Ang Unang Yugto #Ka-ibigan

137 3 2
                                    

Mahal kita pero hanggang kaibigan lang

Oo hanggang kaibigan lang dahil ayaw kong malinlang

Ayaw kong malinlang na baka mapamahal na ako ng lubusan

At baka sa huli, sa huli ako rin lang ang masaktan.


Pero ano ba 'tong ginagawa mo

ginagamit mo ba ako o ikaw rin ba ay nagpapakatotoo?

Nalilito ako sa ginagawa mo dahil sa tuwing tayo lang umiiba ang mundo ko

Nalilito din ako dahil kapag andyan sila umiiba naman ang intensyon mo.


Ano ba, ako lang ba talaga

O sadyang marami kami sa eksena?

Eksena na tila, ka-ibigan ako pag tayo lang

Pero kaibigan pag sa maramihan ang usapan.


Ngayon ako'y lalayo

Hindi dahil ayoko sa iyo

Ayoko lang talaga magpatuloy na bigo

Dahil alam ko na mahal mo ang kaibigan ko.





P.S Kaibigan o ka-ibigan mo din naman ako.


KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon