N.A.D.

47 3 0
                                    

Naging mabilis ang work shift ko. Marahil ay sanhi nang pangyayaring naganap kanina. Matapos kong humiwalay at magpaalam sa aking mga kasamahan sa trabaho, kinuha ko na ang blackberry ko at tinignan ang e-mail sakin kanina ni Uno.

Marco Dela Merced. 1509 Unit B Lemery, Batangas. Urgent with Dos. -Uno

Yung feeling na nakakatanga yung mensahe niya sa e-mail ko. Kung tutuusin pwede naman niyang itext na lang sakin o di kaya ay ipasundo naang ako kay Dos kagaya ng madalas niyang ginagawa. Sigurado naman ako na nakay Dos ang licture ng target ko.

"Akala ko pa naman big time. Hindi naman pala yata. Sayang lang ang pagka-atat ko. Si Uno talaga minsan pinagt-tripan ako. Tss."

Hindi na ako mag mamaang maangan pa, isa nga akong assasin, ngunit ako ay nasa mabuting panig. Feeling ko kasi isa akong superhero at dapat kong pukasain ang kasamaan. Hahaha. Feeling ko lang yun kasi feelingera ako minsan, but seriously, I am doing this for the sake of peace.

Gusto ko ng matapos to ng makapagpahinga na ako. May pasok pa kaya ako bukas. Hindi ko na rereplyan si Uno. Sigurado naman akong nakay Dos na ang mga kakailanganin ko sa misyong ito. At malamang nakahanda na yun, ako na lang ang hinihintay.

B, where are you? [E-mail sent to Dos]

Sa puso mo. -Dos.

Gago talaga ang walang hiya. May balak pa akong pagtripan

Dos, I'm serious. Pagod ako at badtrip pa. Wag mo ng dagdagan.

Sinabi ko bag nagpalalitan kami ng e-mails? This is our form of communications in NAD. Own software, own website, own e-mails and etcetera. Basta sa NAD ang gamit namin kapag may kinalaman sa trabaho para safe.

May itim na Mitsubishi Montero na huminto sa harapan ko. Otomatikong bumukas ang pinto ng sasakyan at alam kong gusto ng nagmamaneho na pumasok na agad ako roon.

"My things?" Bungad na tanong ko sa lalaki pagpasok na pagpasok ko sa sasakyan. Inabot naman niya sakin ang gold box na may nakaukit na G. "Gamma" bigkas ko habang kinakapa ng aking mga daliri ang nakaulit na letra. It is a greek word that symbolizes the number 3. Hindi pa rin totally nag si-sink in sa isip ko na sa akin na ang titulong yan.

The Barista AssasinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon