Love Being Hate - 7

14 6 0
                                    

Nandito na kami sa sinehan, naka upo lang ako sa isang tabi, at si Shawn naman yung bumibili ng ticket at popcorn. Guess what anong genre ang papanoorin namin? Romantic Comedy. Haay.

"Tara na!" Aya nya sakin. Tumayo na ako, at dala dala parin yung bag ng laptop ko na ang laman ay yung diaries, usb's cellphone, money, laptop. Ang dami 'ano? Kasya lahat yan sa Bag ng lappy ko. Customized kasi yun.

Inabot nya sakin yung isang softdrinks at popcorn. Pero wala nang isa pa. Ano to? Mag-sheshare kami? Tinaasan ko na kaagad sya ng isang kilay.

"Hehehe. Share nalang tayo? Please?"

"At bakit? Wala ka na bang pera?"

"Hindi ah." At aakmang dudukot sya sa wallet nyang napakapal. Mayaman din 'tong lokong to eh.

"Hep-hep. So bakit nga?" Pinigilan ko yung pagdukot nya sa wallet nya.

"Namiss ko lang yung dati." At napangiti sya.

"Eh bakit hindi sya yung ayain mo?" Do i sound bitter? Haha.

"Sinong sya?" Tanong nya.

"Nevermind. Let's go?"

At nginitian na nya naman ako.

Pumasok na kami sa sinehan. At sa unahang row kami naupo.

***
Shawn's Pov

Napapansin kong hindi magawang tumawa ni Yna sa pinapanuod namin, samantalang ako naman ay tawang-tawa na. Hindi ko na napigilan yung sarili ko't tanungin sya.

"Are you okay?" Tanong ko.

"I'm okay." Psh. Bakit kaya ganoon ang mga tao? Pilit nilang sinasabing okay sila pero kahit hindi naman talaga. Tsk tsk.

Napatingin ako sa orasan at malapit na yung oras para sa Try out. "Tara na." Aya ko.

"Ha?Saan?" Tanong nya.

"Sa school. May try-out tayo remember?"

"Onga pala." At bumalik na kami sa school. Ni hindi ko man lang sya nasolo.

**
Czarina's Pov

Nandito na kami sa room namin ni Shawn at kinuha na namin yung gamit namin. At yung mga dala-dala ko eh nilagay ko na sa locker. Eksakto lang naman yung pagdating namin. Nagbihis na kami sa shower room.

Dito sa university, ang laki ng swimming area. Parang pang olympics lang. Dito kasi madalas ginaganap yung mga swimming competitions eh. Grabe parang kasing lapad nya siguro, arena? Yung pinaka space ha? Hindi lang yung swimming pool. Siguro capacity ng mga pwedeng manood ay, 800+ persons i think? Eh yung nag-aaral dito sa uni eh, mahigit 2,000+. At itong school kasi namin ang record holder pagdating sa swiming competitions.

Pagkatapos kong lumabas ay, sinuot ko kaagad yung wardrobe. At dala dala ko yung towel ko.

Lumabas na si Shawn, at nakatrunks nalang sya. Hahaha. Sexy ng bestfriend ko, may abs. Ke highschooler palang eh, may abs na. Sabagay, panay work-oit nyan at panay langoy. Buti nga, hindi umiitim yan eh.

"Tara?" Aya ko sakanya.

"Lets go." At nagtungo na kami sa swimming area.

Marami rin palang kasali. Jusko parang, competition lang. And maraming nanunuod ngayon. Huhubels.

"Competitors, please go to your respective area." At ginuide naman kami kung saan ang pwesto namin. Susko, ang haba ng lalanguyin ko. Huwaaa. Pero competitors? Baka mga try-outers lang. Psh. Mga exaggerated din sila e.

Lumapit sakin si Shawn at hinablot yung gears ko at saka nya isinuot sa akin.

"Ayan. Good luck Yna." At kiniss na naman nya ako sa forehead. Sanay na ako sa kasweetan nya. We used to do this before when we're five. Naging bestfriend ko lang naman sila Shane at Shaina nung intermediate na ako back when i was elementary.

Love Being HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon