Love Being Hate - 13

7 4 0
                                    

"Shawn." Bati ko. Ang awkward! Grabe.

"Uh, Cj, I think I need to go," Paalam ni Miko, at napatango na lamang ako.

Ang init! Pero grabe airconditioned itong unit ko. Tapos may kung anong nagpapabaliktad din ang sikmura ko at pakiramdam ko ay maduduwal ako.

"U-uh, fine. See you next time, Miko." Paalam ko sa kanya.

After Miko leaved my unit, umulan na ng mga tanong galing kay Shawn.

"What's that?" He asked coldly, and it made me more sad.

"What?" I asked as I raised my brow.

"Yeah right, you're too dumb and too dense." He said.

"Shut up! I'm not!" Sigaw ko, at natawa para lamang mabawasan ang awkwardness na nadarama.

"Wala lang 'yon, okay?" Sabi ko, "Kung makapagliwanag parang obligado ah? Girlfriend, girlfriend?" Bulong ko.

"What? Come again?" Sabi ni Shawn while arching his left brow. And holy tacos the light brown eyes of his is piercing on my eyes.

"Nothing, Bakulaw. I just said, I'm so hot, okay?" And I just laugh, cause I don't think he'll talk back. Yaaaaaa.

"So, anong nangyari kanina?" Sabi ko na nakapagpadilim ng aura niya.

Mukhang wala siyang balak magsalita, kaya inunahan ko na siya, "Don't mind that."

Napa buntonghininga siya, at saka nagsalita, "She's always like that, she's rising the hell up again." Sabi niya saka niya ginulo ang buhok niya.

I know, that 'she' is Shaina. Yeah, Shawn's right, she's adding fuel to the fire. Pinapalaki ang issue. I don't know how the fuck I've been friends with her. No scratch that, being bestfriend with her, when her attitude is so so trashy, unlike me, classified as classy.

"Fine, let her rise the hell up again. Payo ko lang, Shawn. If she's rising the hell up again, then why didn't you leave her?" Tanong ko.

Bago pa muna ako makarinig ng sagot mula sa kanya, marami pa siyang sinabing malulutong na mura, and damn! He's pissed. Fucking pissed.

"If. I. Can. Only." Mariin niyang pagkakasabi at pumungay ang kanyang mga mata.

"Naku, wag mo munang problemahin yan, Shawn. Mabuti pa, mag-usap nalang muna tayo." Sabi ko sa kanya.

Kinuha ko ang remote ng AC ng unit ko, at lalo pang binabaan ang temperatura ng unit para lumamig.

Stress na stress si Shawn e. Poor Shawn.

"Back to our topic, Bakit nandidito si Miko?" Pangungulit niya. Kulit.

"Ba't ba ang kulit mo? Haay. Nagulat nalang din ako na nakaupo na siya sa kama, tapos sinusuklay niya yung buhok ko gamit yung mga daliri niya, kaya nagising ako. Tapos nagkausap kami, naglabas ng feels, tapos ayun nagyakapan kami, signaling that, okay na kami." But we still, don't have our closure yet about our left bussiness.

"Ahh. Ganoon pala." Sabi niya, pero kapag kasi maikli yung mga tugon niya, alam kong bad trip siya, as in.

Naupo ako, "Shawn, alam mo bang nakita ko yung kapatid ni Miko na matagal nang nawawala. Si Chloe Wesley."

"Oh? Then that's good." Sabi niya na para bang wala siyang pakialam. Nakatutok lang ang pansin niya sa tv, na knowledge channel, as if naman na super interesting ng mga palabas don. Ano ba siya, bata?

"Boring. Tulog muna ako, Shawn." Sabi ko at humiga sa kama. Aaahhh.

"Would you mind if I join you?" Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko 'yon.

Ano? Tatabi sakin si Shawn? Matutulog siya sa kama? Magtatabi kami?

"A-ah ano, kasi..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi himiga na siya sa kama at prenteng nakahiga at kinuha pa ang kumot ko.

Napabuntong hininga ako, "Nako. Kahit kailan talaga." Sabi ko at napangiti.

Natulog na din ako sa tabi niya.

**

Nagising ako dahil sa bangong naamoy ko! Haah.

Napabangon ako sa kama ko, at sabog pa ang mahaba kong buhok. Tumungo akong kusina at nakitang naghahahain na si Shawn ng pagkain sa mesa.

"Wow. Ang bango ah. Siguro masarap yan?" Ani ko at ngumiti naman siya na para bang nahihiya.

Nagkamot siya ng batok,"Dapat gigisingin palang kita eh." Aniya at sumampa naman ako sa likod niya and at the same time, parang niyakap ko na rin siya in a funny way.

"Hmmm! Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko! Ikaw ba, Bakulaw, naseswertehan ka ba sakin?" Nakangiti kong sambit. He's still my bestfriend. I thought, may nagbago na sa pakikitunguhan namin, pero wala. We're still, having fun, sweet, and caring to each other. Excluding keeping secret nga lang.

"Hindi." Aniya at nagpout naman ako. Sige babawain ko na din ang sinabi ko!

"Edi hindi na din ako--!"

"Kasi sobra pang swerte ang meron ka sakin. Daig pa ang manalo sa lottery. But of course, I don't need to win a lottery, cause my family's kinda rich." Aniya at tumawa.

"Love you bakulaw ko." Sabi ko sa kanya at umupo na sa upuan.

Kumain ako ng kumain, at hindi ko pinakinggan ang pagkwento niya tungkol sa pagkahilig niya sa manga.

(*Manga, a comic japanese stories*)

Pakealam ko sa Manga. Sana kung prutas yung tinutukoy niya, baka makinig pa ako, kaso hindi so no thanks. At kinain ang pagkain hinain niya.

Napatingin naman ako sa orasan, 8 o'clock na pala.

"Nood tayo?" Ani Shawn, na prenteng nakahiga sa kama. Samantalang ako, nakaupo lang dito sa sofa. Parang baliktad ata.

"Ng ano na naman?" Sabi ko sa pagtataray na tono.

"Ng horror movies." Aniya at ngumiti ng nakakaloko. Ha! Di niya ako maloloko.

"Sorry ka nalang, wala po akong dvd's ng mga horror movie. Bleeh." At ako naman ang ngumiti ng nakakaloko.

"Ha! I'm prepared for this." Aniya at naglabas ng mga dvd's at nakita ko naman sa pabalat nito ang mga creepy covers.

So overnight talaga ang trip niya dito?

"Fine. But ikaw ang mag-ayos!" Ani ko sa kanya.

"Why me?" Aniya. Aba't! Pinagtaasan ko nga ng kilay.

"Bakit, sino ba ang nag-aya? Ako ba? Sino na ang nagprisinta? Ako ba? Sino ba ang nagdala? Ako ba? Diba ikaw!" Ani ko at tinalikuran siya.

"Fine." Aniya at nagsimula ng ayusin ang mga connectors ng dvd reader at ng tv. Ang cute niya lang mag-ayos. Kasi parang bata siyang nagmamaktol. Eh ang kaso di na siya bata. And as if naman nanonood ako ng nga movie from dvd's.

I prefer watching in cinema, than watching here, alone in my unit.

Cause if you're in cinema, even you didn't know who's people were around you with, there is still a person you are together. Unlike kapag dito lang, ang gloomy. Masyadong malungkot. So no way nalang.

Natapos na siya sa pag-aayos at dumiretso sa ref at kumuha ng makakain.

Umupo na siya sa tabi ko at inilapag ang pagkain sa mesa.

Napasulyap naman ako sa kanya, ng matagal..

Nako, for sure isa ito sa mga mamimiss ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Being HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon