Day 1

11 0 0
                                    

The 'Day' in the title is just a replacement for Chapter. Don't be confuse. :)

+++
Cont.

Natingin ako ngayon sa malaking salamin sa harap ko. Okay lang ba kung ito ang suotin ko? Maganda kaya?

Napabuntong hininga nalang ako.  Grabe! Kinakabahan talaga ako. Narinig kong may bumusina sa labas. Waaah! Nandito na sya pero... Napatingin ako sa orasan.. Ang  aga nya naman!

*tok tok*

Agad kong binuksan ang pinto nang aking kwarto.

"Anak, nasa baba na 'yung boyfriend mo." sabi sa akin ni inay. Isinara ko na ang pinto at lumabas na nang kwarto. "Ang ganda naman ng anak ko."

Napangiti nalang ako. Kahit kailan talaga bola 'to si inay.

Magkasabay kaming pumunta sa sala. Sana magustuhan talaga ako nang pamilya ni Kyle. Ang alam ko ay wala ngayon ang papa ni Kyle dahil nasa conference ito sa singapore. 'yung mama nya lang at kapatid ang nasa bahay ngayon. Dalawa lang kasi silang magkapatid at sya ang panganay. Parehas silang lalake. Naikwento nya nga sa akin dati na mahilig silang mag-away magkapatid pero hindi dahil sa anumang bagay, simple lang naman daw lagi ang pinag-aawayan nila katulad ng pagkain. Key ang pangalan ng kapatid nya, grade 12 palang ito at mas bata nang dalawang taon kay Kyle, 16 years old.

"Wow! Ang ganda naman ng hon ko." kaagad akong napalingon sa lalaking kanina pa pala nasa harapan ko. Hinalikan nya ako sa pisngi na ikinapula ko. Nandito lang si inay! Napatingin ako sa kanya.

Naka black pants sya at white shirt, may suot din syang shade. Pansin ko lang ang simple lagi nang get up niya pero bagay na bagay sa kanya ang pagiging simple nya. Kung tutuusin lalo tuloy lumalabas ang kakisigan nya. Huwag nyo nalang masyadong pansinin at sabihin kasi baka lumaki na naman ang ulo...



Syempre yung sa taas. Baka kasi may mag-isip ng iba.

Kinuha ko yung shade nya.

"Kyle, 'wag ka ngang nagsshade." alam niya na ayoko syang nagsshade pero eto sya ngayon. Ang ganda talaga nang mata nya kaya bakit itatago di ba. Lahat naman sa taong ito maganda! Yung Lips... Nose.. Lahat-lahat!

"Haha sorry na hon, Medyo hindi kasi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sayo" tiningnan ko sya sa mata at medyo halata nga na may eye bags sya. Puti din kasi nang isang ito! Ay lahat na. Bakit kasi may ganitong kagwapong nilalang sa harapan ko. At take note! BOYFRIEND ko po sya.



Inayos ko yung buhok nya. Ang swerte ko talaga sa kanya.

"Tara na." yaya nya sa akin. Tumango nalang ako. Nagpaalam na rin kami pareho kay inay bago lumabas nang bahay.

"Kyle kinakabahan ako." pag-amin ko sa kanya.

"Don't. I'm here."





Sa dami kong iniisip, hindi ko namalayan na nandito na kami sa bahay nila. Napanganga nalang aki nang bumukas na ang napagkalaking gate ng bahay nila. Grabe! Alam kong mayaman sila... Pero hindi ko alam na sobrang yaman pala nila! Lalo.tuloy akong kinabahan.

"Hon, baba na." ganun ba ako kalutang para hindi mapansin na nasa labas na sya nang passenger seat at nagiintay na sa akin para lumabas. "Here, hold my arms."

Imbes na hawakan ko ang kamay nya ay ikinawit ko nalang ang kamay ko sa braso nya na ikinangiti niya.

"Hon, don't be afraid." tumango lang ako sa kanya.

Pumasok na kami sa bahay nila at literal na napanganga  ako nang makita ang loob nito. Wow. Grabe lang!!! Speechless na ako.

"Oh. Anak nandyan na pala kayo." agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Lumapit ito sa amin. Kaagad nagmano si Kyle. Sya ba ang mama nya?? Grabe! Kaya naman pala ang pogi-pogi nang anak! Eh napaka ganda naman pala nang mama.


"Ma, si Lyn po. Girlfriend ko." nagmano ako sa mama ni Kyle at bumati dito."Lyn, si mama- Mrs. Yve Zhang."

"M-magandang gabi po. Kinagagalak ko po kayong makilala, Mrs. Zhang." hindi ko mapigilang mautal.

"Napakaganda naman ng girlfriend mo anak. First time mong magdala nang babae rito huh. Oh, sya tara na at handa na ang hapunan. Sumunod na kayo." tumalikod na ito at nauna nang maglakad.

"Oh, di ba sabi sayo! Wala ka namang dapat ika-kaba." tama nga sya. Mabait naman pala ang mama ni Kyle pero parang may something kasi. Ah! Ewan.

Sumunod na rin kami sa dining area at naupo na doon. Lahat ata nang parte nang bahay na ito mamamangha ka!

"Ma, si Key?" tanong ni Kyle sa mama nya.

"Parating na 'yon." napalingon kami sa may pinanggalingan ng ingay. "Oh, ayan na pala sya. Key, anak. Bumati ka naman sa girlfriend ng kuya mo."

Tumayo ako at nagpakilala dito.

"Hello, Ako nga pala si Ly--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang pinutol nya ako.

"I'm not interested." bored na sabi nito. Aba't! May attitude pala 'to. Nagtaka pa ako. May pagmamamahan naman pala. Napatingin ako sa lalaking katabi ko ngayon at ang laki nang ngisi nya huh.

"Sit, hon. Ganyan talaga 'yan." umupo nalang ako at bumulong kay kyle.

"Mana pala sayo 'tong kapatid mo." naalala ko kasi na ganito din sya kasungi-- ah! Let me rephrase it. Kasi mas masungit pa sya dati kaysa sa kinikilos ng kapatid nya ngayon. That time hindi pa kami pero syempre nagbago sya noong naging mag syota na kami. Yung dating masungit at walang pakealam sa mundo na lalaki, eto na... Lagi ng nakangiti at madaldal ngayon. Syempre! Natutuwa ako dahil ako ang naging dahilan kung bakit.

"haha Yeah right." pag sang-ayon nito.



Naging maayos naman ang maging dinner namin. Ngayon nga ay nandito ako sa sala. May kinukuha lang si Kyle sa kwarto nya. Yung kapatid nya naman dumiretso na sa kwarto niya. At 'yung mama nya naman...

Palapit sa pwesto ko.

Umayos ako nang upo nang umupo sya sa may harapan ko. Mesyo pinagpapawisan tuloy ako kahit na ang lamig-lamig dito sa bahay nila. Full pa ata ang aircon nila.

"Lyn, di ba?" may something sa tanong nya na hindi ko malaman. Tumango nalang ako. "Bastos ka ba?! Hindi kinakausap kita."

Nagulat ako sa inasal ng mama ni Kyle kaya napatingin tuloy ako sa kanya.

"Ah-h opo." kinakabahang sagot ko dito.

"What's your family background?" huh? Hindi ko alam ang isasagot ko dito. "Do your family own business? Or maybe owner of stocks in different companies? Come on tell me."

Mabilis akong umiling.

"Wala po. Hindi naman po kami mayama--" bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay nagsalita ito.

"So, ang habol mo lang sa anak ko ay pera nami-" agad akong nagsalita.

"Hindi po. Mahal ko po si Kyle!" hindi ko na napigilan at tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.


"Mahal? Don't fool me, young lady. Isa ka lang hamak na Gold Digger." ang sakit. Ang sakit nang mga sinasabi niya sa akin. Akala ko okay na ang lahat tapos ganito lang pala. Huhusgahan lang ako nang pamilya nya, ng mama nang taong pinakamamahal ko. "But I will let you do what you want for now, But don't expect too much. He's a Zhang. You're not the right girl for my him."

After nyang sabihin yun ay umalis na sya. Pagka-alis naman niya ay saktong dumating si Kyle. Pinunasan ko ang aking mga luha at ngumiti. Kakayanin ko naman siguro. Ipaglalaban ko sya hanggang sa huli. Patutunayan ko na deserve ko na mahalin si Kyle.

*** tbc.

The Day We BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon