PROLOGUE

77 8 8
                                    


The LEGEND of ALICE : Berserk Warriors

PROLOGUE

I have been taught by my beloved mother that a nightmare couldn't physically harm anyone. But this is not just a mere nigthmare that I can escape from whenever I have decided to wake up.

Ito ay nangyayari ngayon sa totoong mundo at ito'y hindi ko kayang takasan. Di kayang takasan nino man. Ang tanging pag-asang magagawa ay magdasal, tumakbo, magtago o di kaya'y ang lumaban na may lakas ng loob o kaya naman ay maghintay ng tulong sa mga nilalang na kalahating tao't kalahating halimaw.

Sila ang kumakalaban sa mga hindi mawaring nilalang----na umuubos sa lahi ng mga normal na tao, sila'y mga halimaw na walang pakundangang pumatay at kumain ng laman ng tao at gayon na din na nagkakalat ng epidemya upang ang mga tao'y gawin ding kagaya nila----di mawaring nilalang o halimaw.

Maaaring naguguluhan ang ibang tao kung bakit nagkakaroon ng ganitong sakuna sa buong mundo. Nagsimula ito sa isang eksperimentong hindi nagtagumpay, eksperimentong sana'y panglunas sa sakit ngunit naging kabaliktaran at naging sumpa sa sangkatauhan. Sumpang pumatay sa aking pamilya, sumpang aking kamumunghian ngunit mamahalin, sumpang aking tataglayin hangga't ako'y nabubuhay, sumpang taglay na siyang pamuksa sa sumpang tinatawag na DIMA(hinDI MAwaring nilalang).

"SUMPA laban sa SUMPA, HALIMAW laban sa HALIMAW", mga katagang mahirap unawain at intindihin ngunit kasagutan para sa katanungang, 'bakit nilikha kaming mga nilalang na tinatawag na BERSERK WARRIORS?!' ang mga piniling nilalang na may mga kanya-kanyang kakayahan at kapangyarihan upang labanan ang mga nilalang na kayhirap pigilan sa paghahasik ng di malunas-lunasang epidemya.

...

Ang mga Barserk Warrior ay may kanya-kanyang ranggo ayon sa antas ng kanilang kapangyarihan.

Ngunit naiiba ako sa mga kapwa ko Berserk Warriors. Hindi nila alam na ako ay kabilang sa kanila, hindi nila maramdaman ang aking chakra o kapangyarihan. Dahil mahina lamang ang aking kapangyarihan gayon na rin ako ang pinakahuli sa ranggo bilang Berserk Warrior. Kakaiba ang proseso ng pagkakalikha sa akin, iba din ang sangkap na hinalo sa aking dugo, ibang-iba sa kapwa ko mandirigma. Maaring isa akong di nagtagumpay na experimento upang maging kasing perpekto ng mas malalakas na mandirigma.

Ako ang pinakabatang mandirigma, ngunit walang pagkakalayo ang mga itsura namin, para lamang kaming magkakaedad. Ang mga gaya namin ay matagal tumanda o maaaring hindi tumanda, maaaring mga imortal kami o maaari ring maikli lang ang mga buhay namin.

Kami ay lumalaban ayon sa utos na nagmumula sa isang organisasyong namumuno sa mga gaya naming mandirigma. Sila rin ang lumikha sa amin, hindi namin pwedeng salungatin o suwayin ang kanilang mga utos. Kami ay maaaring mabigyan ng mabigat na parusa o kaya'y kamatayan ang ipapataw sa amin. Sila rin ang sumanay sa amin upang lumaban sa tamang paraan o estilo, at kung papaano namin gagamitin ang aming mga kakayahan o kapangyarihan.

Hindi ako sinanay kasabay ang ibang mga mandirigma, hindi ko alam kung anong dahilan nila. Mag-isa nila akong sinasanay sa isang tagong lugar. Ni wala manlang akong makausap na ibang tao maliban sa aking mga tagapagsanay, ang masama pa ay hindi naman ako kinakausap kung hindi ito para sa pagsasanay ko. Sampong taon ako sa ganoong kalagayan hanggang masanay na ako at maging sobrang tahimik (in an aloof and a cold expression).

Makalipas ang sampong taon, ako ngayon ay nasa edad na labing-pito. At handa na nila akong isabak sa laban at misyon upang pumuksa ng mga Dima. Ako ay papasok sa isang eskwelahan at magpapanggap na isang ordinaryong estudyante upang obserbahan ang mga nagbabalat-kayong mga Dima. Kapag natukoy na namin kung sinu-sino ang mga dima ay hahanap kami ng pagkakataon upang mapuksa sila.

ALUTA CONTINUA....

for chapter update, vote is a must.
and please be a fan!

The LEGEND of ALICE : Berserk WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon