Chapter 2 part-2: XXVI

41 4 0
                                    


...nabitin ako sa kuwento ni Ms. Angelic. Magtatanong pa sana ako pero hindi ko na naituloy. "Class, that's all for today! Alam kong madami pa kayong gustong malaman, pero tapos na ang oras ng klase natin, i should dismiss the class! Goodbye everyone!" paalam nito sa klase sabay sukbit sa kanyang shoulder bag. "Goodbye ma'am!" balik paalam ng buong klase.

At pagkalabas ni Ms. Angelic sa silid ay nagsilabasan na rin ang iba kong kaklase at ganoon na rin si Ms. Cold. Nang lumingon ako sa kanang bahagi ng silid ay nakita kong muli si Mr. Perv na nakatitig sa akin ng nakangising parang demonyo. 'Eww' talaga siya! nakakabwisit! Lumabas nalang ako ng mabilis sa aming silid-aralan, nakipagsiksikan pa ako sa iba kong kaklase para maunang makalabas at makalayo sa demonyo! "Excuse me please!" ay ang galang ko pa dyan ha, tinulak ko pa nga yong nasa gilid ko na balak ding makipagsiksikan, "sorry, nagmamadali kasi ako!" usal ko at binigyan naman nila ako ng espasyo para makadaan.

"Hayy, salamat, nakalabas din" wika ko nang tuluyan na akong makalabas. Pagkalabas na pagkalabas ko ay linabas ko ang kopya ko ng schedule ko para sa araw na 'to at para basahin kung ano ang next class ko... vacant?! 'yahoo!' napagdesisyunan kung lumabas muna sa campus, uuwi na muna ako upang makapag-relax.

Habang tinatahak ko ang daan papuntang boarding house, pakiramdam ko'y may sumusunod sa akin, nang lingunin ko ito para tingnan ay wala namang ibang taong malapit sa tinatahak kong daan. Sakto namang may parating na pampasaherong traysikel ang mapapadaan papunta ito sa direksyon ng boarding house ko kaya pinara ko ito kaya huminto naman. Lumingon ulit ako sa pinanggalingan ko at nakita kong nakasandig si Mr. Perv sa pader at nakatingin sa akin. Dahil sa nakita ko'y nagmadali akong pumasok sa sidecar ng traysikel at umupo, "Kuya tara na! Diretso lang po tayo, pakibilisan po!" utos ko kay manong drayber at pinaarangkada naman agad ang sasakyan. Pagkarating sa boarding house ay dumiretso agad ako sa aking kwarto't nagpalit ng damit pambahay at humilata sa kama hanggang sa makatulog ako, lagi kasi akong puyat sa gabi kaya sa ganitong oras lamang ako nakakatulog ng maayos dahil sa naghahanap ako ng ikabubuhay ko.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay alas dos na ng hapon, isang oras pa bago ang klase ko, gutom na ako dahil di naman ako nakapag-lunch, apat na oras o higit pa ang tulog ko. Siguro'y mamayang gabi nalang ako kakain at itotodo ko ang paglamon, ha-ha-ha. Nagbihis na ako at pagkatapos ay umalis na sa aking boarding house upang magtungo sa eskwelahan. Muli ko nanamang naramdaman na may nagmamasid sa akin, kaya nagmadali akong maglakad upang makarating agad sa eskwelahan. Pawisan akong nakarating sa campus, hindi ko na iyon alintana dahil ang nais ko lang ay makarating dito agad, at agad akong nagtungo sa aking silid-aralan sa oras na iyon. Hinanap ko rin agad ang klaseng aking papasukan, di naman ako nabigo at nakita ko rin naman ito sa madaling panahon at ako'y agad pumasok dito. Naramdaman ko sa loob ang aura na may nagmamasid nanaman sa akin, madami sila, iginala ko ang aking paningin, pero sila rin naman ang mga kaklase ko, kaya naman hinanap ng paningin ko ang suspetsa ko kung kanino galing ang nakakabahala at nakakaasiwang aura, nakatingin nga siya sa akin, ang demonyong ngisi niya at manyak na paningin! Kilala niyo na ang suspetsa ko. Winalang bahala ko nalang siya at nagtungo sa same spot na gusto kong pag-upuan. Ang iba ko namang kaklase ay sa ibang mga pwesto na nakaupo. Different classroom, so different seating arrangement din? haha.

Limang minuto nalang at magsisimula na ang aming klase, pero wala pa ang aming guro sa klaseng ito. Pagkalipas ng limang minuto ay dumating pa ang isa naming kaklase, oh si Ms. Cold, siguro'y talagang makupad siyang maglakad. Luminga-linga ito upang maghanap ng mauupuan at ng makahanap ay mahalumanay na naglakad ito patungo sa bakanteng upuan sa may likuran ng klase. Pero bago pa man nito marating ang uupuan ay napahinto ito dahil sa may pumalo sa kanyang medyo maumbok na pwet. Di ko naman masisisi kung sino man ang gumawa nun, pati kasi ako ay matutuksong gawin iyon! Pero may exemption, si Mr. Perv pala ang salarin! 'Ang bwisit!' Hinarap naman ito ni Ms. Cold, 'ayan sige, sapakin mo na!' yan ang katagang gusto kong i-cheer kay Ms. Cold. Mukha namang nagulat at natatakot si Mr. Perv nang hinarap siya nito. 'hahaha, lagot ka ngayong demonyong manyakis ka!:P'. 'What the...!' tinalikuran ni Ms. Cold si Mr. Perv, at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bakanteng upuan! Nakakadisappoint naman! Ganun-ganon na lamang ba iyon?! Mukha namang nakahinga ng maluwag si Mr. Perv! 'whatever!'

The LEGEND of ALICE : Berserk WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon