Needles

45 2 0
                                    

"Sir Manolo, mag c-c.r lang po ako." Paalam ko sa supervisor ko. Pinayagan naman niya ako ngunit bilisan ko raw. Malayo kaya ang c.r noh.

Yun nga lang, hindi naman kasi talaga ako mag c-c.r, may balak akong sundan yung mga hampaslupang mga guest na yun. Hindi kasi kinaya ng patience ko ang pagkulo ng dugo ko. Mabuti na lamang at ang employee's c.r ay nasa 5th floor at yung parking lot kung saan papunta tong mga sinsundan ko ay nasa 4th floor. Wag na kayong magtanong kung bakit ko sinundan. Kayo kaya ang nasa kalagayan ko kanina matutuw ba kayo? Tuturuan ko lang naman ng kapirasong karma itong mga to. Kahit mabait ako hindi mahaba ang pasensya ko noh.

Kasalukuyan kaming nasa elevator. Hindi ako napansin ng mga taong sinusundan ko. Kahit pa yung lalaking nakaitim. Wagas ba naman kng magkwentuhan at mag tawanan akala mo walang kasamang ibang tao sa paligid nila. Pagdating sa 4th floor, karamihan ng tao sa elevator ay lumabas na, nakisali na rin ako sa kanilang paglabas. Palihim kong sinusundan itong mga taong pakay ko. Wag kayong mag alala, dahil nga mabait ako, kotse lang nila ang puntirya ko. At siyempre dahil dito ako sa building na ito nag ta-trabaho, saulo ko kung saan ang blind spot ng CCTV cameras. Yun an mga daang tinatahak ko habag sinusundan ko sila. I'm so great right? Hehehe. Nakita ko na silang papasok sa kanilang mga sasakyan. Nakakadismaya dahil dalawang Toyota vios lang na magkaiba ang kulay ang gamit nila. Samantalang kanina ay over acting ang mga lola at lolo mo sa pagtataray sa store. Lalo tuloy kumulo ang dugo ko at dahil diyan, inilabas ko na sa bulsa ko yung gagamitin ko para ibigay sa kanila ang karma.

Walong mga karayom. Yan lamang ang gagamitin ko para mabutasan sila ng mga gulong. Pasensya na kung nadismaya kayo sa weapon ko. Wala kasi akong dalang gamit ee. Bawal kaya yung mga ganun sa trabaho. Hahaha. Hindi ko naman kasi talaga yan weapon, pang emergency use only ko lang yan, yung tipong tool kit for girlscout. At least laging handa. Malamang iniisip niyo kung pano ko ito gagamitin sa pagbubutas ng mga gulong nila. Bukod sa gawa ito sa strongest metal on earth, syempre sasamahan ko ito ng malupit kong skill. Inilabas ko na an straw na kinuha ko sa store at isa-isang pinagsususumpit ang mga gulong ng kotse nila. Asintadong tinamaan ko an parte ng gulong na inispatan ko kaya bago pa man sila makaandar ay mabilis na umimpis ang hangin sa gulong. Narinig ko pa ang malulutong na pagmumura nung lalaking nakaitim at ng mga kasama niya paglabas nila ng sasakyan.

"Ang galing ko talaga. Asintado much!" Buti nga sakanila. Mabilis at maingat akong kumilos papunta sa elevator upang makabalik na ko sa store. Hindi pa tapos ang duty ko pero ilang oras na lamang ay uwian na, ngunit bago ko isipin yun ay ihahanda ko muna ang aking tenga sa sermon ni mam Fer (isa ko pang supervisor). Sampung minuto na kasi ang nakalipas nung umalis akk roon, aakalain na naman nun na gumawa ako ng milagro sa banyo. Wag berde utak dahil pag dumi ang ibig sabihin nun.

The Barista AssasinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon