The LEGEND of ALICE: Berserk Warriors
CHAPTER 4: THE HUNT
MAEGAN's POV
'Hi, it's me, Maegan Eath. I'm Everglade Wight's Sodality's 21st Berserk Warrior. I'm 22 years old----but we, the berserk warriors can deceive your sight. We have a teenage-like looks.
We are now hunting for dimas here in a place where Adam Xavier University----a well-known prestigious university can be found. Sa unibersidad na ito kami inatasang pumasok at magpanggap bilang mga estudyante. Upang sa gayon ay makapagkubli kami mula sa mga dima na aming tinitugis, mga halimaw na naghahasik ng kaguluhan at epidemya sa bawat lugar. Epidemya na kayhirap lunasan, ngunit aming pupuksain at pipigilan sa paglala.
Ngayon ay nasa labas kami ng Adam Xavier University ni Tristan para subaybayan ang galaw ng mga dima. Sa gayo'y amin silang tutugisin para palimitihan ang pagkamatay ang mga inosenteng mamamayan sa lugar na ito.
Malapit ng maghating-gabi at alam naming magsisilabasan ang mga gutom na dima sa paligid upang maghanap ng mabibiktima at makakain. Ilang sandali lamang ay nakaramdam na kami ni Tristan ng dalawang magkaibang chakra aura, isang aura ng dima at isang mahina lang at medyo kalmado----dahil dyan ay medyo sigurado kaming isa ito sa aming mga berserk warrior.
Nagmadali kaming sundan at puntahan ang chakrang aming naramdaman. At may sumigaw at nanghihingi ng saklolo kaming narinig na maaaring nakahanap na ng biktima ang dima. Ngunit ilang sandali lang ang aura ng dima ay biglang nawala. At sa kaalaman namin at karanasan, kapag ganoon ang nangyari ay maaring wala na ito----patay na ang dima. Kayat mas binilisan pa namin ni Tristan ang pagpunta roon. Ngunit ang aura namang inaakala naming sa isang berserk warrior ay unti-unti ring nawawala. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Nadali rin kaya siya ng dima at napuruhan? Nako, mas kailangan naming magmadali ng matulungan namin siya kung may nangyari mang masama sa kapwa naming berserk warrior. Mukhang huli na ang lahat dahil tuluyan ng nawala ang aurang inaakala naming galing sa isang berserk warrior.
Pagkarating namin sa lugar ay nadatnan namin ang wala ng buhay na katawan ng isa naming kaklase na si Danson----ang seatmate namin na may pilat sa mukha. At ang hindi namin inasahan ay ang katauhan ng dima. "Si Mikasa ang isang 'yan, tama ba ako? Tristan?" Tanong ko sa aking kasama na nakatitig sa bangkay ng dima. "Oo, siya nga iyan. Pero paanong hindi natin nalaman o naramdaman na siya nga ay isang dima simula ng umpisa pa lang?" Pagsang-ayon nito at nagtatakang tanong. "Nakakapagtaka nga! Napaka-imposible nito. Maging ang pinakamahina sa atin ay mararamdaman ang presensya at chakra ng isang dima!" Wika ko ng medyo nalilito sa mga nangyayari. "Hindi ko rin alam ang nangyayari. Pero kailangan na nating umalis dito baka may
makakita pa sa atin. Tara na! Bahala na ang Sodality sa paglilinis ng mga ito!" Suhesyon ni Tristan na may pagmamadaling hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin papalayo.Habang kami ay tumatakbong papalayo ay gumugulo pa rin sa isipan ko kung papaanong nangyari na hindi namin naramdaman ang chakra aura ng dimang si Mikasa? Siguro'y kulang pa ako sa kaalaman at karanasan patungkol sa pagtugis sa mga dima. Pero ibang usapan na kung kay Tristan, isa siya sa malalakas na berserk warrior. Siya ang ika-sampong mandirigmang berserk!
"Ihahatid na kita sa dorm nyo!" Wika ni Tristan na pumukaw sa pag-iisip ko ng malalim. "O-oo, sige para makapagpahinga na rin. Magkikita nalang tayo bukas!" Nang makarating kami sa tapat ng beranda ng silid ko ay pinaharap niya ako sa kanya at tumitig sa mga mata ko. "Huwag mo ng isipin ang nangyayari, makakausap din natin ang mga kasama natin patungkol sa bagay na 'yan para malinawan tayo. Maaaring may alam sila. Lalo na ang Sodality" pagpapalubag-loob ni Tristan sa akin na parang nababasa ang nasa isipan ko. "Oo na po Madam Auring!! Nakababasa ka ba ng isipan ng iba? Magpapahula nga ako kung anong kapalaran ko bukas? Hahaha" pagsang-ayon ko ng pabiro sa suhesyon ni Tristan. "Loko 'to ha! Madam Auring pero pagbasa ng isipan ang sinabi mo. Haha" 'ika niyang napapatawa. "Hahaha. Ay iba ba yun? Nevermind. Sige na makakauwi ka na, nandito na ako sa dorm namin! Bye!" Paalam ko ng masigla sa kanya, para 'di na mag-alala pa. "K! Bye! Muah! :* " balik paalam nito na may halik pang nalalaman sa kaliwang pisngi ko, 'bakit hindi nalang kaya sa lips?' Hinaing ko sa aking isaipan. "Hmm. Parang tinototoo mo na ang pagpapanggap natin bilang mag-syota ha?" Komento ko sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko. "Ganon lang talaga ako magpaalam!" Sagot nito sa reaksyon ko sa ginawa niya at sabay talikod niya at naglakad na parang may tinatakasan.
BINABASA MO ANG
The LEGEND of ALICE : Berserk Warriors
FantasíaA failed experiment turned into a curse that affects the whole nation and beyond. Due to those failed experiments - berserk warriors were born. These warriors are purposedly created to prevent the curse from spreading. Curse vs Curse. Fantasy Action...