Love Being Hate - 6

14 6 0
                                    

Nagising ako sa pag-alarm nung alarm clock sa side table ng kama ko.

4:30 am palang. Bumangon na agad ako. Pinatay ko na yung lamp shade. At hininaan yung thermostat nung aircon dito. Ang lamig kasi eh.

Pumunta na ako sa walking closet ko para kuhanin yung swim suit ka para mamaya sa try-out at yung mga gears. Pagkatapos kong kuhain yung mga gagamitin ko sa walking closet ko, inilagay ko na yun sa paper bag.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko na yung uniform namin. Sinuot ko yung new balance kong rubbershoes. Pero baon ko parin yung black shoes ko.

Umupo ako sa upuan at humarap sa salamin. Binuksan ko yung mga ilaw sa gilid ng salamin para mag reflect sa mukha ko. Kinuha ko yung brush sa cabinet nung salamin at nag suklay ng buhok. Pagkatapos kong mag-ayos,

Kinuha ko na yung leather bag pack ko,yung paper bag, yung lappy ko, at susi ko at dumiretso sa parking lot nung condo.

Binuksan ko na yung purple kiss ko, at nag maneho na.

Kagabi, pagkatapos akong ihatid ni Shawn, ay pinakuha ko sa driver namin, sa bahay, yung purple kiss ko sa university. Buti nalang hindi nalaman ng parents ko na hiniram ko yung isa nilang driver.

University

Napark ko na yung purple kiss ko, at dumiretso sa room namin.

Si Shaina palang yung naabutan ko. Pagkakita nya sakin ay ngumisi agad sya. Pero ngising demonyo yun.

"Czarina. Mukhang sayang-saya ka sa boyfriend ko ha?" Sabi nya.

"Ah si Shane ba? O si Shawn?" Nagulat sya ng marinig nya yung pangalan na Shawn.

"H-ha?"

"Tss. I already know about you and Shawn. I'm not that manhid okay? So sino nga ba, Shane or Shawn?"

Inirapan nya lang ako.

"I can tell this to Shane, whenever i want." And i smirk

Hinablot nya yung buhok ko at saka ako sinabunutan. Ayaw ko gumanti, kasi hindi naman ako pinalaki para lang maging low class.

Pagkabukas nung pinto agad nyang inuntog yung ulo nya sa locker. Tss. Si Shane kasi yung pumasok.

"What the hell?!" Agad nyang tinulungan si Shaina. Samantalang ako, nakatayo lang at sumasakit ang ulo ko dahil sa sobrang lakas ng sabunot sakin ni Shaina. Ang gulo-gulo ng buhok ko, at uniform ko.

Hinarap ako ni Shane Miko at sinampal ako.
Napapikit ako sa sobrang lakas ng sampal sakin ni Shane. This time, namanhid talaga ang buong mukha ko. Hindi ko rin magawang umiyak, basta nakatayo lang ako, nakatingin sa kanila.

Buti nalang, wala pa sila. Yung mga classmate namin.

"Diba sinabi ko sayo, ayaw ko ng makita yung pagmumukha mo?" Sabi nya na puno ng galit ang kanyang mata.

'Hindi ko kayang hindi makita yang mukha mo.' Saad ko sa isipan ko. Ngumiti nalang ako ng mapait sa kanya.

Lumabas na silang dalawa para dalhin nya si Shaina sa Clinic. Mahal na mahal nya ngang talaga si Shaina. Nakakamiss din pala yung presensya ng isang tao. Lalo na kung mahalaga sya sayo.

Inilapag ko yung mga dala ko dun sa upuan ko, at inayos ang sarili kong galing sa sabunot at kalmot ni Shaina. Wala pa si Shawn haay. Dinala ko yung usb ko papunta sa operating/control room ng university.

Sinalubong ako ng isang matandang nagbabantay sa cctv.

"Good Morning po, ako po si Czarina. Maaari po ba akong kumuha ng record sa cctv?." Sinabi ko sa kanya yung room namin at nakita nya yung nangyari.

"O sige iha. Flash drive mo?" Inabot ko sa kanya yung flash drive ko, at naisave narin nya agad.

"Salamat po talaga." Sabi ko at nginitian sya.

"Naku, iha. Bakit hindi ka nagsusumbong?"

"A-ah... a-ano po kasi po wala rin naman pong sense kung mag-sumbong ako eh."

"Ah ganoon ba iha? O sya mag-ingat ka."

"Salamat po ulit." At umalis na ako sa operating/control room ng university.

Inilagay ko agad sa wallet yung flashdrive ko. Buti nalang, lagi ko ring dala yung laptop ko ng masave ko. At para narin maisave ko pa isa pang flash drive.

***
Naisave ko na sa laptop at isa pang flash drive yung mga videos and files na nakalagay sa usb-ng ginagamit ko. Tumambay ako sa computer laboratory. At dun ako nag-save.

Bumaba na ako, at pumasok na classroom namin, nakapag-skip ako ng isang class. Hahaha.

Nakita ko kaagad na nakangisi si Shaina, so what? At si Shane naman ay masama ang titig sakin.

"I don't care eh eh eh." Parinig ko. Naka earphones kasi ako, pero walang namang tugtog. Kunyare kinanta ko yung 'i don't care ng 2ne1'.

Nakita ko naman si Shawn na punong-puno ng pag-aalala yung mukha.

"Saan ka galing dre?" At seryosong seryoso nga sya.

"A-ah. Sa Computer Lab."

"Anong ginawa mo dun?"

"Ano ba ginagawa dun? Hehehe. Eto oh, tignan mo dala ko laptop ko." At itinaas ko yung laptop at pinakita sa kanya.

"Ah." Tanging sagot nya. Nagturo na yung teacher namin at hindi rin nagtagal, recess na namin.

"Tara dre." Haltak sakin ni Shawn.

"Wait! Mauna ka na, susunod nalang ako."

"Sige." At naiwan na akong mag-isa dito sa classroom namin.

Kinuha ko yung diary ko at ng ex ko or boyfriend ko parin kasi we don't have a proper closure parang in just one event nagbago lahat. Parehas na parehas talaga kami ng diary. Sabay kasi kaming bumili. Hahaha. Nakakamiss lang talaga. Pero iba na talaga ngayon eh. Marami ng magbago. Kung hindi kaya nangyari 'yun, ganoon parin ba kami hanggang ngayon? Haay.

Itinabi ko yung dalawang diary, yung dalawang flashdrive sa lalagyan ng laptop ko, yung bag nung laptop ko. At binitbit ko. Pababa sa canteen.

Canteen

Nakita ko na agad si Shawn.

"Shawn!" Sigaw ko. Nakita nya ako at saka nya ako nginitian.

Lumapit agad ako doon at umupo sa harap nya at inilagay ang bitbit kong bag sa lap ko.

"Libre mo?" Tanong ko.

"Oo na."

"Yieee. Sweet mo ngayon dre ah?" Asar ko sa kanya.

"Anong Sweet? Generous lang." At ngumiti sya.

"Hilig mong ngumiti 'ano?"

"Ayun nga nagustuhan mo sakin e."

"Ha? Anong nagustuh--"

"Bilang kaibigan."

"Aysus. May crush ka ba saken ha?" Asar ko sa kanya.

"Hahaha. Adik." At tumawa narin ako. Umorder na sya at kumain na kami.

Habang naglalakad kami,

"Yna. Movie Date tayo?"

"Date as bestfriends? Hmm. Sige."

"Ngayon na."

"Ha?! Ngayon na? Mag-diditch tayo ng clas--"

Hindi na nya ako pinatapos at, hinatak agad ako.

Hahaha, nagawa narin namin 'to dati. Pero feeling ko, first time ko lang mag-ditch.

Love Being HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon