Love Being Hate -10

7 4 0
                                    

Hindi nagtagal at dumating narin ang opening ng Intramurals. So as what i'm expecting, maligaliw ang mga students kase walang classes-- well except for me i'm not that happy.

Monday ngayon, ngayon din yung laro ng Basketball, at nang Badminton. May mga booths din na nagkalat sa field ng Kiruin, pero nakafocus yung theme ng nga booths sa sportsfest. So marami ring nagkalat na mga students, at masayang naglalaro sa mga booths.

"Yna, nakabili ka na ba nang mga pageant stuffs mo?" Pangungulit ni Dave. Well di ko mahagilap si Bakulaw siguro kasama nya si Shaina. At nakiki-'yna' narin sya. Susme. Minsan talaga iisipin kong may crush saken 'to. Pero kapag inisip ko naman yon, ang taas naman ng confidence ko noh? haha.

"Actually, hindi pa nga eh."

"Ha?! Eh sa Friday na 'yon, ha?" Biglang sigaw nya sakin, at nagulantang naman ang buong pagkatao ko susme.

"Ha?! Eh ikaw nga hanggang ngayon eh katabi ko parin samantalang malapit na magsimula game nyo." Note my sarcasm. Tss.

"A-ah h-hehe.. Iba naman 'yon, Yna!"

"Anong naiba dun? Tss."

"Ano kaya after nang game ko, samahan kita mamili?"

"Hmm, sige."

Is it me or his eyes twinkle? Argh. Overthinking na naman ako.

**

Naiinip na akong matapos na yung laro nila Dave. Psh, bakit ba kase kelangan pang lumaban nung mga kalaban nila eh, halata na namang talo na sila. Si Dave palang kaya na silang lahat, eh nandyan pa si Shane, asan ang hustisya?

BZZZZZZZZZZZZTTTT! CLASS 3-1 WON!

Yey! Tapos narin yung game nila, and as what i'm expecting panalo silaaaaa. Yay!

Agad akong tumayo, sa pagkakaupo ko sa bleachers, at nilapitan si Dave.

"Congrats!" Masayang bati ko sa kanya.

"Hehe, thankyou! Shower muna ako. Hintayin mo ko ah?"

"Oo na. Bilis!" At tinulak sya. Haha.

"Wala ngayon si Shawn, si Dave naman?" Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino nagsabi nun.

"Shane.."

"Tch."

Problema nun? Tss. Pake ko sa kanya. Bahala sya kung ano ang isipin nya sakin. Tutal, hindi narin naman magbabago ang masamang tingin nya sakin hindi ba? It's his choice, not mine.

Minutes later, bumalik narin si Dave.

"Lets go?" Tumango naman ako sa kanya, at saka sumakay ng kotse nya, naiwan na naman ang Purple Kiss ko!

***

"Eto bagay sayo Yna!" Sabay abot nya sakin nung dalawang gown. Pa-heart shape yung tube, laces na teal and cream. Yung isa naman nyang inabot eh, black sya na bagsak ang tela gamuza sya kaya masyadong attractive, at pa heart shape din yung pagka-tube nya.

"Hmm."

"Ayan ang isuot mo sa dalawang Q&A."

"Okay."

Maya maya pa ay namili pa kami.

"Yna! Diba Basketball ang favorite mong sports right?"

"Yup, why?"

"Basketball nalang kaya ang pang-isports mo?"

"Sige." Meron syang piniling skinny, shiny na color maroon na pangbasketball. May blacklaces sya sa edges. Yung pang-ibaba naman ay ganun din, kaso shorts. Ang panget naman daw kase kung mag le-leggings nalang ako ng black. Kaya partner ang pinili nya.

Love Being HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon