The Day We BROKE UP

30 0 0
                                    

Napangiti ako nang makita kong bumukas ang pinto nang bahay nila. Sa wakas! Medyo giniginaw na kasi ako dito sa labas dahil basa na ako sa lakas ng ulan.

"Hon, please talk to me." sana kausapin na niya ako.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, tapos na tayo. Hanggang dito nalang ang relasyon natin, Kyle. Nasasakal na ako sayo. Hindi na kita mahal. Kaya nagmamakaawa ako sayo umalis ka na." No. I can't accept that.

"Ah H-hon Okay lang kung hindi ka pa ready makipag-usap sa akin. Ayaw mo ba akong makita ngayon? Sige, sa ibang araw nalang ako babali-"

"TAMA NA KYLE! Tanga ka ba!? Alin ba sa mga sinabi ko ang hindi mo ma-gets?! AYOKO NA! Hindi mo ba alam, all this time niloloko lang kita. Si Aelo talaga ang mahal ko. Dapat noon palang naniwala ka na sa mga sinabi sayo ni Kesh para hindi ka na nagkaka-ganito. Bobo mo rin kasi naman." Pagkatapos nyang sabihin 'yun ay mabilis siyang tumalikod at pumasok sa bahay.


3 years...

Tatlong taon ang relationship namin tapos...

Ganito nya lang itatapon. Pinahiran ko ang mga luha na kanina pa tumutulo sa aking mga mata. Parang walang katapusan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magwala pero di ko magawa.

"haha ang sakit pala." natatawang bulong ko sa aking sarili.

Matagal niya na ba akong niloloko? At big time! Sa bestfriend ko pa talaga nya ako pinagpalit.

Akala ko malapit lang talaga sila sa isa't-isa dahil nga bestfriend ko si Aelo at Girlfriend ko sya pero behind my back pala eto na ang nangyayari.


Tumingin ako sa madilim na kalangitan. Ang Lakas pa rin ng ulan. Kahit panahon malungkot din sa kalagayan ko ngayon.

Tang*na! Hindi ko talaga maisip na magagawa nya sa akin ito!

Sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa bintana nang kanyang kwarto, umaasang nakatanaw sya doon at babawiin ang mga sinabi niya kanina. Pero wala... Hanggang dito nalang talaga.

Kaagad akong sumakay sa aking kotse at pinaandar iyon palayo sa babaeng pinaka minahal ko nang ganito. P*ta! Talaga.

Lyn's POV

Nakatingin lang ako mula sa bintana habang unti-unting lumalayo ang kanyang Kotse. Hindi ko man gusto ang lahat ng nangyayari pero wala naman akong pagpipilian.

Marahas kong pinunasan ang aking mga luha. Alam kong sobra-sobra ko syang nasaktan.

"Anak, Nagkaayos na ba kayo nang boyfriend mo?" agad akong lumingon kay inay. Nilapitan ko 'to at mahigpit na niyakap.

"Nay, nasaktan ko po sya. Hindi ko po alam kung mapapatawad nya pa ako." umiiyak na sabi ko kay inay.

Hindi nagsalita si inay bagkus ay niyakap niya nalang ako pabalik habang hinahagod ang likod ko.

---

Tatlong araw na akong hindi pumapasok sa trabaho. Natatakot ako. Sino ba namang hindi? Boss ko sya at di naman pwedeng hindi kami magkikita. Mag-file nalang kaya ako nang resignation letter. Pero kasi-Ah! Bahala na.

"Nay! Alis na po ako." Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng bahay.

"Ingat ka anak!" pahabol sa sigaw ni inay.


Kami nalang ni inay ang magkasama. Matagal nang pumanaw si itay kaya ako nalang ang nagtatrabaho para sa aming dalawa. Ayoko namang pagtrabahuhin pa si inay. Responsibilidad ko na rin 'yun bilang anak.

Naglakad na ako papunta sa kalsada. Medyo malayo kasi ang bahay namin. Kinuha ko ang aking cellphone at in-on. Three days ko 'tong in-off dahil ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Medyo namamaga pa nga ang aking mata dahil halos araw-araw akong umiiyak. Ginusto ko naman 'to kaya kailangan kong panindigan. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Kamusta na kaya sya? Tanga lang Lyn. Syempre! Hindi okay. Nasaktang'yung tao dahil sayo.

Binasa ko 'yung mga message sa akin. Karamihan doon ay galing kay Aelo, May ilan kay Ate Jean at kay Glen.

From: Ate Jean
Hoy! Girl, Okay ka lang ba? Bakit hindi ka pumasok?

From: Aelo
I'm worried. Are you okay?
Do you want me to come to you?

Alam kong kahit nag-aalala sya ay hindi nya ako pupuntahan that time kasi nasabi ko naman sa kanya na gusto ko muna mapag-isa.

From: Glen
Lyn, magrreport ka this Thursday. Pumasok ka huh.

Napapalo ako sa aking ulo. Hayys! Muntik ko nang makalimutan.

From: Ate Jean
May nangyari ba? Absent din 'yung boyfriend mo.

Boyfriend? Hindi na kami. Pero hindi din sya pumasok? Nasaan kaya sya. Binasa ko pa ang ilan pang message. May isang message doon ang galing sa unknown number. Tumulo ang luha ko nang mabasa ko iyon.

From: 0916********
Minahal lang talaga kita. Hindi ko alam na ganito pala kasakit.

Parang may tumutusok sa aking puso. Bakit ba kailangan pang mangyari sa kanya ito? Sa amin? Sadyang mapaglaro lang ang tadhana. Hindi kami bagay. Sinaktan ko sya. He doesn't deserve me. May mahahanap pa siyang mas bagay sa kanya. 'yung mamahalin sya nang buong-buo. 'yung hindi sya masasaktan at ipagmamalaki nang mga magulang nya na bagay sa anak nila...

Flashback

"Hon, this Friday I want to introduce you to my family." Masiglang sabi ni Kyle sa akin. Tumingin ako sa kanya na tila hindi makapaniwala sa kanyang sinasabi.

"H-huh? Ako?" nauutal na tanong ko dito. Syempre! Ako yun. Pero hindi pa ako handa. "Kinakabahan ako kyle."

Tsaka Second year college palang kami. Parehas pati kaming 17 palang. Hindi ba parang ang bata pa namin. (Meet the parents lang naman Lyn!) eh! Kahit na. Pati wala pa ngang one year ang relationship naming. Kinakabahan talaga ako. Knowing Kyle, gusto nya sya masusunod.

"Basta, ipapakilala na kita sa family ko. Just be yourself. I'm sure magugustuhan ka nila." Kampanteng sabi nito sa akin at inakbayan ako. Paano sya nakakasiguro?! "Besides ang daya mo! Kilala na ako ni inay tapos ikaw hindi ka pa kilala nang family ko sa personal although lagi kitang kinukwento sa kanila. Maganda pa rin na makita ka nila."

"pero-"

"No more Buts. This Friday it is. Sunduin kita sa bahay niyo." Hindi ka na talaga makakahindi sa isang ito kaya tumango nalang ako. "Tara nga! Kain muna tayo, libre mo ko hon."

Haha ayan ang gusto ko sa kanya. Hilig kumain hindi naman tumataba at napaka ganda pa rin ng katawan. Pero syempre kahit nagpapalibre yan hindi naman ako pagbabayarin kasi sya na mauunang magbayad. Pero minsan ayoko nun. Ayokong isipin nang iba na pera lang ang habol ko sa kanya. Dahil para sa akin, kahit wala sya nang lahat ng meron sya ngayon.... Siya pa rin 'yung Kyle na mamahalin ko.

*** tbc.

Sana po subaybayan niyo itong story ko :)

The Day We BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon