The LEGEND of ALICE : Berserk WarriorsCHAPTER 2 part-1: ORIGIN
MIKASA'S POV
"Hay..." napabuntong-hininga ako sa pagod, dahil sa kayhirap maghanap ng classroom dito sa napasukan kong university, napakaraming estudyante ang nagkalat sa labas upang hanapin ang kani-kanilang silid-aralan. Pumasok ako sa aking classroom at naghanap ng mauupuan, mukhang malapit nang makumpleto ang aming klase. Dalawang bakanteng upuan nalang ang natitira, ang napili ko ay iyong nasa ikatlong row sa may kaliwa, mukha kasing friendly ang mga naroon. Nang makaupo ako ay nagtinginan lang kami ng katabi ko at nagngitian pero di naman kami nag-usap, ni-ho, ni-hi, wala, awkward pa siguro. Hayaan nalang muna. ha ha ha
Tumingin ako sa ikatlong row ng kanang bahagi ng silid namin at nakita ko ang lalaking may pilat sa kaliwang pisngi at nakatitig sa akin at ngumiti na parang demonyong pervert! 'Ewww...' sambit ko na wala namang boses mula sa aking bibig, sabay irap sa kanya't tumingin nalang ako sa harapan ng klase. Sakto namang dumating ang aming guro, wow mukhang fashionista----ang sexy niya kahit naka-uniporme siya ng pang-propesora----hapit na hapit ito sa kanyang katawan. Maaliwalas ang mukha nito na nilagyan lamang ng kaunting kolorete, kitang-kita ang kabuuan ng kanyang mukha dahil sa naka-ponytail ang kanyang mahabang itim na itim na buhok----mukhang buhay na buhay ito at hindi pinapabayaang mainitan sa sikat ng araw, nakakainggit! Maikukumpara ko ang ganda niya kay Angelina Jolie, maliban nalang sa medyo tan nitong balat----makinis at mukhang malambot hawakan, nakakagigil, sarap namang kurut-kurutin at kagat-kagatin! 'ay, anu ba itong pinag-iisip ko? Nalelesbi na yata ako?!' Ibinalik ko ang tingin ko sa aking katabi na ganoon din ang paghanga nito. "Siya pala ang crush ng kuya ko?... ang ganda nga niya, gusto ko na siyang gawing hipag! hihihi" bulong ng aking katabi na mukhang pinaparinig naman sa akin. "Hihi" nakitawa na rin ako ng kaunti.
Balak sanang ulit magsalita ng katabi ko ngunit natigilan siya ng may pumasok ulit sa aming klase at napatingin kami rito. Ngumiti ang aming guro, "Magandang umaga binibini, kabilang ka ba sa aking klase?" sambit ng aming guro sa bagong pasok. "Magandang umaga rin po ma'am.." balik bati nito sa kalmadong boses "...dito rin po ang aking klase, pasensya na po sa aking kakuparang pagparito sa klase.." hinging-paumanhin nito. "Okey lang 'yon, maaari ka nang maupo..." wika ng aming guro at sinipat ang kabuuan ng aming silid-aralan at saka itinuro ang bakanteng upuan sa huling row na nasa may bandang kanan, "Dun kana lang maupo at magsisimula na ang ating unang leksyon sa klaseng ito.." Nagpunta na sa kanyang mauupuan ang bagong pasok na kaklase namin.
Mahinhin siyang maglakad, parang napakakakalmado pero in a cold way, napansin ko rin na mas-matangkad siya sa akin ng dalawang pulgada----nasa 5'7 ang kanyang tangkad, 'haha' ang galing ng talent ko ano? ganoon talaga iyon, pinagpala eh, joke lang. Hmmmn.. balik tayo kay Miss Cold, ayun nga may alyas na ko sa kanya..hmm. atsaka ayun nga balik tayo sa pagdedescribe sa kanya, maganda ang kutis niya----maputi, makinis, mukhang malambot... ayan nanaman ako! tigil, hmmm... in short maganda----perpectly proportionate ang hugis ng kanyang mukha, matangos ang ilong na medyo maliit, cute----hindi parang kay Mr.Bean. Maninipis ang mga labing medyo pinkish, ang kilay niya'y parang inahit pero mukha namang hindi iyon inaahitan, higit sa lahat ay ang una talagang mapapansin sa kanya ay ang mala-hazelnut na hugis nitong mga mata at pilik-matang bumaluktot paitaas, nakaka-insecure na siya huh?! Mayroon pa pala akong nakalimutan at madami pa, ang kanyang buhok mukhang rebonded sa ayos nito at kumikislap sa kaitiman, akala ko wala ng mas gaganda pa sa buhok na itim ng guro namin, tsk! Meron pa pala! tama na nga!...
Nang ibaling ko ang tingin ko sa aming guro, pati pala ito ay nakatulala sa aming kaklase at hindi lang pala siya kundi ang karamihan sa klase ay nakatingin na kay Miss Cold, Nang ibaba nito ang kanyang bitbit na shoulder bag at maupo ay tumingin ito sa harapan nito at "Aaa...?" na parang gustong magtanong ng 'Bakit kayo nakatingin sa akin? stop it, please lang po!' haha. Doon lang bumalik ang ulirat ng lahat sa klase.
BINABASA MO ANG
The LEGEND of ALICE : Berserk Warriors
FantasiaA failed experiment turned into a curse that affects the whole nation and beyond. Due to those failed experiments - berserk warriors were born. These warriors are purposedly created to prevent the curse from spreading. Curse vs Curse. Fantasy Action...