Chapter 5

1K 34 0
                                    


Chapter 5

"WHERE'S SETH?" Tanong ni Kurt kay Wayne nang madatnan niya itong mag-isa.

"Dunno. Maybe with his girl." Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito sa kanya. Like he's prying.

Hindi niya pinansin ito. Kakahiwalay lang nila ni Li kaya malabong kasama ito ni Seth. Saan kaya nagsuot ang isang iyon?

Maya-maya ay dumating ang sobrang lawak ng ngiti na si Seth. Habang parang gusto naman niyang magwala nang makita ang dala nito.

"Hey," ani Seth na pumorma ng high five. Isinahod niya ang kamay niya dito habang ang tingin niya ay nasa dala parin nito.

"W-where are you from?" Sobra ang kabog ng dibdib niya at pakiramdam niya hindi siya makahinga. Pinipilit niyang dahil sa galit iyon, ngunit hindi man niya aminin, nasasaktan siya.

Lalong lumawak ang ngiti ni Seth at inilapag ang hawak na puting box... na may pink na ribbon sa table. Really, Li? Hindi man lang naisip na ibahin ang package?

Nag-iigting ang mga ngipin niya sa pagpipigil ng galit. Gusto niyang sumigaw at magwala. Nasaan ang mga punong iyon pag kailangan?!

"Don't tell me those are half burnt cookies." Pinipilit niyang maging casual. Pero pakiramdam niya, iba parin ang pagkakasabi niya dahil tumataas ang kilay ni Wayne sa kanya.

"Whoa, bro! Paano mo nalaman?" Nakangiti parin si Seth.

Well, maybe because he received the same from a... a... damn! He can't even call her names! Kahit na deserve nitong matawag na masamang babae.

"But its not half burnt, man. Its perfectly done. Too bad, I won't let any of you taste even a bit."

Kumuha nga ito ng isa at ipinakita ang perpektong luto niyon. Lalo niyang kinailangan ng puno.

Damn! She's a fucking player. Moving too swiftly. Acting like a professional. He almost bought that tree scene. She even hurt herself just to make him believe.

Hindi niya alam ngunit nasasaktan siya. To the point that its almost too hard to breathe.
So she wants to play, huh. He will give her a fucking wonderful game.

KANINA PA tahimik si Kurt sa driver's seat. Nagkita sila kanina sa may parking lot ng school. Bago sila maghiwalay kahapon ay may usapan na sila na magkikita after class.
Pagsalubong pa lang nito sa kanya ay may iba na sa aura nito. His stares are dark. His smirks are sarcastic.

Nag-park ito sa tapat ng isang kilalang bar club. Nagtatakang nilingon niya ito.

"I thought, we're going to see a movie? And eat? Like in a mall."

Tiningnan lang siya nito gamit ang madilim na mga mata. There's something really weird about him today.

"Change of plans. I really need a couple of shots." Wala ang pamilyar na kinang ng pagkapilyo sa mga mata nito.

"Bakit sinama mo pa 'ko? And I also sense... you're not in your usual self. May nangyari ba?" Hindi niya napigilang mag-usisa.

Tiningnan siya nito gamit ang itim na mga mata. Magulo ang buhok nito na tila sinadya.

"I just-" nag-iwas ito ng tingin at bumuntong hininga. "Just a bad day. C'mon." Binuksan nito ang pinto at umikot sa side niya para pagbuksan siya.

Hawak siya nito sa siko nang pumasok sila sa loob ng bar. Hindi parin niya alam kung tama ba na sumama pa siya dito. Hindi pa siya nakakapasok sa ganitong klase ng bar or club. Sobrang ingay ng music. Malikot din ang iba't-ibang kulay ng ilaw. Halos lahat ng tao ay mukhang nakainom na kahit alas-nuebe pa lang ng gabi. Maraming nagsasayaw sa gitna at hindi niya gusto ang ibang tanawin. Tulad ng ilang mga pares na tila nangangailangan na ng pribadong silid.

EAS2: To Realize (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon