Hot Shots

58 1 0
                                    

Maya-maya ay tinawag ako ng supervisor ko at tinuro niya yung mga rude guests. Akalain mo yun, pagtingin ko para akong nakakita ng nagpipicnic sa park. Paano ba naman, hindi yata nila nakita yung sign na nakalagay sa glass door. Medyo may kalakihan na nga yun eh kaya mababasa mo baga pumasok yung nakalagay na Please avoid bringing and eating foods from the outside. Bulag lang dude? Isama mo na yung thinking naming mga barista --- oo naman kasi halos lahat kaming mga empleyado rito ay nakatingin sa kanila --- na isang regular
americano lang ang order nung mga yun at hinati pa sa dalawa plus yung panlalait pa sa store na mabaho raw, nakakakulo ng dugo na makita silang kumain sa loob ng store namin nang pagkaing hindi naman sa amin binili.

"Issei, paki paalalahaan naman sila na bawal kamo kumain ng ganyan dito sa loob ng store natin." Utos sakin ng supervisor ko. It's my pleasure. Gusto ko kasi talaga silang sawayin. Mga bwiset kasi. Nakakairita. Kumain ba nman ng food from a fastfood chain sa loob ng coffee shop. Isipin mo nga yung ginawa nila, kung ihahalintulad sa iba, para ka lang nagdala sa Jollibee ng food from McDonald's at sa loob mo ito ng Jollibee store kinain.

"Sige po sir Manolo, ako na po ang bahala." Kalma lang Issei, dapat smile pa rin with good customer service skills.

Nasa tapat na ako nang table nung lalaking nakaitim. Siya pala mismo yung pasimuno ng picnic nila. Tss. Walang manners. "Hello po." Bati ko nag may malawak na ngiti sa aking labi. Tumingin naman yung mga guests sa akin. Mabuti naman at na- acknowledge nila ang aking presensya kahit na sarap na sarap silang kumakain ng pesteng food from the outside na yan. "Remind ko lang po kayo na bawal po sa loob ng store na magdala at kumain ng food from the outside." Dugtong ko habang nakangiti pa rin at nagpapaalala ng maayodls.

"Bakit bawal?" Malditong tanong sakin nung lalaking nakaitim. Antipatiko talaga. Nasa early 40's na nga yata ang edad nito pero baliko naman ang utak.

"Kasi po sir yun po yung standard dito sa amin. Yun po ang policy dito sa store." Smile pa more habang nagpapaliwanag.

"Bakit meron ba kayong chicken dito?" Tanong niya sakin habang tinataasan ako ng kilay. Don't tell me bading to si kuya.

Matindi tong lalaking ito. Gusto pala niya ng manok bat hindi nalang siya dun kumain sa pinagbilhan niya ng makarami pa siya. Kaysa yung ganitong itinake-out niya pagkatapos ay sa coffee shop namin niya kakainin. Dalhin ko kaya to sa bukid. Doon maraming manok pati patuka sa manok ay kainin niya na rin. "Mayroon po kaming sandwiches po. Chicken sandwich." Smile pa Issei kahit ayaw mo na.

"Bakit may hotshots ba dito?" Pagtataray pa nung lalaking nakaitim.

Nawalan na yata ng oxygen ang utak nito. Nasa coffee shop siya diba. "Wala po kaming hot shots pero sir---"

"I don't care. Gusto ko ng hotshots eh kaya ito ang kakainin ko." Sabay subo ng hot shots niya at kinain ito habang nasa harapan pa niya ako.

Nabigla ako sa ginawa nung lalaking nakaitim. Bastos talaga ampness. Pinipigilan ko ang sarili kong magalit dahil baka kung ano na lang ang magawa ko sa customer na to. Nasa trababo pa naman ako. Ayaw ko ng bad record. I'm so kind kaya. At dahil bad vibes na ko, tinawag k na lamang si sir Manolo.
"Sir, gusto niya raw ay hotshots!" Medyo napalakas na sabi ko. Tinanguan na lang ako ni sir Manolo. Ibig sabihin bumalik na lang ako sa station ko. May araw rin tong kumag na to.

Matagal silang tumambay sa store. Oh di ba hindi na nahiya ang kapal pa ng mga mukha. Take note, bago sila tuluyang umalis ay nag complain pa sila, humingi pala kasi sila ng plato kay sir Manoli, at dahil bawal nga ang kumain ng food from the outside ay hindi sila pinahiram ng mga plates and utensils. Sila pa yung may ganang magalit samantalang sila naman yung mali. Nag cause pa ng un-necessary smell sa loob ng coffeeshop. Instead of coffee aroma, naging chicken aroma tuloy. Hay naku.
Matapos ang mahabang diskusyunan nila na hindi ko na pinakinggan ay lumabas na sila ng pintuan.

Wag ko lang silang maaabutan sa labas, kundi, naku. Tsk.

The Barista AssasinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon