The LEGEND of ALICE : Berserk Warriors
CHAPTER 1: A HERO Amidst Life and Death
Alice had never felt so terrified before, she was always taught to be strong and always be calmed at all times at any kinds of danger that she will experience. Pero sa kaniyang nararanasang nagbabantang panganib ngayon ay hindi niya maiwasang hindi kabahan.
Habang sinisipat niya kung anong nangyayari mula sa labas ng silid-tulugan ng kanyang nakakatandang kapatid----itinago siya nito doon nang may hindi mawari kung anong klaseng nilalang ang pumasok sa kanilang tahanan.
Kanina'y masaya lamang silang magkapatid na nagkakatuwaan at nagkukwentuhan, habang ang kanilang ina'y naghahanda ng kanilang pagsasaluhang pagkain sa gabing iyon, at habang kanila ring hinihintay ang pagdating ng kanilang ama na manggagaling pa sa pagtatrabaho sa bukid, hanggang sa, "Crack, crack" tunog ng tuyong dahon na maaaring naapakan ng kung sino man. Napalingon sila sa pinanggagalingan ng tunog na waring makikita nila ang labas ng nakasaradong bahay na gawa sa buho.
Napangiti ang kanilang ina't nagsabing, "Nar'yan na marahil ang inyong ama, mukhang maaga siya ngayon?" Tatayo na sana si Alice ngunit binuhat siya ng kapatid upang ilayo at ipunta sa mas malayong parte ng bahay mula sa kanilang pintuan para siya ay asarin at biruin, na ikinasanay na rin niya dahil ganoon siya lambingin ng kapatid kapag dumarating ang kanilang ama mula sa trabaho.
Dahil sa kanilang asaran at biruan na magkapatid ay ang ina na nila ang lumapit sa pintong gawa sa kawayan upang alisin ang taling nagsisilbing kandado ng pintuan. Unti-unting binuksan ng kanilang ina ang pintuan habang nakangiti, ngunit biglang naglaho ang napakatamis na ngiti nito at bahagyang nanigas sa takot nang kanyang masilayan ang hindi inaasahang bisita----unang mapapansin rito ay ang napakahabang nguso na maihahanlintulad sa isang lobo na punong-puno ng matutulis at malalaking pangil -- naglalaway pa ito na gaya sa isang mapusok na asong may rabis...
...lubog ang mga mapupula at nanlilisik na mga mata na waring galit at sabik na sabik na pumatay at kumain ng laman ng tao. Mayroon itong mahaba at patulis na tainga, mahahabang braso at mabubutong mga daliri na may mga matutulis na kuko----na ang haba ay nasa isa't kalahating pulgada, ang mga binti nito ay parang sa paa ng aso, ang mga gulugod ay kitang-kitang bumabakat sa balat nito sa likuran, ang pagkakaiba lamang nito sa lobo o aso ay nagmumukha siyang asong nakakalbo---may balahibo sa katawan ngunit mangilan-ngilan, ni buhok sa ulo ay parang naglalagas, maitim ang balat nito at ugatan, nasa 7ft ang taas nito kung hindi ito nakabukot na parang kuba.
"Ngarrrggg!" ungol nito na parang galit na leyon na may napakalalim na boses, sabay sakmal sa mukha ni aleng Sabel na ina ng mga batang hindi makaimik sa sobrang takot. "Aaack!!" impit ang sigaw ng ginang na hindi magkamayaw sa pagpipiglas upang makatakas, "Ngarsssssh!!" patuloy sa pagpiglas ang ginang, ngunit bigo ito at lalong humigpit ang pananakmal ng nilalang sa kanyang mukhang ngayo'y duguan na't nahahaluan na ng laway ng nasabing nilalang. Iwinasiwas ng nilalang na ito ang ginang sa tabi ng upuang malapit sa pintuan, at tuluyan ng pumasok ito sa tahanan nila, muling sinakmal ng nilalang na ito ang kawawang ina ng mga bata, ngunit sa ngayon ay sa parteng tiyan naman nito kinagat. Pinagkakalmot din nito ang dibdib ng ginang hanggang sa hindi na ito gumalaw----wala na itong buhay.
"S-aabel? Sabel!!" napatingin sila sa sumigaw mula sa pintuan, ang kanilang ama na kitang kita ang galit at pag-aalala sa mukha nito. "Aaaaaaah!!" walang pakundangan nitong sinugod ang nakakatakot na nilalang. Maaaring di na nito alintana ang takot at ang nasa isipan na lamang nito ay upang iligtas ang pinakamamahal na asawa. Ngunit ng medyo makalapit na ito sa nilalang ay hindi manlang nagtagumpay na dapuan nito ng inambang mga kamao para sana bigyan ng suntok ang nasabing nilalang, dahil sa inunahan na siya ng nilalang at hinampas na siya nito ng napakabigat nitong kamay at humampas ang ginoo sa dingding na waring magigiba sa lakas ng pagkakahampas nito, "accck!!" hinaing nito. hindi pa ito nakakarecover mula sa pagkakahampas ng sugurin siyang muli ng nilalang, at pagkakagatin sa dibdib nito at magbulwakan ang masaganang dugo mula sa mga sugat na dulot ng pangangagat ng halimaw. Dahil sa masaganang dugong nawala sa katawan ng ginoo ay nalagutan ito ng hininga----namatay ito ng wala manlang nagawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/52565921-288-k204368.jpg)
BINABASA MO ANG
The LEGEND of ALICE : Berserk Warriors
FantasíaA failed experiment turned into a curse that affects the whole nation and beyond. Due to those failed experiments - berserk warriors were born. These warriors are purposedly created to prevent the curse from spreading. Curse vs Curse. Fantasy Action...