/One Click, He Died/
-----------×××
Ryan's POV
Pupuntahan ko si Eunice para sana tulungan siya. Oo aaminin ko, gusto ko si Eunice kahit na bago palang siya sa school. Iba siya, may nararamdaman akong iba. Ibang-iba. Nakita ko siya naghahalo ng juice hinawakan ko siya sa balikat at bigla naman siya nagulat.
"Ohmygod Ryan!! Papatayin mo ba 'ko sa gulat?!" sabi nya. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Hahaha. Hindi ko alam na magugulatin ka pala. Haha." sabi ko at patuloy pa rin sa pagtawa.
"Che. Oh dalhin mo na 'to dun." sabi niya at pina hawak sa kin yung pitsel. Tumigil naman ako sa kakatawa. Tumingin siya sa lamesa at biglang kumunot yung noo niya.
"Ryan kinuha mo ba yung camera?" tanong niya. Umiling naman ako. Umikot ikot siya na baka sakaling makita niya, pero tumigil din naman siya. "Pakihanap nga muna dyan, ako na mag dadala neto sa sala." sabi niya sa kin at kinuha yung pitsel. Tumango nalang ako.
Nang maka alis na siya nilibot ko ang kusina niya at binuksan ko ang mga kabinet at drawer.Dumapa ako para silipin sa mga ilalim at nakita ko na. "There you are." Dinampot ko ito at tumayo na. Bigla naman ako nakaramdam ng ginaw at malakas na hangin. Tumaas ang balahibo ko dahil dun naramdaman kong parang may dumaan sa likod ko kaya agad naman akong napatingin dun pero wala naman ako nakitang tao. Aalis na sana ako sa kusina pero napansin kong nag- click yung camera.
Tinigan ko ito at saktong pagtingin ko bigla ulit nag click kaya tinignan ko yung pictures mukang nakuhanan kasi ako ng litrato.
Meron nga....teka parang may kasama ako dito sa litrato. Izinoom ko yung litrato, nang nakita ko yun nabitawan ko ang camera bigla naman may kung anong masakit sa likod ko na siyang ikinawalan ko ng malay.---------×××
Eunice's POV
Nandito kami ngayon sa bahay nila Ryan. Dalawang araw na makalipas nung nangyari. Hanggang ngayon may question mark pa rin sa mga ulo namin. Sabi kase ng mga pulis, nag suicide daw si Ryan. Nakita siyang nakadapa sa ilalim ng lamesa at nakatali ang paa, nakatali din ang mga kamay niya. Ang bibig niya naman ay nakabuka pero ang dila niya ay putol na. May tali din sa leeg niya at may tali ding nakasabit sa chandelier namin.
Di ko lubos maisip na kaya pala ng chandelier namin ang bigat ng isang tao. Lalong hindi din ako makapaniwala na pinutol ni Ryan ang sarili niyang dila at nagbigti ito. Hawak ko ngayon ang camera na pinahanap ko kay Ryan. May mga pagkakataong sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Ryan. Dahil siguro kung di ko siya hinayaang mag isa hindi niya gagawin iyon.
Maski sila Kaira at Ian hindi naniniwala sa pagiimbistiga ng mga pulis dahil sobrang bilis naman daw nagawa iyon ni Ryan at saka wala kami narinig na ingay mula sa kusina. Nagtaka rin kami kung bakit magsu-suicide si Ryan dahil masayahin itong tao. Tinanong ng mga pulis ang mga magulang ni Ryan kung may problema ba sila ng pamilya. Sabi ni tita last week nagkaroon ng sumbatan sa pamilya pero netong nakaraan naayos naman daw na. Lubos akong nalulungkot sa maglulang ni Ryan. Nag iisang anak lang kase si Ryan kaya mahirap tanggapin, mahirap din naman sakin dahil naging parte na sya ng buhay ko, simula ng makilala ko siya.
"Eunice, okay lang yan." rinig ko sabi sakin ni Kaira. Napansin ko na umiiyak na pala ako kaya pinunasan ko ang luha ko. Ngumiti ako sa kanya. Pilit na ngiti.
"Eunice." lumingon ako sa tumawag sakin. Si Denise Monja. Best friend ko.
"B-bes." naiiyak kong sabi. Niyakap niya ako at hinagod hagod yung likod ko.
"Anong nangyare?" tanong niya sakin. Di niya alam ang nangyari kase nasa vacation siya. Katulad ko wala na rin siyang magulang.
"S-Si Ryan, Pa-Patay n-na." nauutal kong sabi rito. Naramdaman kong huminto yung pag hagod niya sa likod ko. May gusto si Denise kay Ryan kaya lang nahihiya siyang mag tapat. Lima kaming magkaka-tropa at si Denise ang pinaka close ko. Humiwalay na kami sa yakap at nakita kong naiiyak si Denise, lumapit kami sa kabaong nito at nakita namin ang nakahiga naming kaibigan.
Hinimas himas ni Denise yung kabaong at niyakap ito. Naramdaman ko namang may kumalabit sa kin. "Eunice, pahiram ako ng camera." sabi ni Kaira. Ibinigay ko ito. Pinapatahan ko si Denise habang yakap yakap at umiiyak sa kabaong ni Ryan.
"Alam mo bang-----"
"Shit!!!!!" sigaw ni Kaira. Kaya napatingin kami sa kanya. Nakita kong naibato niya yung camera. Nainis ako.Pinulot ko naman iyon.
"Kaira ano bang problema? Bat mo binato itong camera? Di mo ba naisip na baka masira ito?" Inis kong tanong sa kanya. Lahat ng tao sa burol ay nakatuon na ang atensyon samin. Buti nalamang at wala sila tita.
"Yu-Yung Pi-Picture." sabi niya at tinuro pa ang camera ko. Balisang balisa siya ngayon. Tinignan ko naman yung tinutukoy niya. Namilog ang mata ko at nabitawan ang camera kaya bumagsak ito sa sahig. Pinulot ni Denise iyon at tinignan. Lalo pa siyang naiyak at napaupo sa sahig.
"Shit!! Papaanong....." di na natuloy yung sasabihin ni Kaira dahil nahimatay siya.
--------×××