Story # 4: Butch And Femme (Yuri)

546 8 2
                                    

Butch and Femme
Genre: Yuri, Romance, SPG
Theme: Tomboy, One Sided Love

NATARANTA si Candice nang mamataan niya sa gate ang tomboy na si Jenny. Agad siyang nagtago at pumasok ulit sa loob ng bahay para pingutin ang kaibigan na si Angel.
"Aray! Aray naman, Candice! Ano bang problema mo?" reklamo ng kaibigan niyang may hawak pang hotdog.
"Ikaw ang problema! Atribida kang babae ka! Hindi ba sabi ko sa 'yo, hindi ako pupunta sa handaan na 'to kung 'andito rin lang iyong Jenny na 'yun? E, bakit nandun siya sa gate?!" iritableng tanong niya rito.
Birthday kasi ng kapatid ni Angel na tropa naman ni Jenny. Kaya nahuhulaan niya na makikita niya talaga roon si Jenny pero nangako naman ang bruhang si Angel na hindi nito papayagan ang kapatid nito na imbitahan si Jenny pero nakita nga niya ang tomboy.
Nanliligaw kasi sa kanya si Jenny at apat na taon na nitong pinagsisiksikan ang sarili sa kanya.
Imagine? Simula fourth year high school ay nililigawan na siya nito at hanggang ngayon na graduating na sila sa college!
Nakilala niya ito noon dahil din kay Angel. Dahil nga naman mukha talaga itong lalaki ay kinilig siya noong naipakilala siya rito at hiningi pa nito ang number niya noon. Talagang 'di niya naisip na tomboy ito dahil halos wala na itong dibdib, pormang lalaki at F4 style pa ang haircut nito noon.
Ang gwapo pa naman ng tingin niya rito noon. Johnny pa ang pakilala nito noon sa kanya na Jenny naman pala talaga.
Halos araw-araw ay magkatext sila noon. Malambing ito, matalino at galante pa. Sasagutin na nga sana niya ito no'ng pag-graduate nila ng high school dahil pakiramdam niya ay nai-in love na siya noon nang bigla niyang malaman na tibo pala si Jenny at hindi ito tunay na lalaki.
Crush kasi ito ng isang kaklase niyang babae na si Jessica noong college at unang araw sa klase no'n nang marinig niya na pinag-uusapan ng mga ito si Jenny.
"Okey lang sa akin kahit na hindi tunay na lalaki si Johnny! 'Di hamak naman na mas gwapo at mabait siya kaysa sa mga tunay na lalaki riyan 'no!" parinig pa ni Jessica noon sa mga kaklase nilang lalaki na panget.
Nagulat siya nang marinig iyon noon.
Hindi naman sa galit siya sa mga tomboy pero hindi niya lang talaga kayang makisama sa mga ito. Pakiramdam kasi niya ay nakakadiri dahil kahit na kilos at damit lalaki pa man ang mga ito ay kapag naghubad na ang mga ito ay sa huli, babae pa rin.
Kaya iniwasan niya na noon si Jenny. Halos mapuno nito ang inbox niya kaka-text at palaging lowbatt ang cellphone niya kakatawag nito. Nagpalit na nga lang siya ng sim card para hindi na ito makakontak sa kanya e.
"Hi, Candice. Nandito ka pala. Gumanda tuloy ang araw ko kasi nakita ko ang ganda mo," sabi ni Jenny na nakalapit na pala sa kanila.
Nginitian niya ito ng pilit sabay irap.
"Ang corny mo, ha! Ako, pumangit ang araw ko kasi nakita na kita! Nyee, makita pa lang kita kinikilabutan na ako!" pang-iinsulto ni Candice na parang diring-diri. "Tabi nga, aalis na ako rito!" pagpapahiya ni Candice kay Jenny saka binunggo pa ang tomboy at lumabas na ng gate.
"Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko, Johnny. Alam mo namang allergic sa mga lesbian 'yon, e. Ikaw naman kasi, alam mo na ngang ayaw sa'yo nung tao ay pinipilit mo pa rin ang sarili mo. Marami namang nagkakagusto sa'yo kahit na ganyan ka, ah? Huwag na lang kasi si Candice. Huwag na ang kaibigan ko," payo ni Angel kay Jenny nang wala na si Candice.
Napatango na lang si Jenny. Alam naman niya iyon, e. Alam niya na ayaw at hindi siya matatanggap ni Candice kahit na kailan dahil parehas sila ng kasarian pero mahal na mahal niya ito. Pakiramdam nga niya ay hindi siya mabubuhay man lang na hindi ito nasisilayan.
Maaga siyang umalis sa handaan ni Ralph na kapatid ni Angel at siya namang bestfriend niya. Wala naman kasi roon si Candice. Hindi rin siya magiging masaya lalo pa at ipinahiya siya nito kanina sa harap ng maraming tao.
Nagpunta siya ng park at nagmuni-muni... Inaalala ang mga panahon na mabait pa sa kanya si Candice noong hindi pa nito nalalaman na babae rin pala siya.
Naisip nya. Kasalanan ba talagang maging isang tomboy? Bata pa lang siya ay natuklasan niya nang sa babae rin pala siya nagkakagusto. Naiinggit din siya sa mga kuya niya noon habang naglalaro ng baril-barilan ang mga ito habang siya naman ay barbie doll ang pinagpipilitang palaruan ng mama niya sa kanya.
Naiinip siya kapag naglalaro siya ng barbie doll kaya madalas ay tinatapon lang niya ang mga iyon. Hindi rin siya kumportable noon sa mga bestida. Naiilang siyang gumalaw kaya ang damit ng mga kuya niya ang mga sinusuot niya noon.
Hanggang sa nagkaroon siya ng girlfriend noong high school. Natanggap na rin ng pamilya niya kung ano talaga siya dahil wala na rin naman daw magagawa ang mga ito.
Hindi madaling maging tomboy. Bagama't marami ng mga taong nakakatanggap sa mga tulad nila ay marami pa ring sarado ang mga mata. Hindi lang iisang beses na pinagtawanan at na-bully siya dahil sa hitsura niya. Kailangan niyang sanayin ang sarili sa lahat ng mapanuri at mapagmatang tingin ng lipunan. Kailangan din niyang sanayin ang sarili sa paulit-ulit na tanong ng mga tao. Kung lalaki ba raw siya? Kung bakit daw siya naging tomboy at marami pang iba.
Nagkaroon naman siya ng maraming girlfriends noon. Gwapo kasi siyang tomboy at kung minsan ay ang mga babae pa ang naghahabol sa kanya dahil huling-huli niya ang kiliti ng mga ito. Kung minsan nga ay nadadaig niya pang manligaw ang mga lalaki.
Pero nagbago siya nang ma-love at first sight siya kay Candice. Galit ito sa mga katulad niya pero mahal pa rin niya ito. At talagang nasasaktan siya kapag binabalewala at sinasaktan siya nito.

27. RIPE: An Anthology Of Short Stories For Mature ReadersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon