Birthday Part I

2.2K 36 0
                                        

Chapter 15 🧚

Aaron's POV

Haaay! Birthday ko ba talaga ngayon? Bakit parang wala namang bumabati sakin? :3

Tingin sa FB...

.................................. Log Out ....

Waaaaaaah! Anong oras na, wala paring bumabati sakin huhu...

Nasaan na ba si Mei? Pati yung kambal, kanina pa ako dinadaanan pero hindi parin ako binabati. Di tulad ng dati na ginigising nila ako sa pagsigaw-sigaw haaay...

10:00 AM na... naka-upo lang ako sa sofa at nanonood ng Noragami...

"Oh! Aaron, ang aga mo atang nagising?"

"10 na Mei! Tanghali na kaya!"

"Ba't ka galit?"

"W-wala, eh sa tanghali na kaya tapos sasabihin mong maaga pa"

"Haha! Sorry na"

"Tsk" nagawa pa talaga niyang tumawa... Haaay...

Wait... Bakit ba ang tense ko ngayon? Haist, hayaan mo na nga. Wala namang pake-alam yung magulang ko eh, kaya parang wala lang rin yung birthday ko ngayon...

Mei's POV

Natatawa nalang ako kay Aaron... Wahahahahahahahaha! Woooh! Grabe! Hehe...

Kanina pa talaga ako gising kaso itong si Erika, pinipilit akong papuntahin sa bahay nila eh sa ayoko talagang pumunta dahil baka kagatin nanaman ako nang aso nila...

Pagkababa ko ay nakita ko si Aaron na nanonood ng Noragami at agad ko siyang nilapitan...

"Oh! Aaron, ang aga mo atang nagising?" Pang aasar ko

"10 na Mei! Tangahali na kaya!" Ay nagalit ata

"Ba't ka galit?"

"W-wala, eh sa tanghali na kaya tapos sasabihin mong maaga pa"

"Haha! Sorry na"

"Tsk" haha! Nabadtrip ko siguro

Pagkatapos ko siyang kausapin ay dumiretso na ako sa banyo para maligo at makapunta sa bahay ni Erika... Sabi niya kasi ay gagawa daw kami ng regalo para kay Aaron... Homemade pa talaga, eh sa wala akong maisip na iregalo

After kong maligo ay dumiretso na ako sa kwarto ko habang busy si Aaron sa paglalaro sa tablet niya...

Pagkapasok ko palang sa kwarto ko ay agad na tumawag ulit sakin si Erika

AKO: OH, BAKIT NANAMAN?

ERIKA: BAKIT BA ANG TAGAL MO HUH?!

AKO: WAIT LANG DIBA?! MAMAYA PA KASI YUNG PARTY KUNG MAKA ANO KA DIYAN

ERIKA: HAIST! BILISAN MO NA! BYE

*toot*

Bwisit na Erika yun -_____-

Naghahanda na siguro dun sa venue kung saan gaganapin ang Birthday ni Aaron

Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako at nakita ko si Aaron na naglalaro parin kaya hindi na ako nagpaalam uma—

"Hoy babae!"

"Oh, bakit?"

"Saan ka pupunta?"

"Sa labas"

"Malamang!"

"Oh? Ba't ang init ng ulo mo?"

"Haaay, common sense naman Mei! COMMON SENSE"

Maid for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon