Day 4

5 0 0
                                    

Napa-aga ang UD. Salamat sa nag-intay. Kung meron man hahaha

+++
Cont.

"You don't have to do this, Kyle." There's no way he will give up his dreams for me!

"NO. It's final, hon. Ayoko namang pag-awayan pa natin 'to. Please, I wan't this." He said and then hugged me.

"Pero di ba kasi pangarap mo 'yun?" I said.

After graduation ay may nag-offer sa kanila na talent agency dahil unti-unti ng sumisikat ang ALOOF (the dance group he and his friends built) and they will be having a world tour for their group's promotion and debut, internationally. Tapos sasabihin nya sa akin na he don't want to get involve?!

"You're more important to me now. Hon, please! I don't want to be far from you. The hell! It's two year tour and imagining that I will never see you in that long, It will surely gonna break my heart." Napakagat nalang ako nang labi. Ginagawa nya na naman ito para sa akin. " I'm going to tell our manager maybe tomorrow that I'm gonna leave the group."

I looked at his eyes. And He's serious about what he said. Hindi ko na napigilan at naluha na ako. I can't believe that he is doing this for me, again. Ganito nya ba talaga ako kamahal at hindi nya hahayaang malayo sa akin.

"I love you, Kyle Sean Zhang." I hugged him back and slowly kissed him in the lips. Wala na akong magagawa kung ito ang magiging desisyon nya. Si Kyle yan. Nakakalungkot pa ring isipin na pinagpalit nya ang career nya para sa akin. Knowing It's a big opportunity for him. Pero a part of me is happy in the thought that he will never leave my side no matter what happens.

"I love you, Lyn Santos and soon to be Mrs. Zhang. I do Love you, Hon, more than anyone in this world. Please, Don't leave me." He said between our kisses.

"I won't, never."



--



But Promises are meant to be broken.

Walang permante sa mundo. Everything... Everyone change. That's our fate. It's my fate.

Sumakay na ako sa taxi na huminto sa harapan ko.

It's been three weeks since I last saw him. Sinabi din sa akin ni Ate Jean na si Kyl-Sir Kyle ang nagdala sa akin sa hospital. Alalang-alala daw ito at paulit-ulit na sinisisi ang sarili nya. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang saya ko nang malaman ko ito. Nag-aalala pa rin pala sya sa akin? Ilang araw ko na ding pinag-iisipan, I deserve to be happy, He deserve to be happy. Should I tell him my real reason?

Pero iniisip ko, baka magkagalit lang sila at hindi ko hahayaang mangyari 'yun. Bahala na. Kailangan kong sabihin sa kanya ang lahat maiintindihan niya naman kung bakit ko nagawa sa kanya 'yun.

I still Love him. Naduwag nga siguro ako noong una pero this time I will do the right thing.

Sa mga nakaraang araw laging nagpupunta si Aelo sa bahay. Pero sinabi ko na rin naman sa kanya na hindi nya na kailangang gawin 'yun kasi okay lang naman ako. Kaagad din naman akong nakalabas noong araw na na-Hospital ako at napilitang magpahinga nang isang Linggo.

Si Aelo. There's nothing going on between us. Hindi naging kami. It's true that I love him... but as a friend. Sya ang may alam lahat ng mga pinagdadaanan ko.


Bumaba na ako sa taxi at pumasok na nang building.

Nandito na kaya sya? In the past two weeks hindi ko pa sya nakitang pumasok ng opisina. Gustong-gusto ko na syang maka-usap at sabihin ang lahat. I texted him hoping that he would reply but there's none. I guess he change his number. Pinuntahan ko din ang condo nya pero sabi nang guard doon ay hindi daw nila nakikitang umuwi doon si Kyle.

"Lyn, tingnan mo nga itong documents. Tell me If there's something wrong" bungad sa akin ni Glen.

Kinuha ko ito sa kanya at ipinatong sa table ko.

"Okay, bigay ko nalang sayo mamaya." I told her.

"Ah. Sya nga pala Lyn. Balita ko padating na si Mr. Zhang from Singapore." She said. "Alam nya na ba na wala na kayo nang unico-hijo nya?"

Umiling lang ako dito.

Dadating na pala siya. Lagi kasi syang kasama sa mga conference ni Mr. Zhang and this time mahigit 1 month na silang wala.

"haiss. Ang complicated naman ng buhay mo teh. Oh sya balik na ako dun." Nagpaalam na ito sa akin.



Hapon ko na din noong natapos ang report. Medyo nakakapagod ang araw na ito at nakakalungkot. Kasi lumipas na naman ang araw na hindi ko sya nakikita. Asan na kayo yun?


"Lyn! Tara kain tayo sa labas." Aya sa akin ni Ate Dessa, head ng HR department. Marami itong kasama ang ilan ay galing dito sa Dept. namin. "Birthday ko, My Treat."

"Huh? Naku! Next time nalang po." Pagtanggi ko dito. Hindi naman sa hindi ako marunong makisama pero hindi lang talaga ako ka-close ng ilan sa staff nila. Ewan ko ba pero lagi nalang ang init ng ulo sa akin ng ilan sa mga ito.

Nakita kong patakbong papunta sa amin si Ate Jean.

"Oy! Sama ako." Tumingin ito sa akin. "Girl, sumama ka na! Kasama naman ako eh."

"OO na yan. Dali na. Halika na." napangiti nalang ako. Mukhang hindi na ako makaka-hindi pa sa kanila.

"Sige po." Kinuha ko na ang mga gamit ko at sumama na sa kanila.

Hindi ko maiwasang manliit sa mga bulong-bulungan sa paligid ko.

"Napaka pa-importante."

"Kung alam ko lang sasama yan. Di na sana ako sumama."

"Ako din, teh."

"Mukhang di na natin mae-enjoy."

"Makapag-back out na kaya?"

"H'wag na hayaan na natin."

Lumapit sa akin si Ate Jean at binulungan ako.

"Huwag ka nang magpaapekto, girl. Tara na." Inakbayan ako nito at magkasabay kaming naglakad palabas ng building.

Masasanay rin siguro ako.

--

"Bakit sa Bar tayo pumunta?!" angal ni Ate Jean. "Akala ko ba kakain tayo, meaning sa restaurant."

"Dito daw nila gusto ii. Tsaka may pagkain din naman dito." Paliwanag ni Ate Dessa.

First time kong makakapasok ng Bar ngayon. Gusto ko na nga ding umuwi katulad ni Ate Jean pero hayaan na nandito na. Sayang naman ang pamasahe.

Napilit din nila si Ate Jean na h'wag ng umuwi kaya isa-isa na silang pumasok ng Bar. Papasok na rin sana ako nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likod kaya agad akong napalingon.

"Yow! Lyn, Long time no see."
**

The Day We BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon