Kilala mo ba si Juan?
'Yung taong parang tangang umaasa sa ewan?
Para kang ganyan
Dahil kahit alam mong andito ako, hindi mo parin siya iniiwan.
Sabi mo masakit?
Sabi mo masaklap?
Pero bakit mo pinipilit?
Alam mo namang mahirap.
Ang labo mo!
Andito naman ako,
Umaasa sayo
Na sana ako parin piliin ng iyong puso.
Tanga ko rin ano?
Kahit alam kong malabo
Pero para sayo,
Magpapakatanga ako.
Kahit paulit-ulit.
Kahit masakit.
Kagaya mo,
Umaasa rin ako.
Parang si Juan,
Hindi ka titigilan
Hanggang mahulog ka sa akin ng lubusan
Kahit na alam kong imposible naman.
P.S Umaasa parin, kahit alam kong ang labo ng iyong damdamin. Kasing labo ng mata mo, hindi parin ako ang pinipili ng iyong puso.

BINABASA MO ANG
Kaibigan
PoesíaIve been busy lately and yes it took me 6 months. This account was also hacked or I just really forgot my password but all thanks to Wattpad Support and Gmail, eventually I revived this account. So anyways, as a return I promise to write for the who...