Sidestory of Erika #6 💄
~~~~~~~~~
Yehey! Buti nalang pinagbigyan ako ni miss author na ipakilala ko pa ng husto ang kuya ko
Minsan lang kasi siya umuuwi kaya miss na miss ko talaga siya :'(
Kaya nga ang saya ko ngayon eh kasi....
Mamamasyal kami ni kuya!!!
Wooooh!
Sabi niya libre niya daw ako sa McDo eh 😂😂
Ay nga pala
Ikukwento ko sa inyo ang buong detalye tungkol kay kuya
Kahit ganyan yan, lab na lab ko yan kahit na...
Bakla siya
Wahahahaha! Tama nga ang nabasa niyo
Nung grade school palang ako at 3rd year high palang si kuya ay close na close na kami
Sa Tokyo academy rin siya nag-aaral nun, kaming dalawa.
Alam niyo ba kung bakit ko nalaman na bakla si kuya? Ganito kasi yun...
FLASHBACK
Erika Mendoza- 10 years old
Ace Mendoza-15 years old
Lalalalala~
Nag-hum ako habang naglalakad papuntang garden ng makita ko si kuya Ace
"Hi kuya Ace! Bakit ka nandito?"
(J:Childish pa jan si Erika)
"Oh panget, ba't ka nandito?"
"At sino ang panget?!"
"Ikaw"
"La? Sapakin kita diyan eh"
"Haha! Joke lang ito naman"
"Kuya, bakit ka nga nandito?"
"Ah w-wala lang, may naaalala lang ako hehe" -with matching kilig pa niyan si kuya, nakahigop ba ng sinigang 'to kaya asim na asim at kung makagalaw naman yung katawan niya parang uod
"Aha! May crush ka kuya no?"
"Hala! Pano mo nalaman?"
"Halata kaya kuya"
"Halata ba? Hehe" -aba nagsimula nanamang kiligin, natamaan na *facepalm*
~~~~~~~~
Naglalakad ako papuntang cafeteria ng makita ko siyang may kinakausap na lalaki, kasing tangkad lang din ni kuya
Matangkad kaya si kuya :3 sobrang tangkad
May napansin akong kakaiba kay kuya ng magsalita yung lalaking kasama niya
Malinaw kaya yung mata ko kaya nakikita ko sila kahit malayo
Ilang saglit lang ay napansin ko kay kuya ang pagkamula ng pisngi niya
Hala! Di kaya may lagnat si kuya?
Tsaka kung makangiti wagas
After nila mag-usap ay mag-isa nalang si kuya
Nakaharap siya sa direksyon ko pero di niya pa ako napapansin at ayun
Ngumiti hanggang tenga 😑
Napakamot ulo nalang ako
Bakit nagkakaganun si kuya?
Hala! Di kaya...
"Hoy, anong ginagawa mo dito?" -seryosong sabi ni kuya

BINABASA MO ANG
Maid for Hire
Fiksi RemajaIsa lamang akong babae na iniwan ng magulang nung bata palang ako, Nakatira kasama ang tita at pinsan ko, tinutulungan nila ako makapag-aral Pero... Kailangan ko ring sumikap at mag-ipon ng pera Pero paano ? I am Mei Fernandez And this is my story M...