/One Click, One Photo/---------×××
Eunice's POV
Nandito kami ngayon sa police office. Pinakita namin yung litrato sa camera ko. Buti nalang matatag ito na nakailang bagsak na gumagana pa rin.
"Sir! Hindi talaga suicide itong case ng kaibigan namin. Paano niya na picturan ang sarili niya kung patay na siya? " sabi ni Kaira.
"Maaring nag lagay siya ng timer." sabi niya.
"WHAT?!! Pinagloloko nyo ba kame?! Sa tingin nyo bakit nya pipicturan ang sarili kung patay na naman siya?! Huh?! Kase nga may taong pumatay, hindi siya nagpakamatay!!" sigaw ni Kaira sa loob ng opisina. Si mamang pulis naman parang naiinis na ewan.
"Kaira, calm down ok? Maupo ka na." sabi naman ni Denise. Umupo naman si Kaira ng padabog at nag cross arm. Tumayo naman si mamang pulis.
"O sige, iimbistigahan namin ulit ang pagkamatay ng kaibigan niyo pero wag kayong umasa na mabilis namin mahahatid ang balita sa inyo dahil marami rin kaming cases na nireresolba ngayon, kaya matatagalan pa ang resulta na hinihingi nyo." sabi ni Mamang Pulis. Tumayo naman si Kaira.
"Siguraduhin nyo lang na ang susunod na balitang ihahatid nyo samin ay kapanipaniwala at wag na wag nyong sasabihin na nagpakamatay ang kaibigan namin!" sigaw ni kaira at dinuro duro pa si Mamang pulis. Buti nalang mapagpasensya itong Pulis kase kung hindi sigurado kanina pa nasa kulungan si Kaira.
"Ok tapos na ang usapan kaya pwede na kayong umalis sa opisina ko." sabi ni Mamang pulis at binuksan ang pinto. Sa totoo lang hindi naman talaga masyadong katandaan itong pulis na ito kase ang kinis ng balat niya at mukang bata pa para ngang kasi edad lang kami eh. Bago ako lumabas humingi ako ng pasensya sa kanya dahil sa ginawa ng kaibigan ko. Okay lang naman daw sa kanya.
Pagkatapos namin sa police station dumiretcho na kami sa bahay nila Ryan. Sinabi namin kila tito at tita. Hanggang ngayon di pa rin sila nakaka recover sa nangyare. Wish ko lang sana matanggap na nila. Nagpaalam naman ako sa tatlo na uuwi muna ako sa bahay nung una ayaw pa nila ako payagan kasi nga dun nangyare yung kay Ryan pero sabi ko naman kaya ko na at andun naman yung isa kong Yaya, wala na rin silang nagawa kaya pinayagan na nila ako.
Pag park ko ng kotse sa garahe ko. Nakita kong patay lahat ng ilaw. Sa tingin ko tulog na si Yaya. Bumaba na ko ng kotse ko at aakmang papasok na pero---
"Oh Eunice andyan ka na pala, naputulan ba kayo ng ilaw?" tanong ng kapitbahay namin.
"Ho? Hindi ko ho alam kase kanina pa ho ako umaga umalis, pero andito naman po si Yaya Susan." sabi ko sa kanya. Bigla naman siya namutla. "Bakit ho?" tanong ko. Akmang lalapit na ako sa kanya kaso nag sign siya na wag na.
"Sige Eunice pumasok ka na sa loob, kanina pa kasing walang ilaw diyan kaya akala ko walang tao." sabi niya at biglang tumakbo. Nag alala naman ako dahil matanda na yun pero nakatakbo pa rin? Pinagsawalang bahala ko nalang at pumasok na sa loob.
"Ang dilim." sabi ko. Binuksan ko yung ilaw, gumagana naman. Siguro napahaba lang talaga yung tulog ni Yaya. Pumunta na ako sa kwarto at nilapag yung bag ko. Naala ko yung camera, hinanap ko ito pero halos baliktarin ko na yung bag ko pero wala talaga. Hanggang sa napagod na ako kakakahanap tatanong ko nalang bukas dun sa tatlo kung hiniram ba nila. Natulog nalang ako.
----------×××