It's Official

2.2K 31 1
                                        

Yudai Chiba as Mizuki Sinichi ^___^

Chapter 18 🍜

Mei's POV

Kausapin ko na kaya si Aaron? Alam na ba nila tungkol sa relasyon namin ni Law? Waaaaaah! Huhu...

"Oh Mei, problema mo?"

"Huhu, Erika~"

"Bakit?"

"Kami na ni Law" sabay yuko ko... Nasa classroom kami ngayon at wala kaming teacher... Naka-upo lang ako sa seat ko pati rin si Erika, magkatabi kasi kami...

"Eh?"

"*Sigh* sa tingin mo tama ba yung disisyon ko?"

"Oo naman 'no! Bongga! Hindi ka na NBSB! Binabati kita Mei"

"Haaay! Labas kaya tayo? Tutal recess na pagkatapos nitong subject eh, wala naman si ma'am"

"Ah, sige-sige" Pumunta na kami sa canteen para makapagrecess

Naupo kami sa lamesa, buti wala pang masyadong tao... Sila Law siguro may teacher pa, haist! Ganito pala yung feeling na magkaroon ng boyfriend 'no? Parang lahat ng atensiyon mo nasa kanya pero hindi ako katulad ng iba na iniisip nalang palagi ang boyfriend kesa sa pag-aaral...

"Oh Mei, ang tahimik mo ata? Iniisip mo si Aa— I mean, Law 'no?"

"Huh?"

"Hehe ^_____^"

"Haaay, sabagay wala ka pa kasing boyfriend eh"

"Wow ha! Huhu, ang sama mo na Mei porket may boyfriend ka na hindi mo kasi alam ang nararamdaman ng isang NBSB!"

"Ang drama mo eh kayo na nga ni Ethan"

"Hindi kami 'no, tsaka hindi counted ang fake relationship namin"

"Bakit kasi hindi nalang totohanin ang lahat?"

"Mei, ayokong marinig kang maghuhugot nakakapanibago"

"Tsk... Ikaw lang kaya yung nanghuhugot diyan"

"Nga pala Mei, mahal mo ba si Law?"

"Oo naman, hindi ko siya magiging boyfriend kung hindi ko siya mahal"

"Oo nga naman. Pero, alam na ba ni Aaron?"

"Hindi"

"Eh?!"

"Bakit naman?"

"Ah w-wala"

"Ang tagal naman nila lumabas eh madami ng tao dito oh"

"Ano ka ba, ayun na sila oh!" Turo ni Erika sa di kalayuan

"Hi Mei" sabay ngiti sakin ni Law

"H-hi"

"Oh, nandito na pala kayo eh" sabi naman ni Aaron

"Hoy Mei, namumula ka kaya" bulong sakin ni Erika

"Eh?" Tapos tumango-tango naman si Erika...

"Bakit Mei?" tanong sakin ni Law

"Ah w-wala yun, hehe"

"Oh Mei, buti naman at nakakapagsalita ka na"

"Ahh, ikaw pala Aaron" sabay yuko ko

"Don't worry, hindi ako galit and I know the reason why you left in my birthday, its not because of the song 'Life of the Party' but because of Mizuki Sinichi, right?"

Maid for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon