Chapter 3: Assasin

29 4 0
                                    

The LEGEND of ALICE : Berserk Warriors

CHAPTER 3: THE ASSASIN

ALICE'S POV

"M-mayro-ong i-ika-26 n-na mandirig...mang b-berserkk? At ika-w y-yun...M-ms. Cold, A-alice...?" Mikasa's last words upon realization of who or what am I?

My name is Alice Corvin, a secret warrior from Everglade Wight's Sodality. Not just a mere secret warrior from humans but also a big secret from my co-berserk warriors. They didn't know about my existence as the 26th berserk warrior. My co-warriors know each others existence----they knew each other's name. How lucky they are. They know whose to help and call help when they needed one.

Kaya't kailangan kong mag-ingat sa mga kilos ko dahil kung magkakamali ako at maramdaman nila ang aking chakra ay maaring pagkamalan nila akong isang dima. At paslangin ng walang pagdadalawang isip. At dahil iyon na rin ang utos sa amin na kapag namataan o naramdaman naming isa kang dima ay asahan mong hindi kana aabutan ng ilang minuto para patuloy na mabubay.

Ang gaya naming mga bersek warriors ay may kakayahang maramdaman o matukoy ang chakra ng isang dima o pati na rin ng kaparehas naming berserk warrior. Natutukoy namin kung anong klaseng chakra ang aming nararamdaman ayon sa antas nito, kung ito ay pabago-bago at walang tamang balanse aasahan mong isa itong dima----depende rin kung gaano kalakas ang dimang ito. At ang chakrang galing sa berserk warriors naman ay nakadepende rin sa antas o taas ng ranggo nito. Kalmado ang chakra ng isang berserk warrior at may hatid na ma-authoridad na presensiyang nakakapagbakaba o nakakabagpabahala sa pakiramdam ng isang dima. Ang antas o ranggo ng isang gaya kong berserk warrior ay natutukoy ayon sa numerong nakaukit sa aming sandata.

Hindi na lingid sa inyong kaalaman na ako ang ika-26 na berserk warrior, sa gayon ako ang pinakamababa sa ranggo at pinakamahina. Matutukoy niyo rin ang aming ranggo mula sa kulay ng aming beaming eyes----pagkinang ng mata. Gumagana ito kapag gamit namin ang aming sandata na nagmula pa sa kailaliman ng dagat malapit sa Everglade Island kung saan matatagpuan ang Everglade Wight's Sodality/Corporation.

Ang sandatang ito ay mahiwaga at makapangyarihan, ngunit upang magamit ito ay kinakailangan ng patak ng aming dugo upang gumana. Ang itsura nito sa normal na anyo ay parang natuyong cactus----pakulot na parang sa buntot ng baboy ang hugis nito. Kung ito naman ay nasa anyo na ng isang mahiwagang espada ay depende pa rin sa antas ng aming ranggo at unique chakra power as berserk warrior (maipapaliwanag ito sa mga susunod na kabanata, sa oras na gamitin ng iba pang berserk warrior---ang anyo nito). Tinatawag na Deep Sea Blood Blade o Cactus Blood Blade ang sandatang ito.

Iyon lamang muna ang nais kong iparating sa inyo patungkol sa aming mga berserk warrior dahil naramdaman kong papalapit na ang ibang berserk warriors na tutugis sa dima. Madali na kasing tukuyin ang chakra at lugar kung saan ang isang dima sa oras na nagpalit-anyo ito bilang halimaw. Dahil nasigudaro ko ng patay si Mikasa ay kumaripas na ako ng takbo papaalis sa lugar na kinaganapan ng pagpatay ko sa dimang si Mikasa.

Sa kalagayan ni Mikasa ay nahihirapang tukuyin ng mga berserk warrior ang chakra nito bilang isang dima dahil sa isang di pangkaraniwang sitwasyon. Nagagawa niyang itago ang ora ng kanyang chakra dahil sa iniinom na mga gamot galing sa kanyang kaibigan. Nawawala-wala ang aura ng kanyang chakra at nakakatagal sa anyong tao kahit na siya ay gutom at gustong makakain ng laman ng tao.

Natagalan ako sa pagsagawa sa aking misyon hindi dahil sa rason na hindi ko matukoy kung isa siyang dima. Kung hindi dahil sa nakakabasa ako ng isipan ng iba. Nababasa ko ang isipan ni Mikasa at nalaman kong isa siyang dima dahil doon. At napag-alaman kong may kabutihan pa rin sa puso niya. Ngunit marami na siyang napatay at nabiktimang tao.

Awa o pag-unawa ang unang pumasok sa isip at damdamin ko kaya't napatagal ako sa pagpaslang sa kanya. Kasalanan o paglabag sa batas ang mapabayaang makapatay ang isang dima sa oras na maiatang sa amin ang misyong ganito. May kapalit na kaparusahan ang ganitong kapalpakan. Maaring mas mahirap na misyon ang iatas sa amin, na maaaring ikamatay namin.

Sa ngayon, hindi alam ng ibang berserk warrior ang aking katauhan dahil hindi nila maramdaman ang aking chakra sa sobrang hina ng aurang naidudulot nito. Normal iyan sa baguhang berserk warrior. Ngunit sa kalagayan ko ay hindi ko matatawag na ako'y baguhan pa lamang dahil sa una't sapul tatlong buwan lamang sa pag-eensayo ay magagawa na naming maglabas ng tamang chakra para masabing isa na kaming berserk warrior.

Sampong taon akong nag-ensayo. Kaya't hindi ko masasabing ako ay baguhan pa lamang. Hindi ko alam kung kakayahang matatawag----na nagagawa kong itago ng ganito ang chakra ko o talagang mahina lamang ako.

Nalalaman lahat ng Everglade Wight's Sodality ang aming kakayahan at kahinaan dahil sa mga test sa aming katawan. Sapat na ang sampong taon naming pananatili at pag-eensayo upang malaman ang lahat ng aming kakayahan at kapangyarihan.

Naka-isolate akong tinuruan at pinag-ensayo mula sa iba pang berserk warrior kaya hindi nila alam na ako ay isa sa kanila.

Sa aming klase ay may dalawa pang berserk warrior na sina Maegan at Tristan na nagpapanggap na magkasintahan. Nababasa ko din ang kanilang isip. Siya nga pala kung nakatago ang aura ng chakra ko ay hindi ko rin mararamdaman ang chakra ng isang dima gayun na din ang chakra ng kapwa ko berserk warriors.

Ilang segundo lang ay narating ko na ang bahay na aking tinitirhan. Ako lang ang nakatira dito dahil iyon ang utos sa akin ng pamunuan ng Everglade Wight's Sodality. Upang makaiwas sa ibang tao at makapagtago ng maayos. Pagkarating ko sa loob ng bahay ay sinara ko agad ito maging ang mga kurtina ay inayos kong mabuti. Ako ay naghubad agad ng suot na uniporme dahil natalsikan ito kanina ng dugo. Hindi ko na inisip kung ano ang itsura ko. Dahil wala namang makakakita.

Nagtungo agad ako sa laundry area ng bahay at lumapit sa washing machine, ipinassok ko dito ang hinubad kong uniporme, linagyan ko ng detergent powder na galing pa sa sodality at binuhusan ng kalahating timbang tubig atsaka pinihit pakanan ang switch ng washing machine. Hinintay ko ito ng tatlong-minutong umiikot ng paulit-ulit. Hinango ko ang uniporme ko ng matapos ang tatlong-minuto at piniga ito. Kumuha ako ng palanggana at inilapag sa ibaba ng isang gripo at sinindi ito. Lumagaslas ang tubig mula rito. Pinagmasdan ko ito hanggang mapuno nito ang batsa ng tubig atsaka pinahinto ang gripo. Binanlawan ko ang uniporme ng tatlong beses atsaka bumalik sa washing machine na may dryer at doon ito ipinasok at dri-nain. Nang matapos ay isinampay ko ito sa may alabreng nakakabit pahalang sa may taas ng laundry area. Bakit nga ba detalyado ang pagkakabanggit ko kung paano ko labhan ang uniporme ko. Ngayon ko lang kasi ginagawa ang ganitong mga bagay. Dahil noong nasa pagsasanay pa kami bilang baguhang berserk warrior ay may mga naatasang gumawa nito para sa amin.

Pagkatapos magsampay, Pumasok ako sa banyo at nagpasyang maligo. Naramdaman ko ang lamig ng tubig sa aking katawan at ito'y nakaka-relaks sa pakiramdam. Nang matapos maligo ay isinuot ko ang damit pantulog na bigay sa akin ng Sodality. Saan pa ba ako kukuha ng mga iyan kundi sa kanila. Nang makapagsuot ng pantulog ay kinuha ko ang hair blower at pinatuyo ang buhok. Dumiretso ako sa ref upang makakuha ng sariwang gatas at palaman atsaka lumapit sa aparador ng mga makakain, kumuha ako ng dalawang pirasong loaf bread (alam niyo na kung anong gagawin ko, kakain).

Pagkatapos kong kumain at uminom ng fresh milk ay nagpunta na ako sa aking higaan at umupo rito't nagpahinga saglit. Nang makapagpahinga ay tumayo na ako at pinatay ko na ang mga ilaw at muling bumalik sa aking higaan at humilata na----pumikit hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na ako.

ALUTA CONTINUA...

If you want more updates, just comment anything.

The LEGEND of ALICE : Berserk WarriorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon