Maid Life

5.4K 97 3
                                    

Chapter 3 💢

Nasa Park na ako ngayon, naka-upo sa bench, tahimik lang dito at nakikita mo yung mga batang naglalaro. Ang saya nila tignan, gusto ko sana maglaro kaso baka sabihin isip bata ako :3

Kaya sa ngayon, nag-dodoodle lang ako sa notebook ko at naka salpak ang earphone sa tenga ko, tamang soundtrip lang ...

* Tin ti ri ru rung *

Haha ang ano nang ringtone ko XD

Eh? May tumatawag sakin?

AKO: WHO YOU?

SIYA: ANONG WHO YOU?!

Aray naman kung maka-sigaw!

Hindi ko pa kasi na sesave ang number niya kaya malay ko ba na siya yun =___=

AKO: KUNG MAKA-SIGAW KA WAGAS

AARON: NASAAN KA BA HUH?!

AKO: SECRET

AARON: WHAT THE... HOY! SUNDUIN MO NA YUNG KAMBAL!

AKO: SAAN BA YUNG ENTRANCE NG SCHOOL NILA HA?!

AARON: MALAMANG SA SCHOOL NATIN!

AKO: BAKA KASI MAGKAIBA ANG LABASAN NG ELEM AT HIGH SCHOOL!

AARON: TSK... ALAM MO NAMAN PALA KUNG SAAN EH, THREE (3) NA SUNDUIN MO NA BYE!

*Toot toot*

Ang sakit sa tenga ha, bwisit...

Ang tino sumagot, nakakabanas, sarap sipain, nakaka-beast mode!

So pumunta na nga ako sa entrance ng elem para mag-antay kay Aya at... Hindi ko pa pala nakikilala yung kakambal niya...

Habang nag-aantay...

Hmmm... Parang siya yung nakabunggo sakin kanina ah...

Haist... Hayaan na nga, wala akong pake sa kanya

After ilang minutes, hindi parin lumalabas sa gate sila Aya at nandun padin yung lalaki...

"Yo"

"Ay palaka" Grabe naman 'to nanggugulat =____=

"Wow! palaka? Ansama"

"Sorry naman, tsaka sino ka ba ha?"

"Haist... nakalimutan mo na agad ako?"

"Tatanungin ba kita kung hindi kita nakalimutan?" Wahaha! Maasar nga muna

"Awts ang sakit ha, grabe"

"Haha! Joke lang, 'to naman, malamang! Di pa nga kita kilala eh"

"Ahhh, akala ko naman... Ako nga pala si Lawliet James, you can call me Law" (J: Yung pagkakabigkas ng Law ay Lo pero pag binigkas yung Lawliet yung Law talaga)

"Ahh... I'm Mei Fernandez, you can call me Mei"

"Okay Me— MEI?!"

"Huh? Bakit ka nagulat?"

"So ikaw si Mei? Yung julalay ni Aaron?"

"Julalay talaga? Oo, pano mo nalaman? Don't tell me na alam na nang buong school na—"

"Haha! Don't worry, magkaibigan kami ni Aaron tsaka ako lang ang nakaka-alam no"

"Ahh... Buti naman, akala ko kasi end of the world na. Magkakaroon na nang World War III"

Maid for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon