Umaga na.
Nagising ka na ba?
Sa katotohanang mahal kita,
Ganoon ka rin sana.
Pero sana natulog nalang ako
Para hindi ko nakita ang saya mo,
Noong magkasama kayo
Habang magkahawak mga kamay nyo.
Mga rosas na bigay
Sana sa akin nalang inalay,
Para sa pusong namatay
At sa puntod kung saan ito nakaratay.
Bakit pa kasi ako na gising
Pero hindi sa katotohanan parin
Na kailan man hindi ako ang iyong iibigin
Dahil para sayo, ako ay kaibigan kahit di naman pansin.
P.S Sana hindi na ako nagising, kasi buti pa sa panaginip ikaw ay kapiling. Kahit doon man lang, naging tayon rin paminsan minsan.

BINABASA MO ANG
Kaibigan
PoetryIve been busy lately and yes it took me 6 months. This account was also hacked or I just really forgot my password but all thanks to Wattpad Support and Gmail, eventually I revived this account. So anyways, as a return I promise to write for the who...