Day 5

8 0 0
                                    

+++
Cont.

"Yow! Lyn, Long time no see." Si Ravin! Ang tagal ko na ring hindi nakikita ang isang ito, dating ka-member sya ni Kyle (noong hindi pa sya umalis nang grupo) sa ALOOF.

8 silang member ng grupo. Si Kyle, Ravin, JB, Gian, Kev, Ryuu, Ren at Aelo . Magkapatid si Ravin at JB. Mas matanda nga lang ng isang taon itong si Ravin. Leader naman nila si... Kyle. Pero simula nang umalis sya ay ipinasa nya na ang posisyon nya kay Kev. Si Ryuu at Ren naman ay mag-pinsan. Hindi ko alam kung bakit pero noong umalis si Kyle ay nag-quit din si Ae. Sabi niya lang ay lagi daw dapat magkasama ang mag-bestfriend. Napangiti nalang ako nang mapait. Bestfriend sila pero dahil sa akin, nasira ang pagkakaibigan nila. Kaya Six nalang silang members ng grupo at sa next week ay sisimulan na nila ang world tour promotion and debut nila. Dahil dito kaya umalis si Kyle sa grupo... para hindi mahiwalay sa akin.

"hehe sorry hindi na ako nakakappunta sa practice place niyo. Medyo nagig busy kasi ako." Lumapit ito sa akin at nagsalita.

"Bakit ba kayo naghiwalay?" napako ako sa aking kinatatayuan. Alam niya na wala na kami? "Don't give me that look, Lyn. We already knew about you and Sean."

Sean. That's his second name and also his stage name.

"Hindi ko pa masasabi ngayon." Gusto ko mang sabihin sa kaniya pero kailangan ko munang maka-usap si Kyle. "Nakita mo ba si Kyle, Ravi?" I asked him.

Nakita kong nagulat ito sa tinanong ko at bakas sa mukha niya ang kaba. Bakit sya kinakabahan?

"Ah! Lyn, Bakit ka nga pala nandito? Tara hatid na kita pauwi." Pag-iba nito nang topic. Parang iniiwasan nito ang tanong ko.

"Alam mo ba kung nasaan sya? Please Ravin, I want to talk to him." Paki-usap ko dito.

"H-hindi, Hindi ko alam. Tara na nga." Kinuha nito ang kamay ko at hinila ako papuntang Parking Lot. "Di ba hindi ka naman nagpupuntang Bar. Bakit nandito ka?"

Pakiramdam ko talaga may itinatago sya sa akin.

"Nasa loob 'yung mga katrabaho ko. Baka hanapin nila ako." Hihilahin ko n asana ang kamay ko nang hinigpitan nya pa lalo ito. "Ravin, Bitiwan mo na ako."

"No." matigas nyang sabi. Akmang ipapasok nya na ako sa passenger seat ng kotse nya nang may marinig kaming ingay na nagpapako sa aking kinatatayuan. Unti-unting lumuwag ang hawak sa akin ni Ravin hanggang sa nakawala na ang aking kamay sa pagkakahawak nya. Hindi. Alam kong nagkamali lang ako nang pagkarinig ng boses. Hindi sya 'yun. Tama. Hindi sya 'yun!


Parang may sariling buhay ang mga paa ko at sinundan ang pinanggagalingan ng boses na iyon. 'yung kotse. Baka naman may kapareho lang siyang sasakyan. Bahagyang nakabukas ang pinto sa back seat kaya rinig pa rin ang tunog.

Habang papalapit ako ay mas lalong lumalakas ang ingay na nagmumula doon. At nang nakatayo na ako sa harap noon ay hindi ko na napigilan ang pagtulo nang aking mga luha habang nakatingin sa kaniya... sa kanila. Pilit kong isinisiksik sa utak ko n asana hindi sya 'yun pero...

"Lyn, tara na hatid na kita." Kinuhang muli ni Ravin ang kamay ko pero iniwas ko ito. "Sh*t! akala ko naman nasa loob sya kung alam ko lang." mahinang bulong nito.

Para akong nauubusan ng hininga. Ang sakit. Hindi ko na namalayan ang paglakas ng aking hikbi na naging dahilan para mahinto sila sa kanilang ginagawa.

Napatingin sya sa akin na waring hindi nya ako kilala. Halo-halong emosyon. Galit, pagkamuhi at ...lungkot.


"Babe, Why did you stop?" tanong sa kanya noong babae na half naked na. sinundan nito ang tingin ni Kyle kaya napalingon ito sa amin at kaagad kinuha ang kanyang damit para itapis sa katawan.

Bumangon si Kyle mula sa pagkakahiga sa back seat kaya napa-upo ang babae na nakapatong sa kanya.


"What are you doing here?" boring nitong tanong. Patuloy pa rin ang pagtulo nang aking mga luha at nang akmang sasagot na ako ay muli syang nagsalita. "...Ravin."

Bago magsalita si Ravin ay tumingin muna ito sa akin. Kinuha nito ang panyo sa bulsa at inabot sa akin.

"Dude, isuot mo nga muna 'yang damit mo!" sigaw nito. Hindi naman sya pinakinggan ni Kyle na ngayon ay walang suot na damit pantaas at gulo-gulo ang buhok. Meron din itong lipstick stain sa gilid ng labi. "Ihahatid ko lang si Lyn. Tara na nga." Aya nito sa akin.

"K-Kyle, Can we t-talk?" Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa kanya. "Please..."

"Who are you, Miss?" Parang libo-libong patalim ang tumusok sa puso ko nang sabihin ny iyon. Ramdam ko na naman ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Okay lang. Bagay lang sa akin ito.

"Hayys! Miss Ano halika nga." Kinuha ni Ravin ang kamay noong babaeng kasama ni Kyle at hinigit paalis doon... palayo sa amin. Nagpupumiglas pa ang babae pero napilitan na rin itong sumama. Tama nga ako nang hinala. Artista iyong babae. Bago pa makaalis ay lumingon si Ravin at nag-okay sign.



Lumabas si Kyle sa kotse na nakasuot na ng damit. Dumeretso ito sa driver seat at agad na pumasok doon. Papaandarin na sana nito ang kotse pero dali-dali akong pumunta dito at pinigilan ang pagsara nito.


"Kyle, please. Just give me 5 minutes to explain." I pleaded. Alam kong nasaktan ko sya nang sobra kaya mahirap pagbigyan ang hinihiling ko sa kanya. "Please Kyle, I love you." Mahinang sabi ko dito. Kinakabahan ako.



"hahahaha Love?" nanguuyam na tanong nito na parang ayaw na ayaw nyang maririnig ang salitang iyon. " DON'T FOOL ME!" hindi na nito napigilan ang pagsigaw kaya halos nag-echo ito sa buong lugar. "Bago ko pa makalimutan na babae ka, lumayo ka na. I don't want to talk to some schlub."



Pagkasabi nya nito ay kaagad nyang pinaharurot ang kotse. Napaupo nalang ako sa sahig. Para akong nawalan ng lakas. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Sobra nya na akong kinamumuhian na ayaw nya nang makita at maka-usap man lang ako kahit sa ilang minute lang.

Si Kyle... Nasaan na 'yung dating Kyle? Nasabunutan ko nalang ang aking sarili. Dahil sa akin. OO, dahil sa akin kung bakit sya nagkakag-ganito.

**

Try ko ulit mag-UD mamaya.

The Day We BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon