STORY # 3: I Am Gay (Yaio)

20K 180 72
                                    


GENRE: Yaio, Drama, Slice of Life, Inspirational

THEMES: Gays

Bata pa lang si Francis ay inaasar na siyang bakla ng mga kaklase niya. Mahinhin daw kasi siyang kumilos. Tahimik, matalino, at mahilig pa sa mga gawaing pambabae tulad ng pagluluto at pagtatahi. Pagdating naman sa physical appearance ay may kaliitan siya. Maputi, cute at payat. Ang sabi pa nga ng iba ay kung magsusuot daw siya ng wig ay papasa na siyang isang magandang babae.

Sa totoo lang ay naiinis siya kapag may tumatawag sa kanyang bakla. Nagkacrush din naman siya sa mga babae, eh at never pa siyang nagkagusto sa kapwa niya lalake.

Pero nagbago iyon ng makilala nya si Diego. Gwapo ito at habulin ng mga babae. Lalaking-lalaki tingnan. Machong-macho. Hindi niya alam kung anong meron dito at parang kahit pinipigilan na niya ang sarili ay nasusundan pa rin niya ito ng tingin. Madalas pa itong kumikindat at ngumingiti sa kanya.

Pero dahil gusto niyang patunayan sa sarili na lalaki siya ay nanligaw rin siya ng babae. Si Sheila. Napakaganda nito at matagal na rin niya itong crush.

"I'm sorry, Francis pero may mahal na akong iba eh. Si Diego. Kami na. Mahal pa rin naman kita, eh. Bilang nakababatang kapatid nga lang. Patawad." Naalala pa niyang sabi ni Sheila no'ng binasted siya nito.

Nasaktan siya. Unang beses niyang manligaw lalo pa at bata pa lang sila ay crush niya na ito pero tinanggap niya na lang. Ganoon naman yata talaga kapag nanliligaw ka. Pwede kang manalo pero pwede ka ring matalo. Isa pa, sa tingin niya ay hindi pa rin siguro talaga siya handang makipagrelasyon kahit pa sinagot siya nito kaya mas okay na rin siguro ang ganito. Lalo pa at may duda pa rin siya tungkol sa pagkatao niya.

Mahal din naman niya si Sheila kaya dapat lang na maging masaya siya para rito. Pero sa totoo lang wala ay siyang tiwala kay Diego. Alam niya na niloloko lang nito ang childhood friend niya. Madalas niya itong nahuhuli na may ibang kasamang babae. Hindi nga lang niya masabi kay Sheila dahil baka masaktan lang ito pero nalaman pa rin nito.

Umiyak nang husto si Sheila lalo pa ng iwan na ito ni Diego. Nagmukmok sa bahay ang kaibigan niya. Hindi lumalabas ng kwarto at halos hindi kumakain. Kahit siya ay ayaw papasukin.

Hanggang sa natagpuan na lang ng lahat na naglaslas ito kinabukasan.

Namatay si Sheila.

Dahil doon ay galit na sinugod niya si Diego sa club na pinagtatrabahuhan nito. Alam niya na stripper doon ang lalaki.

"Mag-usap tayo!" Nagpupuyos sa galit na sabi niya sa loob habang umiinom ito kasama ng dalawang babaeng pinapagitnaan ito.

Nakangisi na tumayo ito pero hinalikan muna ang dalawang matrona sa lips bago sumama sa kanya.

"Anong kailangan mo sa akin, babe?" malanding tanong nito no'ng nasa likod na sila ng club kung saan walang masyadong tao.

"Hindi mo ba nabalitaan ang nangyari kay Sheila? Nagpakamatay siya ng dahil sa'yo, Diego! Dahil sa pag-iwan mo sa kanya! Hindi ka man lang ba nakukunsensya sa ginawa mo? Nagagawa mo pang mambabae sa club na ito!" Galit na sabi niya.

Napatawa lang ng pagak ang walang kunsensyang lalaki. "Masyadong konserbatibo si Shiela, Francis. Ayaw niya sa trabaho ko at pinipilit niya akong umalis dito. Alam mo naman siguro na bilang isang stripper ay trabaho ko na lumandi ng iba't-ibang babae rito especially older women. Hindi matanggap ni Shiela kung ano ako kaya iniwan ko siya kahit pa mahal ko siya. Besides, hindi ako nambabae, Francis. Sineryoso ko si Shiela pero kailangan kong magtrabaho. Ang katawan ko ang puhunan ko kapalit ng perang ibinibigay nila. Hindi mo maiintindihan ito dahil pinanganak kang may gintong kutsara sa bibig. Pero ako? Kailangan kong kumapit sa patalim para may maipakain sa mga kapatid ko. Kaya naman hindi ko na siguro kasalanan kung nagpakamatay si Shiela nang dahil sa akin. Malungkot akong malaman na wala na siya pero desisyon niyang kitlin ang buhay niya."

27. RIPE: An Anthology Of Short Stories For Mature ReadersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon