Day 2

8 0 0
                                    

Keep supporting :)

+++
Cont.

Binati ko si manong guard bago ako pumasok ng building. Mukhang wala namang nakakaalam ng nangyari sa amin ni Kyle. Kaya nakahinga ako nang maluwag. Mabuti na ito.

Sumakay na ako nang elevator at pinindot ang floor number nang office namin. Sa marketing department ako naka-assign kaya hindi malayong magkita talaga kami dahil katabi lang ng office namin ang office niya. After naming maka-graduate ay ginawa sya kaagad na President ni Mr. Zhang-papa nya. Na-meet ko na din ang papa nya at hindi katulad ng mama nya ay tanggap ako nito. Napakabait ni Mr. Zhang kaya nakokonsensya ako sa ginawa ko sa anak nya. Si Mr.Zhang din ang nag-offer sa akin ng trabaho dito sa isa sa mga company nila.

*tiiing*

Tumunog na ang elevator. Kaya kaagad akong lumabas dito at naglakad papunta sa office ko. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang kabahan dahil baka nga magkasalubong kami.


Nang makarating na ako sa office ay kaagad kong inilapag ang bag ko sa tabi at sinimulan ng ayusin ang report ko para mamaya. Napansin kong napaka-tahimik ng buong lugar. Abala ang lahat at busy sa kani-kanilang ginagawa. Anong meron?

"Hoy! Lyn, buti pumasok ka na!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. "Naku! Di ko na alam ang gagawin ko!" balisa nitong tanong.

"Ah. Glen tapos ko na ang report ko. Irready ko nalang yung mga-"

"Girl! Hindi naman 'yun yung sinadya ko! Naku, umalis kasi si Mr. Zhang papunta sa America kaya si Sir Kyle ang nandito. Kaso Girl parang may nag-iba sa kanya." Pumasok na pala sya. "Ang init-init ng ulo nya kanina pa tapos lahat ng documents na pinapapirmahan ko sa kanya. Itinapon nya lang. Please, Girl! Kausapin mo naman 'yung boyfriend mo. Ngayon lang din sya pumasok. LQ ba kayo?"

Napayuko lang ako.

"Girl, mamaya ng 10 ang report mo. Bahala ka na huh. A-attend din 'yung mga stockholders ng company kaya galingan mo." Tinapik ako nito sa balikat at umalis na.

May 30 minutes pa ako.

Dumiretso na ako sa meeting hall at nag-set up ng kailangan ko para mamaya.

Abala ako sa pag-aayos ng projector nang may humawak ng buhok ko at kinaladkad ako palabas ng meeting hall.

"You, Bitch!!! Anong karapatan mo para saktan si Kyle huh!" patuloy pa rin ang pagsabunot sa akin ni Kesh. Ayokong gumanti. Bagay lang sa akin ito.

Medyo nakatawag na ng pansin ang pagsigaw ni Kesh kaya marami sa mga katrabaho ko ang natulala nalang habang pinapanood kami. Wala ni isang gustong umawat.

"Slut ka talaga! Sa bestfriend nya pa talaga mo sya ipinagpalit! Malandi ka!!" Napuno nang bumulong ang buong lugar.

"Break na pala sila?"

"Kaya pala."

"Malandi naman talaga yan."

"kapal ng mukha."

"kawawa naman si Sir."

Lahat sila may kanya-kanyang sinasabi pero ni isa doon ay wala akong gustong pakinggan. Wala akong nararamdaman ngayon kung hindi galit... sa sarili ko.


Naramdaman ko nalang ang hapdi sa may pisngi ko. Hinawakan ko ito at nakitang nagdudugo ito. Dahil siguro sa pagkalmot ni Kesh sa akin. Ewan. Hindi ko na maramdaman. Manhid na nga talaga ako.
Patuloy pa rin sa pagsabunot sa akin si Kesh at hinahayaan ko lang sya. Bakit pa ba ako gaganti? Pero napako ang tingin ko sa lalaking papalapit sa pwesto namin. Pumayat sya at bakas mo ang pagod sa mukha nya pero sa kabila noon ay walang nagbago sa kanya... sya pa rin 'yung pinaka magandang lalaki na nakilala ko. Nakatingin lang ako sa mata nya at ganun din sya. 'yung mata nya na dati ay puno nang saya, pag-asa at pagmamahal. Ngayon, lungkot, galit at hindi ko na mabasa pa dahil agad kong inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig nya.


Hindi ko alam pero nagkaroon ako nang pag-asa na baka sakaling ipagtanggol nya ako. Pero...

Nilampasan niya lang ako.

Natawa nalang ako sa isip ko. Syempre! kaano-ano ka nya ba? Hamak na empleyado nalang.

"Are you expecting him to protect you? Haha you're funny! Asa ka pa." pagkatapos sabihin sa akin ni Kesh 'yun ay mabilis nya akong sinampal at agad na tumakbo papunta kay Kyle na ngayon ay papasok na sa meeting hall. "Kyle, babe, Wait for me."



Pagkatapos ng scene na iyon ay nag-alisan na ang mga katrabaho ko pabalik sa kanya-kanyang trabaho. Napayuko nalang ako. Napakamalas ko talaga kahit kailan.

"Jusko po! Lyn, anong nangyari sa iyo?!" nag-aalalang sigaw ni Ate Jean. Agad akong tumayo. Kailangan ko pang maghanda may 10 minutes pa ako. "Sinong may gawa sa iyo nan? Nakita ka na ba ni Sir Kyle. Naku! Mag-aalala 'yun sa'yo."

Napangiti nalang ako. Nakita na nya. Sa halip na sagutin ko pa ang mga tanong ni Ate Jean ay nagpasama nalang ako dito sa lady's room para ayusin ang sarili ko.

Bumabalik pa rin sa alaala ko ang walang emosyon nyang mukha na nakatingin sa akin kanina. Parang hindi nya ako kilala at parang walang nage-exist na katulad ko sa paningin niya. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mata. Tama na ang iyak! Kasalanan ko naman ito!

Tiningnan ko ang aking cellphone dahil bigla itong tumunog.

From: Aelo
I'll petch you later after work.

"Lyn, Okay ka na ba. Tara na." tumango lang ako kay ate Jean at lumabas na nang lady's room. Sana balang araw mapatawad nya ako sa lahat ng nagawa ko sa kanya...

--

"... As you can see, bumaba nang 2% ang Sales natin last month because of---" nasa kalagitnaan ako nang report ko nang mapatigil ako sa pagsasalita dahil biglang may humampas sa lamesa. Nagtinginan ang lahat sa pinanggalingan ng malakas na ingay na iyon.


Siya...


"Ms. Santos! Do you know that those 2% you are talking is about millions of dollars!" galit nitong sigaw sa akin. "Or you're just too damned to figure that out!!"

Galit na galit ito at ang talim ng tingin sa akin. Parang natutuyo ang lalamunan ko at nang subukan kong ibuka ang aking bibig ay halos walang lumabas na salita dito.

"You know! We're just wasting our time and money. Our time, for listening to your stupid report and our money, for paying you and your useless work." Tumayo ito. "This meeting is a waste of time." Pagkasabi niya nito at kaagad syang lumabas ng meeting hall. Ganun din si Kesh at lahat ng shareholders.

Nilapitan ako ni Ate Jean.

"halika nga dito." Niyakap niya ako at hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagtulo nang aking mga luha. "kailangan mong magkwento sa akin." Pagkasabi niya nito ay wala na akong narinig pa dahil nag-blangko na ang aking paningin.

***
Tbc.

The Day We BROKE UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon