Gabi na.
Namimiss na naman kita.
Tingin sa orasan
Kahit walang dahilan.
Eto na
Asan ka na ba sinta.
Kulang talaga ako,
Kulang dahil wala ka dito.
Hinga ng malalim,
Sabay pikit ng mata,
At habang iniisip ka
Humihiling na sana pagdilat ko, andito ka na.
Dinig na dinig ko ang tinig ng bawat pitik ng relo
Habang pumipintig naman itong nangungulilang puso ko,
Nasasaktan man ito
Ikaw pa rin ang sinisigaw ng puso.
Kasabay ng pagtahimik ng gabi
Tila ganoon ka rin sa akin,
Pero parang may dahilan parin
Para ikaw ay aking ibigin.
Kulang parin talaga
Akala ko kaya ko na,
Pero hindi pa pala
Dahil mahal parin kita.
P.S Ikaw, hinahanap mo rin ba ako? O sadyang my pumupuno na ng puso mo? Dahil ako, kulang ako dito at dahil 'yan sa'yo.
BINABASA MO ANG
Kaibigan
PuisiIve been busy lately and yes it took me 6 months. This account was also hacked or I just really forgot my password but all thanks to Wattpad Support and Gmail, eventually I revived this account. So anyways, as a return I promise to write for the who...