One Click, Nightmare

18 2 0
                                    

/One Click, Nightmare/

----------×××

Eunice's POV

Nararamdaman kong may humahawak sa hita ko, di ko nalang pinansin yun dahil baka isa sa mga paa ng mga kaibigan ko lang yun. Pero hindi eh, may kamay talaga na humahawak sa hita ko. Dinilat ko na ang mata ko, tumingin ako sa mga katabi ko dito na himbing na himbing ang tulog. Naramdaman ko ulit yung hawak.


Unti-unti ko ng inangat ang comforter....Hanggang sa makita ko na ang paa ko...Pero wala naman. Guniguni ko lang ba yun? Binaba ko na lang ulit yung comforter sakin at natulog na lang. Maya maya dinadalaw ulit ako ng antok pero kasabay nun, nararamdaman ko na naman yung sa hita ko. Di ko nalang pinansin...Pero di naman ako makatulog! Inangat ko ulit yung comforter sa inis ko at.......



"Sht." napabangon ako bigla at napaupo sa kama. Tinignan ko ang mga katabi ko pero laking gulat ko na wala sila dun. Tngna di ko alam ang mararamdaman ko ngayon, hindi ako makagalaw at walang boses ang lumalabas sa bibig ko ngayon. Kahit malamig dito ramdam na ramdam ko ang pag patak ng pawis ko. Gusto kong sumigaw pero wala akong boses.



Lumapit siya sakin at ako hindi ko magalaw ang katawan ko. Gusto kong sumigaw at tumakbo pero di ko magawa. "Mag-iingat ka." sabi niya. Hinaplos niya ang pisngi ko at nag karoon iyon ng dugo galing sa kamay niya. Nanginginig ako sa takot. Anytime pwede akong sumigaw o tumakbo pero wala, parang na freeze ako dito sa kama.


Lumapit naman ang isa niyang kasama sakin. Di ko maintindihan kung bakit sila magkasama ngayon. Pero ang mas hindi ko maintindihan bakit nila ako dinadalaw. "Ija, wag ka magpatalo sa kanya. Labanan mo siya." sabi niya sakin at sa puntong iyon naiyak ako. Miss na miss ko na ang Yaya ko. Pinunasan ni Ryan ang luha ko pero dugo naman ang pumalit dito. Lumapit din siya sakin at hinalikan ang noo ko, pagkalayo niya may tumulo naman na dugo galing sa noo ko. Lumayo na sila sakin at kumaway, habang kinakawayan nila ako ngumiti naman sila. Napangiti naman din ako. "Mag iingat ka."

"Eunice!!" napadilat ako ng mata ko at napaupo. Nakita ko silang tatlo na nasa harapan ko ngayon.

"Bat ka naiyak?" sabi ni Ian at lumapit sakin. Ngayon ko lang napansin na naiyak pala ako. Pero wait.....Nightmare lang ba yun? Nightmare lang? Hinawakan ko ang pisngi ko at luha lang ang nakita ko, walang dugo. "Huy Eunice!!" na windang ako sa tawag sakin ni Ian. " Okey ka lang ba?" tanong neto. Tumango nalang ako.



"Hay nako bes, bumaba ka nalang ah? Nag handa na si Yaya ng almusal." sabi ni Denise tumango nalang ako at lumabas na silang tatlo. Ilang minuto pa rin ako nasa kama at hindi gumagalaw. Di ko lang talaga maintindihan yung panaginip na yun. Ano bang sinasabi nila na 'mag ingat at lumaban?' "Eunice!!!" narinig ko si Denise na tinawag ako pumunta agad ako sa cr para mag ayos na.




"Ang tagal mo bes ah." sabi ni Denise ng makita niya ako. Umupo nalang ako at kumuha na ng pagkain. Napansin ko naman si Yaya Linda na nakatingin lang samin. "Ya, sumabay ka na po samin." napatingin naman siya sakin nang sabihin ko yun.

"Oo nga Ya." sabi naman Kaira. Umupo si Yaya sa tabi ko, kumuha naman si Kaira ng plato at kutsara't tinidor. Sumabay samin si Yaya, nauna ako natapos sa kanila matapos kumain nagku-kwentuhan pa kase sila ako naman tango lang at tawa ang naisasagot ko. Ayokong muna makipag kwentuhan sa kanila. Ewan ko wala ako sa mood.


"Eunice pupunta tayo ngayon sa police station ah." sabi ni Denise tumango ako at tumayo.


"Oh san ka pupunta?" tanong ni Kaira.


"Magbibihis." sagot ko. Natawa naman sila at tumaas ang kilay ni Denise.

"Hindi ka pa ba nakabihis niyan?" tanong sakin ni Denise. Tinignan ko ang suot ko at narealize ko naka bihis na pala ako. Tinakpan ko nalang yung muka ko. Hays. Kakaisip kasi ng kung ano ano eh.


"Tara na nga." sabi ni Ian sabay akbay sakin. Tinanggal ko na yung kamay ko sa muka ko at naglakad na din palabas. Tumigil kami sa tapat ng gate. "Mag kwento ka." sabi ni Ian napatingin naman ako sa kanya, tinanggal niya na yung akbay niya sakin.


"Ian....." napatingin naman siya. "Sabi nila mag iingat daw ako at lumaban." sabi ko habang nakatingin sa kawalan.



"Sinong nila?" tanong ni Ian.




"Hindi ko sila maintindihan." sabi ko. " Si Yaya Susan at Ryan." napaiyak ako, niyakap niya naman ako. Naiiyak ako dahil naalala ko na naman yung nightmare na yun.




----------×××



Last Update ko ata 'to. HAHAHA. Sorna. May problema kase. Maiintidihan niyo naman diba? HAHAHA. Balik ko ata sa December. Sorry talaga. Mahar ko kayo. HAHAHA. Di ako maka move on sa Got7. <//3 Teambahay eh.








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One CLICK One DEADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon