One Click, Funeral

15 2 0
                                    


/One Click, Funeral/


-----------×××



Eunice POV




Nandito na kami ngayon sa cementery. Dinadasalan na ni Father si Ryan. Hindi naman namin mapigilan hindi umiyak. Si Denise binabantayan si tita dahil kanina pa iyak ng iyak nag aalala kami baka mahimatay. Binigay na ni Father yung Holy Water kay Tito.




"Anak ikaw na ang anghel namin diyan. Ingatan mo kami ng mama mo ha? Mahal na mahal ka namin." sabi ni tito at binasbasan na ang kabaong ni Ryan. Sunod naman niya binigay kay Tita. Niyakap ni tita ang kabaong ni Ryan. May sinasabi si Tita pero di namin narinig. Binasbasan na ni tita at ayun na nga nahimatay.




"Denise paupuin mo muna." sabi ko at pinaupo si tita pinapaypayan naman namin. Sunod na nag basbas ay sila Kaira at Ian at iba pa. Sunod naman ay ang pag aalay ng bulaklak. Dalawang bulaklak ang meron ako isang white roses at blue tulips. Nung ako na ang magbibigay nag iwan ako ng mensahe.



Hello sayo Ryan. Salamat sa lahat. Salamat sa pagmamahal na binigay mo at pinaramdam mo sakin. Ikaw ang kauna unahang nagparamdam sakin na mahalaga ako. Na may halaga ako dito sa mundong ito. Kahit hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo nandyan ka pa rin sa tabi ko. Para sa akin ikaw ang kapatid ko, laging nandyan sa tabi ko kahit may problema ako. Hinding hindi kita malilimutan. Mamimiss ka namin. Mahal na mahal kita. Bilang kapatid.


Tsaka ko hinulog ang dalawang bulaklak.



"Eunice, okey ka lang?" lumingon ako at nakita ko si Denisse. "O-Oo. Tar-ra na." sabi ko. Pinunasan ko na ang mga luha ko na walang tigil. Nahimasmasan na si Tita. Hanggang sa natapos ang libing ni Ryan nandito pa rin kami, yung ibang dumalo umalis na. Sinasamahan pa rin naman si Tita. Bigla siya tumayo.




"Tara na mga ija." sabi ni tita at nauna ng mag lakad, sumunod naman si tito at kami. Habang naglalakad kami, biglang tumigil si Tito.



"Ihahatid ko na kayo ah?" sabi neto. Tumango nalang kami at naglakad ulit. Bago kami sumakay tumingin muna ako sa pinanggalingan namin. Nakita kong nililigpit na ang mga upuan dun, nakita ko rin na may lalakeng nakatayo at nakatingin duon sa puntod ni Ryan, hindi ko makita ang muka niya dahil nakatalikod siya. Pinagsawalang bahala ko nalang at sumakay na.



"Wala pa rin bang sinasabi ang mga pulis dun sa kaso?" biglang tanong ni Kaira kay Ian.




"Wala pa." sabi neto at kinalikot ang cellphone niya. Bigla ko naalala yung camera, tinignan ko sa bag ko kung nandun pero wala. Dinala ko ba yun? Di ko na matandaan.




Nang maihatid na kami nila Tito, nagpasalamat kami at nag pasalamat din sila dahil sa pagpunta namin sa libing. Dito na muna ulit sila Denise, Kaira at Ian. Hanggang mag lunes, sabado ngayon. Sa lunes na ang libing ni Yaya. Hanggang ngayon wala parin balita sa mga pulis kung ano bang talaga ang nangyare. Huwag nilang sabihin na nag suicide si Yaya dahil hindi na kami naniniwala duon. Imposibleng mag suicide si Yaya.



"So, Kelan tayo papasok sa eskwelahan?" tanong ni Ian. Nagkatinginan naman kaming tatlo. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Na pag desisyunan namin na wag mag hiwalay hiwalay baka kase may mangyaring masama.



"Sa wednesday nalang." sabi ni Denise. Tumingin naman siya samin. " Ayaw nyo pa?" sabi neto at kinuha ang kumot sa drawer.



"Sige sa Wednesday!" sabi ni Ian. Tumango nalang kami ni Kaira. Lumakad ako papaalis para tignan ang nasa baba. May mga nag babaraha at nag bi-bingo, si Yaya Linda naman inaasikaso ang mga bisita. Bumaba ako at linapitan si Yaya.



"Ya, kailangan nyo po ng tulong?" sabi ko. Ngumiti naman siya at binigay ang tray sa kalapit netong lamesa.

"Hindi na Mam Eunice, kaya ko na ito at tsaka ija wala ka pang tulog diba? Magpahinga ka muna." sabi niya habang hinahaplos haplos ang buhok ko. Ngumiti naman ako.




"Ya, sabi ko nama po sa inyo wag niyo na po akong tawaging 'Mam', Eunice nalang po." sabi ko.




"Sige na ija kung yan ang nais mo." sabi niya at iginayak ako sa hagdanan. Tama si Yaya, wala pa akong tulog dahil sa mga nangyayari ngayon, hindi ko pa rin maisip kung bakit bigla bigla etong nanyayari. Simula ng mapulot ko yung.....




"Ya, nakita niyo po ba yung camera? Yung nakita niyo po sa sala?" tanong ko.




"Hindi ija, sige matulog ka na." sabi ni Yaya at bumaba na ulit. Binuksan ko nalang ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sakin ang mga kaibigan kong tulog na. Buti na lamang ay malaki ang kama ko kaya kasya kaming apat. Pumunta akong banyo para mag hilamos at pag palit ng damit pantulog. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kama, dahan dahan ako humakbang dahil sa panglawa ang pwesto ko. Nang makarating na ako humiga ako at kinumutan ang sarili ko at nakatulog na.


----------×××




One CLICK One DEADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon