One Click, Say Hi

32 3 0
                                        

/One Click, Say Hi/


----------×××



"Eunice!! Peram ako ng camera mo ha?" sigaw ng kaklase ng dalaga mula sa sala.





"Sige lang." sigaw rin ng dalaga pabalik. Maraming gusto mang hiram ng  camera na napulot ng dalaga.  Kesyo ang cute ng kulay at desinyo neto. Tsaka maganda rin ang kuha. Kani-kanina lamang ay sinubukan ng dalaga kuhanan ang bulaklak na nasa garden niya.



Si Eunice, Ryan, Denise, Kaira at Ian ay magka-kaibigan. Mula elementary sila na ang magkakasama. Si Eunice ay ulila na, sabi raw ng lola niya na nagpalaki sa kanya patay na daw ang mga magulang niya. Hindi naman niya alam kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng magulang niya dahil sa tuwing tatanungin niya ang kanyang lola ay umiiwas ito kaya naman hindi na niya inalam pa.




Bukod dun ay namatay din ang kanyang lola noong 1st year pa lamang ito, atake sa puso ang dahilan ng pagkamatay neto. Pero kahit ganun ay hindi naman naghirap si Eunice dahil nung namatay ang lola niya ay pinamana sa kanya ang bahay at lahat ng kayamanan ng kanyang lola. Ngunit nagtaka naman siya dahil nuong nabubuhay pa ang kanyang lola ay wala siyang nakita o narinig man lang na may ganun pala kalaking halaga o pamana ang kanyang lola.



Samantala, bumaba naman ang dalaga mula sa kanyang kwarto, dumiretcho siya sa kusina para maghanda ng makakain para sa kanila ng mga kaibigan niya. Nang matapos na nang dalaga ang pagkain ay pumunta naman itong sala kung saan nandun ang kanyang mga kaibigan natanaw niya rin na kumukuha sila ng litrato mula sa kamera na napulot niya.



"Eunice oh, napuno na ata yung memory ayaw ng mag picture eh." sabi sa kanya ng kanyang kaibigan na si Kaira. Kinuha nalang iyon ng dalaga at tinignan ang mga litrato, habang ang tatlo naman niya kaibigan ay kumakain na.


Sa ngayon ang tatlo niyang kaibigan ay nasa bahay niya. Ang isa nilang kaibigan na si Denise ay wala dahil ito'y nasa bakasyon kasama ang pamilya nito.


"Walang Pangtungga." bigla biglang sabi ni Ryan. Nagsitawanan naman sila dahil sa pabigla bigla sabi ni Ryan at ang pagiging makakalimutin ni Eunice. Tumayo naman ang dalaga at nag hand gesture na 'wait lang'. Pumunta ang dalaga sa kusina kasama ang kamera, inilapag niya iyon sa lamesa at nagsimula na mag timpla ng juice. Habang hinahalo ng dalaga ang juice nakaramdam naman siya ng lamig kasabay nun ay humangin ng bahagya. Sa loob loob ng dalaga ay natatakot na ito pero pinagsawalang bahala niya nalang yun at hinalo ulit ang juice. Nang matapos niya sakto naman na may humawak sa balikat niya dahilan para magulat ang dalaga.


"Ohmygod Ryan!! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" sabi ng dalaga sa kaibigan. Bumugtong hininga nalamang ito.




Natawa naman ang binata. "Hahaha. Hindi ko alam na magugulatin ka pala. Haha." sabi nito habang tumatawa pa rin.



"Che. Oh dalhin mo na 'to dun." sabi ng dalaga sa kaibigan niyang si Ryan at pinahawak niya dito ang pitsel. Tumigil naman sa kakatawa ang binata. Samantala ang dalaga naman ay tumingin sa lamesa at laking gulat niya ng wala duon ang kamera.



"Ryan kinuha mo ba yung camera?" tanong ng dalaga sa kaibigan niya. Umiling naman ang binata. Duon ay nag-isip ang dalaga kung nasaan ang kanyang kamera. "Pakihanap nga muna dyan ako na mag dadala neto sa sala." sabi ng dalaga kaya tumango nalang ang binata at inabot sa dalaga ang pitsel.


"Kaira hinaram mo ba ulit yung camera?" sabi ng dalaga ng makarating ito sa sala.

"Hindi na, diba binalik ko na sayo?" sabi ng kaibigan niyang si Kaira.



"Eh bigla kaseng nawala. Ikaw Ian?" tanong ulit ng dalaga. Umiling iling naman si Ian. Bigla naman ito tumayo.


"Eunice asan Restroom niyo?" tanong ng binata kay Eunice.

"Diretcho kalang tapos kaliwa malapit sa kusina." sabi ng dalaga. Tumayo naman siya papuntang restroom.


"Asan si Ryan?" tanong naman ni Kaira. Umupo muna ang dalaga at kumuha ng pagkain.



"Pinahahanap ko yung camera-----" naputol ang sasabihin ng dalaga ng sumigaw si Ian.




"E-Eunice!!!! Ka-ira!!!" sigaw ni Ian muntik na matawa ang dalawang dalaga dahil parang bakla kung sumigaw pero pumunta nalang sila duon. Nakita nila duon si Ian na putlang putla at nakaupo sa sahig na parang takot na takot. Ang dalawang dalaga naman ay takang-takang.




"Hoy bakla. Anong nangyare sayo?" pang-aasar naman ni Kaira sa binata. Pero wala naman reaksyon ang binata sa sinabi ng kaibigan. Napansin naman ni Eunice na may tinititigan si Ian kaya naman napatingin siya duon.





"Ohmygod Ryan!" napatakip ng bibig ang dalaga sa nakikita niya ngayon, nanlalambot ang tuhod niya na parang anytime pwede siya bumagsak. Kumapit nalang siya sa braso ni Kaira, habang si Kaira ay nagtaka naman kaya tinignan niya rin ag tinitignan ni Eunice.




"Shit! Shit! Shit! Shit!" sunod na sunod na sabi ni Kaira at napaupo. Inalis niya ang tingin niya duon dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niya maramdaman. Habang si Eunice naman ay umiiyak na.  "A-Anong na-nangyare?" tanong ni Kaira. Pero kahit isa walang sumagot sa tanong niya.


------------×××
















One CLICK One DEADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon