Huli na to

38 2 0
                                    

Huli na to
Pangako ko 'yan sa'yo.

Huli na to
Sabi ko.

Huling beses na iiyak,
Huling beses na hahalakhak,

Huling beses na magpapanggap,
Huling beses na mangangarap,

Huling beses na rin akong susulat
tungkol sayo,
Dahil pagod na akong umasa at
mabigo.

Kahit na hindi na tutugma ang mga ito,
Tatapusin ko na, para sayo.

At dahil ito ay huli
Lulubusin ko ang mga sandali,
Isusulat ko na lamang
hanggang wala ng laman.

Kahit ni katiting wala akong ititira
Maubos at masulat lang kita
At lahat ng sakit,
pagod,
luha at
lungkot.

Kakalimutan na
Dahil ayaw ako ng umasa.

Tama na ang mga nasayang na luha
Kahit wala naman dapat ipag aksaya.

Masakit man,
Huli na to.

Malungkot man,
Huli na to.

Umasa man,
Huli na to.

P.S
Pagod na ako,
Huli nato.

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon