siya si Zero. Yung Bestfriend ko. " Sabi ni ken sa gf niya, humarap sakin yung babae. Infairness maganda pero mas maganda pa din si nami.
"Konichiwa (Hello).Zero, I'm Kerry Umeseda. "
"Hi.Im Zero Youmoshita, O-ai dekite ureshii desu.. (Nice to meet you)". Sabi ko naman kay kerry
"Kawaiii. Japanese ka din? Nakakatuwa naman! Eto nga pala si Nami. Uyyy Nami magpakilala ka" hatak niya kay Nami.
"Nanami Kuroki Samonte" Plain na sabi niya. Tapos poker face nanaman. Ngaun alam ko na. Nana at Nami. Iisa lang sila, ang cute ng name niya.
"Zero Youmoshita. " Nilahad ko yung kamay ko pero hindi niya inabot dumiretso siya sa table. Langya! Buti nalang gwapo ako. Tss.
"Tara guys Let's Party! " Aya ni Kerry. Pumunta sila sa dance floor pero naiwan ako sa table kasama ni Nanami. Hahaha.

The Lover of a GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon