Chapter 13

1.3K 39 0
                                    


Chapter 13

EVERYONE GLANCES at her way. Ngunit iba ang tingin ng mga tao sa kanya ngayon. Parang nakakita ng multo. Sabay titingin sa kasama at bubulong. What's with everybody?

Is it because she's wearing sunglasses inside a mall? Pero hindi naman na bago iyon. Its almost a fashion sense. At isa pa, paraan niya iyon sa pagtatago sa namumugtong mga mata.

Isang teen-age girl ang lumapit sa kanya. Tila hindi ito nakatiis na titigan siya mula sa malayo.

"M-miss? Pwede mo pong tanggalin ang shades niyo?" Alanganing tanong nito.
Nagtaas siya ng kilay.

"Why?" Mataray na sabi niya.

Kinagat ng batang babae ang pang-ibabang labi at tila nahiya. Na-guilty naman siya.

"I mean, bakit? May problema ba?" Mas mahinahon na tanong niya.

"Kasi po..." tila hindi nito alam ang sasabihin. May kinuha ito sa shoulder bag.

"Kayo po ba ito? Kamukha niyo po kasi kahit na naka-sunglasses kayo."

Kinuha niya ang inaabot nito. Mabilis na tinanggal niya ang salamin sa mata para makasiguro. Its her! Isa iyong printed picture. Nakasulat sa baba ng litrato ang mga katagang, "If you see her, will you tell her that I love her?" Signed by Kurt Saavedra.

Nagtaas siya ng tingin at halos lahat ng tao sa mall ay nakatingin sa kanya. Ngayon niya lang napansin na may hawak ang lahat na papel. Na tila kasing laki ng litratong kapit niya.

"Sabi po nung kuyang pogi, pag nakita kita, sabihin ko daw po na mahal ka niya." Kinikilig na sabi ng dalagita.

Napatanga siya doon at parang gusto na lang niyang lumabas ng mall. Shit, Saavedra. Anong gimik na naman 'to?
After Jazper's wedding, hindi na niya nakita ni anino nito. At hindi man niya aminin, she's so disappointed. And hurt. That he didn't even tried harder to pursue her. Pero sino ba siya para magreklamo? Siya itong nag-inarte?

She just realized... she's ready to give him a chance. She's always willing to give him a chance. Even six years ago. Kung sinundan siguro siya si Kurt? Baka ilang araw lang din, okay na. Kahit nasaktan na siya. Kahit masaktan ulit siya. Ganoon yata talaga pag totoong mahal mo. Kaunting pag-iisip lang ang kailangan. Kaunting pahinga lang, okay na ulit. Handa ka na ulit magmahal at masaktan.

Pero tulad nga ng sabi niya, hindi na ito nagparamdam. After saying he loves her, after begging for a chance. Tapos ngayon ganito? Hah.

Sarkastiko siyang natawa. She discarded the photo. He wants her? Then he needs to get her. The hard way. It could've been easy days ago. Pero ngayon kung kailan pabalik na siya ng Canada? Kung kailan tatlong oras na lang flight na niya? No. Suffer, Saavedra.

Sumakay siya ng sasakyan at nagbyahe papuntang airport. Halos mapa-preno pa siya bigla nang makita ang parehong litrato niya sa isang bus. But this time, its a big poster. Sa baba niyon ay nakasulat ang salitang, WANTED: Wanted by Kurt Saavedra. May nakalagay pang numero na pwedeng tawagan pag nakita daw siya sa kung saan.

At kahit saan siya lumingon, parehong litrato ang nakikita niya. Sa taxi man o jeepney, sa mga poste at maging sa ilang billboards! Fuck, Saavedra!

What now, Sharlott? Kulang pa ba? Nahampas niya ang steering wheel sa gigil. Kahit kailan talaga, ang dami nitong alam na gimik. Maging ang pagbabati ni Justin at Sofhia. Maging sina Wayne at Friday, nagawa nitong ayusin! Sa pamamagitan ng ganitong mga kalokohan.

Gusto na niyang mag U-turn. But no. Papanindigan niya ito. Titiisin niya. Tulad ng pagtiis nito sa kanya ng halos dalawang linggo!

Pagdating niya ng airport ay nakatanggap siya ng parehong mga tingin mula sa mga tao. Mariin siyang napapikit. Hanggang dito ba naman, Saavedra?!

Naiinis siya dahil hindi pa niya naisip na itago ang buhok niya. Agaw pansin iyon. Lalo na at ganoon din ang buhok niya sa litratong pinakalat nito.

Hindi pinapansin ang lahat na dumiretso siya ng lakad. Nang kung saan ay may marinig siyang boses. Hindi siya pwedeng magkamali. Its Kurt's out-of-tune voice! He's singing "If You See Kay" of The Script. Ngunit pinapalitan lang nito ang pangalan na "Kay" ng salitang "Her".

Paglapit pa niya sa waiting area ay tumambad sa kanya ang isang malaking screen. Nakapaskil doon ang mukha niya. Nakalagay parin ang linya galing sa kanta na, "If you see her, will you tell her that I love her."

Natatawang naiiling siya. Hinintay niya na kung saan ay lumabas si Kurt.

But after an hour of waiting... no one came. Really? May oras ito na i-set up lahat ng ito, mamigay ng fliers, magkabit ng mga posters... pero walang panahon para pigilan ang pag-alis niya? What, is this some kind of a game again? Or maybe he was waiting for her to come to him? Maybe he's watching somewhere at hinihintay na hindi niya ituloy ang pag-alis. Well, screw your plan, Saavedra. Ano man iyon. Screw it.

Nangingiti siya sa sarili. If he really want a chance? Earn it.

Nang tinawag ang pasahero ng flight niya ay tumayo siya upang pumasok sa eroplano. Bawat hakbang niya, inaasahan niya parin na may pipigil sa kanya. Ngunit nakarating na siya sa upuan niya at patake-off na lang ang eroplano, walang Kurt na pumigil sa kanya.

Maging sa loob ng eroplano, hinihintay niyang lumabas sa kung saan si Kurt ngunit nakatulog na lang siya at lahat, wala parin.
Nasa kalagitnaan na siya ng byahe nang marealize na... he didn't came after all.

Napapikit siya at hinayaan ang pagdaloy ng luha. She won't swear that this is her last tears, tho. Kasi bibiguin niya lang ang sarili niya. Nanghihina siya pagbaba ng eroplano. Sa pagod sa mahabang oras na biyahe at ilang oras na pag-iyak. She just wants to hit her bed and sleep.

Hila-hila niya ang bagahe palabas ng airport. Nakatungo siya at hindi pinapansin ang nilalakaran. Dahil doon ay halos makabunggo siya ng isang lalaki. Nag-angat siya ng tingin para humingi ng tawad.

"Its okay." Ngiti sa kanya ng amerikano. Tumalikod na siya nang tawagin siya muli nito.

"Uhm, miss?" Lumingon siya.

At parang slow motion na inilabas nito mula sa bulsa ang isang pamilyar na papel.

"Is this actually you?"

Nanlambot ang mga tuhod niya. Kumapit siya ng mabuti sa bagahe. Marahan siyang tumango kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. Hindi na niya makuhang magsalita.

Muling ngumiti ang lalaki.

"He said if I saw you, let you know that he loves you." Iyon lang at tinalikuran na siya nito.

Then someone hug her from behind. Sa perfume pa lang, alam na niya. He didn't stop trying. In fact, he's earning his chance so much.

Her sobs became audible. He gently turn her to face him. His eyes are also red from crying.

"I love you. I know its too late now and I should've done this before... but please give me a chance, Li. And I promise not to screw this up. I'm not going to fuck this up anymore." His eyes are watery and pleading.

Lalong lumakas ang mga hikbi niya. Nataranta naman ito at maingat na pinunasan ang mga luha niya.

"Shh... please baby, stop crying. It's hurting me."

In a blurry eyes ang shaky lips, she tried to smile at him.

"I love you."

He gasp and look up like thanking God somewhere. He look at her and she saw drops of tears in his eyes.

Kinulong nito ang mukha niya sa mga palad at tiningnan siya sa mga mata. Tulad ng tingin ni Seth kay Jazper. Tingin ni Justin kay Sofhia. At tingin ni Wayne kay Friday. That kind of look she's been dying to see from him. Or maybe it was always there. She was just too blinded by her pain and bitterness kaya hindi niya nakita. But he loves her.

"I love so damn much, Li. Thank you for giving me this chance. I love you. I just—really love you so much."

And he repeated the same words over and over again. Over and over.

×××

This is the last chapter. Thank you for reading! :)

EAS2: To Realize (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon